XVII

30 1 0
                                    

Chapter 27


Pagkalapag ng eroplano dumiretso sila sa hospital. Hindi na maawak pa ni Grey ang mga magulang at Lola niya na maghinga muna. Dumiretso sila sa isang hospital kung saan ay inaasahan na rin naman na darating. Maraming test ang ginawa pero masyado siyang lutang na halos wala na siyang maintindihan at maramdaman.

Pinutol nila ang contact nila sa Pilipinas. Tama lang naman iyon. He stayed at the hospital hanggang sa tuluyan na ngang lumabas ang resulta na ikinaguho ng mundo niya. Isang pangungusap lang ang tanging naintindihan niya sa mga sinabi nito.

"He has Leukaemia and it's stage 3. There's a lot of symptoms that he also encountered but he didn't even try to go to the hospital for the check up. He needs to undergo chemotherapy and maintenance."

Iyak nang iyak ang mga magulang niya at Lola niya habang yakap siya ng mga ito pero walang luha ang lumabas sa mga mata niya. Nanatila lang siyang nakatulala at tila pinagsukdulan ng langit at lupa. Ayaw niyang umiyak dahil pagod na pagod na siyang umiyak simula noong gabi na makita niya sina Keanu at Camilla.

Doon niya lang napagtanto ang lahat. Bawat pasa sa katawan niya, pagkahilo, pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng iilang bahagi ng katawan niya dahil iyon sa Luekemia. At that time ni pag-asa wala na siyang maramdaman. Walang-wala siyang ibang maramdaman kundi poot. Amg dating masiyahin ay hindi na makita pa sa kasalukuyan niyang sitwasyon.

"Anak, don't worry. Nandito lang kami. We will fight, Love. Gagaling ka. Gagaling ka, baby."

"Your mom is right, Grey. We're always here. Ang laban mo, laban din namin."

Nakita niya paanong tumalikod ang Daddy niya saka lumabas matapos sabihin sa kaniya ang mga katagang iyon. Iyak naman nang iyak ang Mommy niya habang pinapatahan siya ng Lola niya. Hindi niya kaya ang nakikita niya. Ayaw niyang nasasaktan ang mga mahal niya sa buhay.

Dahil sa pagod ay nakatulog siya. May sarili silang k'warto kaya hindi naman ganoon kaawkward sa paligid. Nakasuot siya ng hospital gown at mag-isa sa hospital dahil inuwi ng mga magulang nila sa Lola niya sa bahay nila. May bahay sila abroad dahil dual citizen silang lahat. Halos dalawang araw na siyang nasa hospital at sa dalawang araw na iyon ay hindi siya makausap ng matino ng mga magulang niya.

Dahil sa gabi na ay tumayo siya at naglakad malapit sa bintana. Kitang-kita ang mga ilaw sa paligid na mas lalong tila nagpalungkot sa kaniya. Hindi niya alam kung gugustuhin niya na kausapin ang mga kaibigan niya baka madulas lang ang mga ito sa kung nasaan siya. At isa sa rason ay ayaw niya na mag-alala pa ang mga ito.

"1 year in kindergarten, 1 year in prep, 6 years in elementary, 4 years in junior high, 2 years in senior high school. And lastly 5 years in college pero after graduation nandito ako sa hospital?" Pinunsan niya ang mga luhang tumutulo sa mga mata niya. "Ni hindi ako makapag-prepare para sa bar exam kasi ang daming test na kailangan iundergo dahil sa sakit na ito. Ba't parang ang unfair naman?" Humahagulgol niyang tanong habang nakatingin sa labas ng bintana ng hospital. "Ang daya naman eh. Ang daya-daya naman na dapat nagrereview ako para maging licensed architect pero ngayon kailangan ko lumaban sa sakit ko na walang kasiguraduhan kung kakayanin pa ba ng katawan ko."

Hinayaan niya ang sarili na kainin ng lungkot. Pati pamilya niya ay nirespeto ang desisyon niya. Maging ang mga kaibigan niya ay walang alam. Wala siyang sinabihan, isa lang ang nais niya ang matapos na ang lahat ng tahimik. Ayaw na niyang madagdagan pa ang mga tao na nag-aalala para sa kaniya dahil sa pamilya pa lang niya ay hindi na niya kaya makita na nasasaktan at nahihirapan ito. Na kinaaawaan na siya dahil sa lagay niya.


Bawat chemotherapy ay halos siyang pumapatay sa katawan niya. Lagi siyang nanghihina at tanging pag-sigaw at iyak na lang ang nagagawa niya. Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata ng mga magulang niya pero wala siyang ibang magawa. Imbis na lumakas ay mas lalo siyang nanghihina sa bawat buwan na lumilipas.


"Mommy, ang hirap." Iyak siya nang iyak. "Bakit ba kasi ako? I didn't do stupid naman pero why? Ayoko na po," umiiyak niyang sambit.


"Love, huwag naman. Lumalaban din si Mommy. Anak, hindi ko kaya. Baby, please don't do this to me."

Bawat araw nakikita niya kung paano pati ang Mommy niya ay napapabayaan na ang sarili nito. Makita niyang kahit pagod na sa trabaho ang Daddy niya ay inaasikaso at binibisita siya maging ang Lola niyang nanghihina na ay saksing-saksi mismo ng dalawang mga mata niya. His chemo and maintenance still continue.

Noong una ay akala nila ay may pagbabago. Sobrang saya na nila pero sa tuwing nagiging normal ang pakiramdam niya mas bigla na lang ang balik nito sa kaniya. Mas mahirap pa sa mga nauna niyang naranasan.

Paminsan-minsan ay pinapasyal siya sa labas ng Lola at Mommy niya. Nababagot na rin naman siya sa bahay at hospital kaya paminsan-minsan ay lumalabas din siya. Rooftop, garden, at k'warto sa hospital ang tanging naging espesyal na lugar para sa kaniya dahil kahit papano ay nakakaramdam siya ng peace of mind.


Pero araw-araw ay talagang sinusubok siya ng tadhana.

"Grandma, I love you." His tears are falling seeing his grandmother weakly lying on the bed. "Can I come na grandma? It's so hard."

Hirap man at halos hindi na makadilat ng mata ang Lola niya ay mahina ang pag-iling na isinagot nito sa kaniya.


"Keep on fighting, Grey. Isipin mo si Keanu." Nanlaki ang mga mata niya sa ibinulong nito. "He didn't cheat on you. That girl is really at fault. Keanu really loves you, Apo. Don't just fight for us, but fight for yourself and for him. Whatever happens, just keep on fighting."


Nag-iwas siya ng tingin at napahawak sa kamay niya na nakapatong sa lap niya habang nakaupo siya sa wheelchair. May suot na bonnet ay halos balot na balot ang kaniyang katawan ng damit dahil naka-pajama, at nakasweater siya.


"I love him, Grandma. Pero sobrang sakit noong nasaksihan ko. Siguro if wala akong sakit umuwi ako ng Pilipinas eh kasi hindi ko puputulin ang communication ko sa mga kaibigan ko. It's fine, Grandma. Huwag mo na po ako alalahanin. I'll fight and do my best to stay alive. It's okay if you really want to sleep na."


Alam niya na siya na lang ang iniisip nito. Na lahat ng bagay kahit na masungit at istrikto ang Lola niya ay hindi maikakaila na ito ang parating kakampi niya sa lahat ng bagay.


Wala na siyang nagawa kundi ang magstay sa k'warto hanggang nagising na lang siya na umiiyak na ang Mommy at Daddy niya. Doon na niya napagtanto ang lahat na kahit wala pang nagsasalita, alam na niya. Sa halos ilang buwan na pakikipaglaban niya na umabot ng isang taon doon na rin tuluyang nawala ang Lola niya dahil na rin sa katandaan niya.


"I'll try my best para hindi sumunod kaagad sa'yo, Grandma. I know na ayaw mo pa ako sumunod. I love you."

May mga oras na ayos na siya pero dahil sa maintenance at patuloy na rounds ng chemo niya ay nahihirapan na siya. Sa tuwing may rounds siya sa chemo ay hawak niya ang litrato ni Keanu tila iyon ang parati niyang kasama.


"I'm really sorry, Mr. Ortega. But please always prepare yourself. Let him live, I mean give him the best time for him. I'm sorry."

Napangiti siya ng mahina habang nanghihina matapos niyang marinig iyon sa doctor niya na sinabi nito sa tatay niya. Tumayo siya sa harapan ng salamin at pinagmasdan ang sarili. He's hair are really gone, he's eyes can't lie. Hinang-hina na siya. Napahawak na lang siya sa edge ng lababo at yumuko habang umiiyak.


"Keanu, ako pa rin kaya kapag nakita mo ako? I'm so tired na Keanu. Pagod na pagod na ako tapos mahal pa rin talaga kita. Ikaw pa rin. Kung pwede lang na nasa tabi mo ako. Ikaw pa rin eh. Ikaw at ikaw lang."

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon