Chapter 13
Dahil Sunday ay halos sinulit nilang pareho ni Keanu ang tulog nila. Nakatalikod siya rito pero nakayakap ang isang braso ni Keanu sa kaniya habang ang isang braso nito ay nagsilbing unan niya. Pag-open niya ng phone niya ay 9am na at maraming missed call galing kay Yara. Bigla siyang kinabahan kaya naupo siya at hindi na niya inisip kung magigising niya si Keanu.
Nang may mag-doorbell ay dali-dali siya tumayo dahil sa isang message na nagpagising sa diwa niya.
Yara;
Ayoko ng maging kaibigan mo. Putek gumising ka wala na akong choice kundi ituro address ng condo ni Keanu pati ano yung room number. Sorry, pinuntahan ako ni tita rito eh. I love you.
Dali-dali siyang lumabas ng k'warto kahit wala pa siyang ayos. Nagmumog muna siya dali-dali bago pinagbuksan ng pinto ang mga magulang niya. Napalunok siya nang makita niya ang mga ito na seryoso na nakatingin sa kaniya.
Napatingin siya sa paligid at nandoon ang sobrang kalat na living room. Nagkalat lahat ng art materials dahil pareho silang busy sa plates nilang dalawa at late na natulog kaya hindi na nila iyon naiayos pa.
"Mom."
"Why are you here?" his mother asked. "You have your condo, Grey. Why are you here?"
"Ano kasi, mom." Pare-pareho silang napalingon sa pagbukas ng pinto ng k'warto at lumabas si Keanu na humihikad pa at magulo ang buhok. Gulat na gulat din ito sa nadatnan. "Si Keanu po pala."
Yumuko si Keanu at dali-daling bumalik sa loob at nagsarado ng pinto. Nang lingunin niya ang mommy ay nakataas na ang kilay nito. Pero kaagad din na nagbukas ang pinto mukhang dali-dali lamang na naghilamos si Keanu.
"Good morning po. Sorry po sa kalat," sabi nito na nasa tabi na niya. "Pasok po kayo. Pasensya na po."
"Mag-ayos na muna kayong dalawa. Please lang," sabi ng Mommy niya. "Go on."
Hinila niya si Keanu pabalik sa room at nanlalamig ang kamay nito. Dumiretso sila sa bathroom at kaagad siyang nagtoothbrush habang si Keanu ay tulala habang nagsisipilyo.
"Hey!" Napalingon ito sa kaniya at napa-kurap-kurap ng mga mata. "It's fine. Go on. Bilisan na natin."
"Kinakabahan ako," sabi nito. "Anong sasabihin mo? Anong sasabihin ko? Ready ka ba? Okay lang naman na sabihin na friends lang tayo kung hindi ka pa ready."
"Bahala na," ang tanging sagot niya.
Nag-ayos sila hanggang sa maging komportable ang ayos nila. Nagpalit ng t-shirt si Keanu habang siya naman ay naglalagay ng lipbalm sa lips niya. Nang matapos magbihis si Keanu ay yumakap ito sa likuran niya.
"Tara na," bulong nito. "Hindi mo naman ako iiwan diba?"
Tumawa siya at hinarap ito. Ngumiti siya bago niya nilagyan ng lipbalm ang mga labi nito. Nakatitig lang sa kaniya si Keanu na tila batang ayaw maiwan. Mabilisan niya itong hinalikan at inayos ang buhok na medyo nagulo.
BINABASA MO ANG
MANANATILING IKAW
Romance[COMPLETED] Mananatiling Ikaw kahit Pa Natatakot ako na Baka hindi na Ako. Posted: March 10, 2022 Finished: April 11, 2022