XV

34 4 0
                                    

Chapter 15

Makalipas ang ilang araw ay inanyayahan siya ng Mommy ni Keanu dahil sa munting salu-salo para sa kaarawan nito. Tinanong niya si Keanu sa mga hilig ng Mommy nito ay sa mga bags daw ito mahilig kaya bumili siya ng bag na kalalabas pa lang dahil hindi niya din naman kung ano ba talaga ang gusto nito na typical na bag.

Nakasuot siya ng grey trouser pants, white loose shirts na nakatucked-in sa pants niya at sapatos. Nakahanda na rin si Keanu na nakasuot ng black long sleeves at black slacks. Sobrang angas ng dating niya kaya panay ang pagkuha niya ng litrato kahit na wala itong alam.

"Stop it, Darling. Nakikita kita." Tumawa siya at patuloy pa rin sa pagkuha ng litrato kay Keanu. "Come on picture tayo. Want some mirror shots?" tanong nito sa kaniya na kaagad naman niyang sinang-ayunan.

Lumapit siya rito. Nasa may baywang niya ang kamay ni Keanu at ang isang kamay nito ay tila itinakip sa mukha dahilan para hindi makita ang mukha nito. Inilagay niya ang kamay niya sa may bulsa ng pants niya habang ang isang kamay ay hawak ang phone na itinapat niya rin sa mukha niya para matakpan ito habang nakaharap sila sa isang full body size mirror sa living room nila.

Marami pa silang kuha kaya medyo natagalan sila. May nakayakap si Keanu sa baywang niya mula sa likod at nakayuko sa balikat niya. May shots din naman na kita ang pareho nilang mukha at kinuhanan din siya nito mag-isa habang nakaupo sa sofa.

"Ang g'wapo," sabi ni Keanu at kaagad naman niya itong nilapitan para tignan ang litrato. "I'll story this. Ang g'wapo."

Nakasandal ang likod niya sa backrest ng sofa habang medyo magkahiwalay ang binti niya at nasa pagitan nito ang kamay niya at seryosong nakatingin sa camera.

Nang makarating sila sa bahay nila Keanu ay wala naman ganoon masyadong tao. May mga nakasalamuha na rin siya dahil ipinakilala siya ni Keanu sa iilang mga family members ng pamilya. Parati lang siyang nasa tabi nito dahil wala naman siyang ibang kakilala.


"Where's Kia?" tanong niya habang binubuksan ni Keanu ang isang bottled water. "Hindi ko pa siya nakikita."

"Tinutulungan niya mag-ayos si Mommy. Papunta na yun, hintayin na lang natin dito."

Naupo lamang sila sa isang couch habang pinapanood ang iba na magsaya. Hindi naman ganoon karami ang tao dahil family gathering daw.

"Kuya Grey!" Sabay sila napalingon kay Kia na dali-daling lumapit sa kanila. Kaagad naman siyang tumayo at sinalubong ang yakap nito. "Namiss kita. Buti nakasama ka."

"Syempre, bakit ko iiwan ang boyfriend ko?" tanong ni Keanu at kaagad niyang nilingon. "He's my boyfriend, Kia."

"Hala! Congrats po. Omg! Sabi na siya yung crush mo eh. Akala ko dati baka kamukha lang noong nakita ko siya noong inaasar ka nina kuya Parker."

Nahinto si Kia nang dumating ang Mommy ni Keanu kaya kaagad siyang nakipagbeso at iniabot ang regalo niya.

"I hope you like it po," sabi niya na kaagad naman nitong binuksan. "Happy birthday day po, tita."

"Thank you, Grey. Of course magugustuhan ko ito dahil galing ito sa'yo." Nang binuksan na ito nito sa harap nila ay nakita niya si Camilla na parating. Ngumiti siya pero hindi siya nito nginitian pabalik. "I love it, Grey. Salamat."

"Wow! May dalawa ka ng ganyan, tita." Tila napantig ang pandinig sa sinabi ni Camilla. "Ganyan din ibinigay ko kay Tita kanina eh."

Hinila siya bahagya ni Keanu dahilan para mas maging malapit sila.

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon