X

33 3 0
                                    

Chapter 10

"Tara na. Wala naman tayo pasok. Ngayon lang ulit ito," sabi ng blockmates nila. "Tayo-tayo lang naman tsaka birthday ko naman. Diretso na tayo doon."

Bumuntonghininga si Yara saka tumango. "Oo na. Papakonsensyanka pa eh. Game ako." Pagsasang-ayon nito.

"May choice ba?" tanong niya naman at kaagad na umiling pati ang iba. "Okay. Wait lang ah."

"Magpapaalam ka?" tanong ni Yara sa kaniga dahilan para lumingon siya rito at tumango. "Magpaalam sa magulang, exis. Magpaalam sa boylet, check na check. Nasa tamang desisyon ka, be?" tanong nito.


"Magpapaalam ako both. Okay na?" tanong niya. Kibit-balikat lang ang isinagot nito sa kaniya. "Sure ka ba na okay lang sa ate mo?"

"Sabi ko kasama ko si Wyatt at ito rin ang maghahatid sa akin kaya thumbs up sign lang sagot niya."

Lumabas na muna siya para tawagan ang mommy niya dahil baka naman makonsensya pa siya sa pinagsasasabi ng kaibigan.

"Mom?"

[Hi, Love. What is it?]

Natahimik pa siya ng ilang segundo bago nagsalita.

"Papaalam sana ako. We're going to a party with my blockmates. I am with Yara, Crew, and Wyatt."

[Now ka lang nagpaalam ah. Anong nangyari, Grey Kinn Ortega?] Panunukso ng Mommy niya sa kaniya. [Sa pagkakaalam ko kasi hindi ka naman nagpapaalam kapag wala ka naman sa poder namin. What happened, anak?]

"Mommy, I'm just telling you eh. Bye na. I love you." Kaagad niyang binabaan ang Mommy niya ng cellphone at hinanap niya sa contact niya number ni Keanu. "Hi."

[Hello. Papasundo ka ba? May kukunin pa kasi ako sa library.]

"May isang klase ka pa kaya. Anu kasi pupunta akong party ng kablockmates namin. Baka hindi ako dumiretso diyan."

[Nagpapaalam ka?] tanong nito dahilan para mapahawak siya sa noo niya. [Sweet.]

"Iniinform ka lang eh kasi baka mag-antay ka. Baka kung kina Wyatt na ako magstay eh. I don't have my care with me."

[Nagpaalam ka naman ba sa Mommy mo?]

"Yeap. Now lang."

[Then if okay with them I also okay with that. Huwag magpakalasing ah. If kaya mo pa text me, susunduin kita kahit diyan or kina Wyatt. Ingat.]

"Okay. Bye na. May next class ka pa."

Pagpasok niya ay hindi nawala ang mga mata ni Yara na tinutukso siya. Naupo ulit siya sa upuan niya habang inaayos niya ang gamit niya. May dalang sasakyan si Crew kaya doon na siya sumabay habang magkasama naman sina Yara at Wyatt.


"Hey! Kamusta naman ba kayo ni Parker? Naglalandian pa rin?" tanong niya dahil sa hindi nagkik'wento ang kaibigan nila sa kanila.

"Actually he's now my boyfriend na." Nanlaki ang mga mata niya bago siya pumalakpak at ngumiti ng todo. "Happy yan?"

"Syempre naman. Congrats sa inyo."

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon