IX

39 3 0
                                    

Chapter 9

Bumalik sila sa dati school, kain sa labas, at condo ng mga kaibigan niya. Wala sila masyadong time para gumala dahil may kani-kaniya silang pinagkakaabalahan. Paminsan-minsan ay nakikitulog siya sa condo ni Wyatt. Si Yara naman ay parating nauwi dahil parati itong napapagalitan ng ate nito na siyang kasama nito sa buhay. Si Crew naman ay umuuwi-uwi muna sa bahay nila dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang nito.

Parati siyang inaupdate ni Keanu kahit hindi naman siyang nagtatanong. Hindi man sila nagkikita ay parati naman sila nagkaka-usap. Busy din ito dahil pareho nga silang graduating at parehong sa plates umiikot ang mundo nila. Siya sa architecture habang sa engineering naman si Keanu.

Keanu;

Kita naman na tayo. Kahit saglit. Miss na kita. Ako na dadayo.

Grey;

Okay. Sunduin mo ako.

Keanu;

Okay? Where are we going? You planned?

Grey;

I need to do my plates, Keanu. But I can stay at your condo. Just if that's what you want.

Keanu;

Magdala ka na ng gamit mo rito. Syempre gusto. Okay. Susunduin kita.

Kumuha siya ng backpack para ilagay ang laptop niya at ipad. Kumuha rin siya ng isang paper bag para lagyan ng damit niya at gamit. Isang binder ang dala niya at wala ng iba since may gamit naman si Keanu sa condo nito. Kompleto naman ito sa mga art materials kahit na civil engineer ito.

May dala na rin niya ang uniform niya para hindi na siya umuwi. Makalipas ang ilang minuto na pag-aayos ay nagtext na si Keanu na nasa baba na ito kaya nisecure niya na muna ang unit niya bago tuluyang lumabas na maraming bitbit.

Pagkalabas niya ay dumiretso kaagad siya kung saan nakapark si Keanu. Sinalubong pa siya nito at inagaw ang mga bitbit niya.

"You didn't tell me na marami kang bitbit sana sinundo kita sa loob," sabi nito sa kaniya.

"Kaya ko naman."

"Kahit na kaya mo. Nandito naman ako para tumulong."

Habang tumatagal doon niya nakikita na hindi talaga cold si Keanu. Unang pagkikita kasi nila ay kitang-kita niya ang aura nito siguro dahil sa nangyari sa kapatid nito.

"Why?" tanong nito sa kaniya dahil nakatulala na pala siya rito. "Handsome?"

"Wala. First impression ko kasi talaga sayo cold tapos habang tumatagal hindi naman pala." Humalakhak ito at saka siya pinagbuksan ng pinto sa sasakyan nitong montero sport. "Yeah, handsome."

Umikot ito sa kabila at pumasok. "Grocery muna tayo. Okay lang ba? Gusto kita ipagluto eh." He nodded. "Grocery date tayo ngayon."

Dumiretso sila sa isang  grocery. Si Keanu ang may tulak ng cart habang nasa tabi niya ito. Kumuha siya ng mga snacks habang si Keanu ay kumukuha ng mga kailangan sa condo nito. Nang medyo mapalayo na siya rito ay hinatak siya nito habang nasa baywang niya ang kamay nito.

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon