XIX

25 3 0
                                    

Chapter 19

"Darling, ayos na ba? Are you ready?" tanong ni Keanu habang nasa living room ito ay siya naman ay nasa k'warto at naglalagay ng lipbalm sa labi niya.

"Yes! Pasunod na ako."

Nagplano ang buong magkakaibigan na pupunta silang beach. Since may private beach sila ay doon na nila napagdesisyonan na pumunta. Inaya rin nila si Camilla kaya kasama nila ito. Okay naman iyon sa kaniya dahil maging sina Xavier ay gusto rin makasama si Camilla.

Paglabas niya ay nag-aantay na si Keanu sa kaniya. May dala itong backpack at kinuha niya naman ang bag niya na nasa ibabaw ng sofa bago lumapit kay Keanu. Pinadausdos ni Keanu ang kamay nito sa baywang niya bago sila sabay na naglakad palabas ng unit.

1 day and 1 night lang sila. Babalik din sila ng maaga dahil may mga kailangan sila ayusin for school. Dumiretso sila sa sasakyan ni Keanu at kaagad na nagdrive si Keanu papunta kina Yara at susunduin din nila si Camilla.

Nang madaanan na nila si Yara ay bumili si Keanu ng almusal nila. Sobrang aga pa kasi kaya hindi pa sila nagbreakfast. Halos oras din bago sila nakarating kina Camilla. Nagulat silang lahat dahil binuksan nito ang front seat kung saan siya nakaupo.

"Girl, dito ka sa likod. Jowa diyan," sabi ni Yara kaya nilingon niya ito at tinarayan lang siya ng kaibigan.

Padabog na isinara ni Camilla ang pinto. Sumimangot siya at naramdaman niya ang kamay ni Keanu sa hita niya.

"Hindi yan kambyu! Ngina you!" Humalakhak si Yara bago pumasok si Camilla sa loob.

Naging tahimik na sila sa sasakyan. Hindi rin inalis ni Keanu ang kamay nito sa hita niya. Nang makarating sila sa lugar ay dali-dali siyang lumabas. Nang makalabas si Yara ay umakbay siya rito.

"Kamiss," bulong niya.

"Gagi! Kung wala ka sa mood huwag mo ako idamay. Kaloka ka, Grey. Hindi ako katulad ng bestfriend ng jowa mo. Pati ako nanggigigil diyan eh. Masyadong pavictim."

"Tara na lang." Naglakad na sila palayo. Dumiretso sila sa Villa at laking gulat nila ng makita nila ang Lola niya na nag-aantay sa labas. "Hala! Si Grandma!"

"Gago! Lagot ka wala pa yan alam sa jowa mo diba?" He nodded. "Magdasal ka na. Katakot pa naman ng Lola mo magalit."

Humalik siya sa pisngi nito at maging si Yara ay ganoon din. "Kamusta ang biyahe. Ang tagal niyo ata."

"Syempre po may sinundo pa po kasi kami na bida-bida." Napangiwi si Yara dahil sa kinurot niya ito bahagya. "Grandma, salamat po sa pagpayag."

"Of course. Kaibigan kayo ng apo ko. Welcome. I prepare some foods. Let's eat before you go inside."

Paglingon niya sa likuran ay papalapit na sina Keanu, Camilla, Wyatt, Xavier, Crew, Parker, at Kylo. Nagbigay galang ang mga ito sa pamamagitan ng pagyuko at pagbati. Pinakilala niya ang mga ito sa Lola niya maliban kina Wyatt, at Crew na yumakap na sa Lola niya dahil sa kilala naman na ito ng Lola niya.

"And this is Keanu po," sabi niya. Yumako naman si Keanu bago lumapit at hinalikan ang kamay ng Lola niya. "Ano po, Grandma. Ano ko siya—"

Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin dahil bigla na lang sumabat ang Lola niya. "Ino? Is that you?" Nanlaki ang mga mata niya ay nilingon si Keanu maging ito ay napalingon din sa kaniya.

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon