III

59 4 0
                                    

Chapter 3

"Kinginang yan nakahalik ako sa bar," sabi ni yari habang tila maiiyak na ito. "Tanggal anggas ko doon eh. Si Wyatt kasi talipandas." Pangsisisi nito kay Wyatt.

"Wow. Hiyang-hiya kay Crew. Bebe time raw sabi noong Parker eh wala naman silang label. Ang landi."

"Nakakilala na ako ng engineer ng buhay ko eh," sabi ni Crew. "Pwede na ulit ako maglowkey-lowkey sa buhay habang may Engineer na kabebe-time."

First time na kasi ulit silang lahat nakapag-usap tungkol sa mga nangyari. Nang makauwi siya ay kaagad silang nagkita-kita at saka lang talaga nila naikwento ang lahat simula noong last year na nag-bar sila.

"Mga bakla, engineer din yung akin. Naitanong ko pa eh kahit lasing na ako. Itong si Wyatt kasi may kausap na mukhang asukal na pwedeng ipapa. Ang g'wapo, be." Tila kinikilig pa si Yara habang nakik'wento. "Ang g'wapo, g'wapo pero yung nahalikan ko parang batang amoy baby powder pero medyo wild."

"Bastos," sabi niya bigla.

"Wow coming from you, Grey. Inihatid ka ata noong kuya eh. Ano kamusta nilandi mo?"

Ik'weninto niya ang lahat ng nangyari sa kaibigan niya at halos sabunutan na siya ni Yara. Matapos kasi noong kumain siya sa condo nito ay nanonood pa sila ng movie at mag-jogging pabalik sa condo niya.

"Landiin mo na, be." Bigla naman na siyang nahiya sa sinabi ni Yara. "Gusto ko man bumalik sa bar pero may thesis na tayo next sem. Study first tayo eh," dagdag pa nito.

May point si Yara. Hindi pwedeng parati silang nasa bar dahil graduating student sila at mas kailangan na nila ng focus para sa pag-aaral nila. Nagkaroon sila ng isang week na break at isang week para naman sa enrollment nila. Umuwi rin siya sa kanila kaya hindi sila nakagala masyado ng mga kaibigan niya.

Nagpicnic sila, nagmovie marathon, nag-inuman pero sa kanila na lang after nila nakapag-enroll. Parati niya na rin nakakatext si Keanu at talagang consistent naman ito.


Keanu;

Free kayo today? Parker also want to meet Crew. Kita sana tayo.

Napakagat siya ng labi sa nabasa.

Grey;

Sure. Saan ba? Dadalhin ko rin friend kong dalawa ah. Hope you don't mind.

Keanu;

May kasama rin kaming dalawa pa. I don't mind. I'll send you the address. Ingat.

Kamuntikan na niyang maitapon ang phone niya pero pinigilan niya maging ang pagsigaw. Nilingon niya ang tatlo na nakatingin lang sa kanya kaya bahagya siyang umayos ng upo.

"Gala tayo. Nag-aya si Keanu. He's with his friends too. Well may dalawa pa raw siyang kasama maliban kay Parker. Ano game? Umu-oo na pala kaagad ako kahit hindi ko pa hinihingi yung opinion niyo."

"Malandi. Syempre gora. May klase na ulit tayo tomorrow eh."

Umuwi na muna ang tatlo para raw maligo at mag-ayos. Nagsuot siya ng blank pants at white loose shirts at nakablue na sneaker. Nakababa rin ang bangs niya at nagsuot siya ng eyeglasses.

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon