XX

24 2 0
                                    

Chapter 20

Grey is wearing a white plain shirts at nakatupi ang laylayan ng manggas nito, a pair of white sneakers, and a black jogger pants. Nakababa ang medyo curl niyang bangs sapat lang para hindi matakpan ang mata niya. It's so simple but seeing Keanu's reaction he's so whipped on him.

"Matutunaw na ako. Itigil mo nga yan!" Hasik niya kay Keanu.

"Hindi ko alam na mas attractive ka pala kapag simple lang suot mo. Damn! Ang g'wapo mo."

Nagkibit-balikat lang siya saka niya kinuha ang phone niya sa center table. "Kita kits na lang mamaya. Aalis na ako."

"Kiss ko." Umiling siya bago siya naglakad papalapit. Nakaupo ito sa couch kaya lumapit siya saka yumuko. He give Keanu a peck kiss on his lips. "Bitin."

"Alis na ako." Ngumiti si Keanu at sinamahan siya palabas sa unit. "Don't worry. I'll update you na lang pagka-tapos na kami."

"Yeah, magtataxi lang ako mamaya ah. Kotse mo na lang gagamitin natin mamaya." He nodded. "I love you."

"I love you too," he murmured.

Dumiretso kaagad siya sa parking lot. May kailangan lang siya asikasuhin para sa isang group meeting for their presentation. Kasama siya si Crew at ang iilan pa nilang blockmates. Halos hindi rin sila nagtagal dahil tinapos lang naman talaga nila ang presentation sa isang coffeeshop.

Hindi naman na ganoon karami ang ginawa nila kaya halos mas marami ang chika nila sa isa't-isa kaysa sa ginagawa nila.

"Kamusta, Grey? Grabe hindi ka na naman parating nakakasama ah." Ngumiti siya dahil katatapos niya lang maitext si Keanu. "Musta ang buhay?"

"Syempre g'wapo pa rin," pabiro niyang sagot. "Ano ka ba ako lang naman ito Jeeve." Inakbyan siya ni Jeeve at ginulo ang kaniyang buhok.

Nagtatawanan sila pero laking gulat niya nang lumapit si Keanu. Hindi niya inaasahan na ganoon ito kabilis dahil kakasend pa lang ng messages niya. May usapan sila na magdidate sila kaya talagang expected na niyang susunod talaga si Keanu.

"Ba't ang bilis?" tanong niya. Nilingon din ni Jeeve si Keanu at kasalukuyan pa rin na nasa balikat niya ang braso nito. "Nasa labas ka ba kanina pa?" Keanu nodded.

"Who is he?" Jeeve whispered to his ear.

"Boyfriend ko yan tangek yung braso mo," bulong niya pabalik dahilan para makita niya ang paglunok ni Jeeve at dahan-dahan na pag-alis sa braso niyang nasa balikat niya. "Gago ka kasi! " dagdag pa niya.

Tumayo siya at dinaluhan si Keanu. Ipapakilala sana niya ito bilang boyfriend niya ngunit nagulat siya sa biglang pagdating ni Camilla ay humawak pa ito sa braso ni Keanu.

"I thought umalis ka na. Hi Grey." Ngumiti lang siya ng pilit. "My grandmother is expecting Keanu kasi... is it okay naman right? Kakauwi pa lang kasi ng Lola ko."

"Oo naman," sagot niya saka tumingin kay Keanu. "Sige na. Tsaka uuwi na rin ako after."

"Are you sure. Isasama sana kita." Umiling siya.

"It's okay. Sige na. Ingat." Lumapit pa siya at bahagyang pinisil ang braso nito. "Ingat kayo."

Halos hilahin pa ni Camilla si Keanu papalabas. Nag-iwas na lang siya ng tingin at bumalik sa pagkakaupo. Nagulat siya dahil nagtama ang paningin nila ni Jeeve. Napangisi siya ng payak dahil tila lahat ng tao alam na alam kung ano ang nangyayari.

"Mahirap yan, Grey. Hindi marunong dumistansya yung babae." Bumuntonghininga siya. "Isang kita pa lang alam ko na. Mahirap yan."

Matapos makuha ni Crew ang gamit ay nagpaalam na sila. May dalang sasakyan si Crew kaya hindi sila magkasama. Napag-desisyonan nila na magkani-kaniya na lang dahil sa pati siya ay wala na rin sa mood na pumunta pa sa kung saan kaya sa condo niya siya mismo nagpunta.

Naglinis siya dahil paminsan-minsan lang naman na siya makabisita. Inayos niya rin ang iilang gamit pati mga laman ng ref. Lumabas siya saglit para bumili ng iilang stocks dahil ubos na ang nasa pantry.

Hindi siya nagtagal at bumalik siya sa unit niya. Nagpalit siya ng shorts ngunit nanatili niya pa rin suot ang t-shirt niya. Bumili na rin siya ng pagkain kaya hindi na niya kailangan pa na magluto. Matapos kumain ay nagreview lang siya saglit bago tuluyang nakaidlip sa sofa.

Pag-gising niya ay sumakit ang leeg niya. Pagtingin niya sa orasan ay 3pm na at malapit na mag-4. He checked his phone but there's no sign of Keanu. Nahiga na lang ulit siya sa sofa at pumikit muli. He's overthinking again. Natatakot siya na kapag napagod na si Keanu sa kaniya ay may sasalo rito.

Ilang minuto ang nakalipas nagulat siya sa pagbukas ng pinto. Alam niya naman na si Keanu lang ang may password maging ang mga kaibigan niya.

Dumilat siya ng kaunti at si Keanu nga. Mabuti na lang at nag-aalis ito ng jacket at hindi nakatingin sa kaniya kaya pumikit siya ulit ngunit tila normal lang. Ayaw niyang malaman nito na hindi siya tulog.

Pilit niyang maging normal lang. Kamuntikan pa siyang mapakapit kay Keanu nang buhatin siya nito mabuti na lang at napigilan niya ang kamay niya. Nang maramdaman niya ang kama ay tila nakahinga na muli siya ng maayos.

"Yeah, he's here. Thank you, Yara."

Naramdaman niyang hinalikan ni Keanu ang noo niya bago ito naglakad palayo. Imulat niya ang mata niya saka siya tumayo at binuksan ang veranda. Nagpahangin na muna siya dahil sa inis na nararamdaman.

Nang makita niya ang pag-ilaw ng phone niya ay kaagad niyang sinagot ang tawag na mula kay Yara.

[Hinahanap ka ni Keanu kanina sa akin. May nangyari na naman ba?] tanong nito.

Ik'weninto niya ang lahat ng nangyari. Galit na galit si Yara kay Camilla dahil sa nalaman.

"Kaya ayon na nga nasa veranda ako now. Naiinis pa rin ako. Gusto ko mainis kay Camilla lang pero pati kay Keanu naiinis din ako. I nakakainis, nagsisisi ako na ibinigay ko pin sa kaniya. Nakapasok tuloy."

[Yeah, pero mas grabe inis ko sa babae na iyon. Sinasamantala na niya ang kabaitan ni Keanu sa kaniya. Pato nga kina Kylo ang arte, mukhang pato na lang parati. Masyadong paawa. Gusto parati nasa kaniya ang simpatya.]

Napabuntonghinga na lang siya dahil ayaw na niyang may masabi pang masama.

[Kausapin mo na lang, Grey. Sige na. Ingat. I love you.]

"Thank you, Yara. I love you too."

Sinara niya ang pinto at lumabas ng k'warto. Nakita niya si Keanu na kasalukuyan nasa counter at kakainom lang ng tubig. Nagkatitigan pa sila pero pareho silang walang kaemo-emosyon. Siguro na siya. Sigurado na siyang gusto na muna niya ng pahinga.

"Can I ask a favor?" Keanu nodded. "Pwede bang iwan mo muna ako. I mean I need a space, Keanu. K-kahit ilang araw lang please..."

"Why? Is it because of Camilla again? I told you ikaw ang mahal ko."

"Nope. Hindi lang yun. Please lang, Keanu. Give me some break." Lumapit ito sa kaniya pero umatras siya. "Huwag kang lumapit please." Hindi nakinig si Keanu kaya lumapit pa rin ito sa kaniya. "P*tangina, Keanu! Sabi huwag eh!" sigaw niya.

Kita niya na napaigtad si Keanu.

"Grey," Keanu almost whispered. "Selos na selos ka? Paano naman yung selos ko? Ni hindi mo nga ako maipakilala doon sa mga kasama mo na boyfriend mo. Tapos ngayon sisigaw ka? Darling, let's talk please."

"Paano kita ipapakilala na boyfriend ko kung may nakalingkis sayong babae? Gusto ko na magpahinga, iwan mo ko. Please lang, galit ako. Iwan mo muna ako."

Kitang-kita niya kung paano magtubig ang mga mata ni Keanu.

"I told you, Grey. I hate being shouted pero ikaw yan eh. Sige." Doon na siya nakaramdam ng guilt. Tumalikod si Keanu at naglakad papaalis bago huminto at nanatiling nakatalikod. "I love you."

Nang tuluyan na itong makalabas ay nanlumo siya. Napaupo na lang siya sa sahig habang yakap-yakap niya ang mga tuhod niya ay tahimik na umiiyak. Kahit hirap ay tumayo siya muli at naupo sa likuran ng pinto dahil natatakot siya na baka may magbukas. He cried silently even he wants to shout because it's heavy, he feels that his heart can't take it. He's in pain because he really loves Keanu so much.

Masyado na kitang mahal. Natatakot na ako. Mahal na mahal na kita.

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon