VII

37 3 0
                                    

Chapter 7

Naging busy sila pare-pareho. Hindi rin siya makauwi sa kanila dahil sa pag-aayos nila ng kanilang thesis. Lahat sila ay halos wala ng tulog para lamang sa thesis nila. Hindi na rin sila pumupunta sa bar hanggang coffeeshop na lang sila at restaurant. Wala na silang oras pa sa kung anu-ano pang bagay.

Paminsan-minsan ay bumibisita sina Parker pero mabilisan lang. Hanggang text at call na lang sila ni Keanu. Okay naman iyon sa kaniya dahil pare-pareho silang graduating students.

Malakas ang buhos ng ulan at naiwan siya sa school dahil tumambay siya sa library. Wala rin siyang dalang sasakyan kaya hindi niya malaman ang gagawin. Ni payong nga ay wala rin siyang dala dahil hindi naman talaga siya nagdadala ng payong. May gala ang mga kaibigan niya pero hindi siya sumama.

"Ano hindi ka pa uuwi?" tanong ng isang kablockmates niya ng makita siya. "Ano hatid na kita?"

"Okay lang. Magpapatila na lang ako ng ulan. Tsaka ibang direksyon naman ang punta niya. Okay lang ako."

"Sure ka?" Ngumiti siya saka tumango. "Sige ingat na lang."

"Ingat din at madulas ang kalsada."

Nang maiwan siya ay lumabas ang guard sa guard house. Lumapit ito sa kaniya kaya ngumiti lang siya.

"Nauna na mga kaibigan mo?"

"Yes po. Hindi ko rin naman kasi alam na uulan pala."

"Baka gabihin ka niyan. Magpasundo ka na at mahirap maghanap ng masasakyan ngayon, hijo."

Tumango lang siya saka tumango. Ilang minuto ay bigla na lang nagpop-up sa isip niya si Keanu kaya dali-dali niyang kinuha ang phone niya sa bag niya para tawagan si Keanu.

Naka-ilang ring pa lang ay sinagot na kaagad ni Keanu ang tawag niya.

"Ano busy ka ba?" tanong niya kaagad.

"Nasa may right side mo ako." Nangunot ang noo niya bago siya lumingon sa mga kanang bahagi niya at nakita niya si Keanu na nakapayong at may dalang jacket. "Wait me there."

Nang ibaba niya ang cellphone ay nakalapit na rin ito. Kinuha nito ang mga bitbit niyang libro at pinasuot sa kaniya ang dala nitong jacket na kaagad na rin niyang sinunod. Nagpaalam pa siya sa guard bago sila tuluyang umalis. Nasa waist niya ang kamay ni Keanu habang siya ang may dala ng payong. Si Keanu ang may dala ng libro at bag niya.

"Paano mo naman nalaman na nandito pa ako sa school?" tanong niya habang naglalakad sila papalapit sa sasakyan nito. "Bakit may sinabi sina Yara?"

"Magkakasama kami kanina kaya dumiretso na lang ako rito dahil wala ka naman doon." Pinagbuksan pa siya ni Keanu ng pinto kaya kaagad niyang kinuha ang mga libro at si Keanu naman na ang humawak sa payong. "

Pagpasok ni Keanu ay hinubad niya ang jacket na ibinigay nito. Dahil sa nakalong sleeves siya ay isa-isa niyang inalis ang butones at kaagad niyang hinubad ang long sleeves niya at pinalitan ito ng jacket na ibinigay ni Keanu. Nang maisuot niya ito ay napalingon siya kay Keanu na nakatingin sa kaniya kaya bigla siyang nahiya.

"Basa kasi long sleeves ko," mahinang sabi niya sabay talikod dito sa niya mahinang sinampal ang sarili. Nilalamit kasi siya lalo dahil basa ang likod niya.

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon