XVII

42 4 0
                                    

Chapter 17

👀🔞 slight

Maaga silang lumabas sa condo nila. Around 4am ay nasa loob na sila ng sasakyan. Nakasuot ng black jacket si Grey at pink shirts sa ilalim nito at grey shorts habang naka-jogger naman si Keanu at nakahoodie na black. Pareho lang din silang nakaopen slippers.

"Nilalamig ka?" tanong ni Keanu at umiling din kaagad siya. "You can play a music, Darling."

Umayos si Grey ng upo at kinuha ang phone niya na nasa bulsa ng jacket niya. Nakamasid lang si Keanu sa kaniya at kaagad din na ibinalik sa daa ang paningin nito.

"This is my favorite. Can we watch the sunrise? I will gladly love it, Babe."

Kaagad niyang kinuha ang phone niya at ikinonnect sa bluetooth.

"Sino ba naman ako para tumanggi? Kung ano ang gusto mo po masusunod basta kaya ko."

They both chuckled and that's the time he play the music.

Naging tahimik na silang pareho. Nakatanaw siya sa labas ng bintana habang si Keanu naman ay nasa daan ang paningin ngunit paminsan-minsan ay nililingon siya nito.

"Always my baby," Keanu whispered.

"Talaga ba?" Lumingon siya rito at sakto naman na lumingon si Keanu. "Inuuto mo lang ako. Baka nga dumating ang time na magsawa ko. You know I'm so immature in many things."

"Parte ka na ng paghinga ko... ng buhay ko... ng lahat-lahat, Darling. Seryoso ako, Kin-Kin."

"Yay! Ang cute kapag ikaw may tawag sa akin niyan, Ino."

"But I prefer babe or baby than Ino, Darling."

"Ikaw nga ang dami mong tawag sa akin eh... Baby, Darling, pretty, sexy, Kin-Kin, hindi ko na alam sa'yo."

Nang sandaling tumawa si Keanu ay pinagmasdan niya lamang ito. Nilingon siya nito habang nakasandal ang isang siko nito sa may bintana habang nasa pang-ibabang labi nito ang kamay at ang isa naman ay nasa manibela.

"Syempre akin ka tapos sayong-sayo ako."

Hinampas niya ito dahil at ngumuso siya para ibalik ni Keanu ang paningin nito sa daan. Nagulat siya dahil nagpark ito sa isang tabi kaya sinilip niya kung nasaan sila. Wala pa namang mga tao dahil sa maaga pa pero may iilan na rin namang sasakyan.

"Bakit mo itinigil—" Sakto sa baling niya sa direksyon ni Keanu ay labi ni Keanu ang sumalubong sa mga labi niya.

"Yum." Hinampas niya it matapos bitawan nito ang labi niya. "Bili tayo kape at pagkain mo. Alam kung gutom ka na. Dito ka na lang, malamig sa labas eh."

Tumango na lang siya at pinanood na lumabas si Keanu at tumawid sa kalsada at pumasok sa 7 eleven. Nagscroll at nagstory lamang siya sa IG niya ng picture ng sa may dashboard ng sasakyan at may caption na morning. Makalipas ang ilang minuto ay natanaw niya si Keanu kaya inalis niya ang seatbelt niya at inabot niya ang may pinto para mabuksan dahil walang available na kamay si Keanu.

"Here." Kinuha niya sa kamay nito ang coffee. It's a french vanilla flavor. Nang makapasok ay inilapag ni Keanu ang ibang binili nito sa lap nito. "Eat something here."

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon