XII

37 3 0
                                    

Chapter 12

Halos parati na siyang nag-istay sa condo ni Keanu. Wala pang alam ang parents niya dahil hindi pa siya ready na ipakilala ito. Busy din ang mga magulang niya kaya hindi na muna pinag-iisapan pa ang bagay na iyon.

"I bring my car today," he said while putting a his things on his bag. "Keanu, nakikinig ka ba?" tanong niya rito dahil hindi man lang siya nito nilingon.

Halos lampas dalawang linggo na rin sila magkasama at okay naman sila pareho. May mga bagay lang talaga na hindi siya sanay ng may kasama pero si Keanu naman ang parating nag-aadjust para sa kaniya.

"Yeah, nakikinig po." Dahil sa inis ay nilapitan niya ito at sinilip ang ginagawa nito. Nagulat siya dahil sandwich iyon at at prutas na inilagay sa isang tupperware. Bigla nito niyakap galing sa likod kaya lumingon ito bahagya sa kaniya. "Ang bango mo. Amoy Keanu baby powder."

"Kaamoy mo na nga ako eh.

Inihatid siya nito sa school niya. Keanu kissed his lips before he headed inside. Kumaway-kaway pa siya at nakita niya kung paano tumawa at habang umiiling si Keanu.

Tila naging magaan ang buong araw niya dahil na rin kay Keanu at sa mga kaibigan niya. Nang matapos ang klase ay umalis si Wyatt dahil susunduin daw nito ang pamangkin kaya naman sumama na siya dahil may ibang pupuntahan si Crew at ito na rin ang maghahatid kay Yara pauwi.

Nang makuha na ni Wyatt ang pamangkin nito ay dumiretso na sila sa condo ni Keanu. Dahil tinatamad pa si Wyatt umuwi ay pinapasok na muna niya ang dalawa. Umalis kasi ang kapatid nito kaya siya ang pinagbantay sa pamangkin.

Nakatulog na si Wyatt sa sofa habang naglalaro sila ni Cherry. Nang makarinig siya ng pagring ng phone ni Wyatt ay ginising niya ito.

"Oh? Saang banda ba? Oo. Sige, papunta na." Tumayo si Wyatt at nag-inat-inat ng kamay nito. "Iiwan ko muna sayo ah. Susunduin ko si Crew, nasiraan daw eh."

"Okay."

"Thank you, Grey. Balik din ako kaagad."

Nagsuot siya ng princess crown dahil sa pamangkin ni Wyatt. Pilit kasi nito na isinusuot sa kaniya ang crown kaya siya na mismo ang naglagay ng maliit na t'yara sa buhok niya.

"Ganda na ba si tito, baby?" tanong niya rito habang nakaupo sila sa sofa. "Beautiful na ikaw, princess."

Nagulat sila sa pagbukas ng pinto at pagpasok ni Keanu. Maging ito ay nagulat sa nadatnan.

"Hi," bati nito sa kaniya at lumapit bago humalik sa ulo niya. "Who's this beautiful princess?"

"He's Wyatt niece. Iniwan muna saglit kasi sinundo nito Crew. Nasiraan daw."

Nilaro-laro ni Keanu ang kamay nito habang naka-luhod sa harap nito. Ang isang kamay naman nito ay nakapatong sa lap niya dahil naka-indian seat siya sa sofa katabi si Cherry. Nang medyo wala ng pakialam ang bata ay naupo ito sa tabi niya kaya napapagitnaan siya ng dalawa.

"Ang cute mo. How's your day, Darling?" Keanu whispered in his ear. "My princess." Kinurot niya ito dahilan para humalakhak ito.

"Okay naman araw ko. Beautiful ba?" tanong niya sabay ayos ulit sa tyara na nasa ulo niya.

"Oo bagay sayo, mahal kong prinsesa-pe." Hinampas niya ito sa binti. "Love language mo ba na manakit? Kasi kung oo okay lang."

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon