KEANU NILESH SERRANO'S POV

94 1 0
                                    

Epilogue

Hindi na kinausap ni Keanu si Camilla simula noong mangyari ang lahat. Totoong hinalikan siya ni Camilla pero hindi totoo na humalik siya pabalik. Nagulat siya sa nangyari dahil hindi niya inaasahan na aabot doon ang lahat.

"Gago! Nakapanakit kayo ng tao! Nagmukha pa kayong nagtolerate ng ganoon!" sigaw ni Xavier pero wala siyang pakialam. "Seryoso ba kayo! Kasi p*tangina! Hindi tayo ganoon! Tingin nila tinotolerate natin ang pagiging cheater! What the fuck! Hindi tayo ganoon!" dagdag pa nito.

Naging tahimik lang siya dahil wala siyang magawa. Ang gusto niya lang ay makapag-paliwanag kay Grey at bumalik ito sa kaniya. Wala na siyang ibang gusto pa. Nasasaktan na rin siya. Alam niyang naaawa na rin sa kaniya ang mga kaibigan niya.

"Keanu."

"Ayoko ko nga na makausap ka! Kasalanan mo ito eh! Hindi ko masikmura na makita ka kaya please lang!" sigaw niya.

Simula noon nag-iba na lahat. Hindi na niya inisip pa ang pinagsamahan nila ni Camilla kaya noong malaman niya na gusto makausap ni Grey si Camilla ay hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya pero hindi niya rin naman alam kung paano.

"May number ka pa ni Camilla?" tanong niya kay Xavier. Maging ito ay nagulat sa tanong niya. "Look I'm doing this for Grey. Ano meron ka ba?"

"Bakit? Gusto makita ni Grey?" He nodded. "Sure?"

Bumuntonghininga siya sabay tango ulit.

"Yes. He wants it. Ayoko nga sana pero kailangan. Alam mo naman na lahat ng gusto noon ibibigay ko. Kahit ano."

Nakausap niya si Camilla through phone call. Sinabi nito na may schedule pa siya na nakapila kaya hindi pa ito makakapunta para kay Grey kaya sinabi nito na basta free siya ay pwede na.

"I need balloons. Magpoprose na ako. Sakto rin yung date na makakapunta si Camilla sa hospital. Tulungan niyo ako. Tulog ngayon si Grey. Bukas need ko na."

Hindi na niya hinayaan pa na makapagsalita si Kylo dahil baka magising na si Grey kapag nagsalita pa siya. Pinabili niya pa si Kia ng singsing at maging ang mga kaibigan ni Grey ay tumulong para sa buong gabing paghahanda. Natatakot siyang tuluyang mawala si Grey.

Kinaumagahan ay nauna siyang bumaba sa kama. Ingat na ingat pa siya dahil baka magising ito. Tulong-tulong sila sa paglalagay ng mga balloons sa lapag at sina Yara, Crew, at Wyatt ang nagbantay kay Grey hanggang sa magising ito.

"Sorry talaga ngayon lang ako," sabi ni Camilla. "Don't worry you don't need to talk it's fine. Sige una na ako sa loob."

Nang makapasok si Camilla ay siya namang paglabas nina Yara, Crew, at Wyatt. Nakastandby naman silang apat sa labas once na tuluyan na ngang lumabas si Camilla.

"P're, pumirmi ka nga. Ako na yung nahihilo sa'yo! Kulang pa ako sa tulog kaya huwag ako!" hasik ni Parker na halatang antok na antok na.

"I love you, p're." Tumawa si Kylo dahil sa mga pinagsasabi niya. "Ngayon lang iyan."

And then his proposal are end up successful. Sobrang saya niya pero natatakot siya dahil alam niya ang mga sinabi ng doctor. Hanggang sa tuluyan na nga na si Grey na ang kumausap sa kaniya halos hindi na niya kayanin. Iyak siya nang iyak sa gabi sa tuwing natutulog si Grey dahil nagpipigil lang siya kapag magkaharap sila ni Grey. Kinakaya niya na lang para kay Grey.

Hindi ko kaya.

"G-good morning, Grey." Keanu tried to smile at Grey even though his tears continued pouring into his cheeks . "Good morning, darling."

Hindi alam ni Keanu ang mga nangyari. Basta ang alam niya ay pinilit siyang inilayo sa katawan ni Grey ng mga magulang nito. Iyak siya nang iyak pero wala naman siyang ibang magawa hanggang sa tuluyan na siyang tinurukan ng pampatulog dahil nagwawala na rin siya. Kitang-kita niya paano mahirapan si Grey pero hindi niya matanggap na tuluyang bibitaw si Grey.

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon