GREY KINN ORTEGA'S POV

179 5 0
                                    

Dali-dali sa pagtakbo si Grey sa hagdan dahil sa kamamadali niya. Naghihintay na kasi ang mga kaibigan niya sa labas at wala rin siyang dalang sasakyan. Naka-ilang tawag na sa kaniya ang mga kaibigan niya kaya talagang tinakbo na niya.

Pagkalabas ng school ay may mga babae pa sana siyang makakabanggaan ngunit buti na lang ay nakahinto siya.

"Sorry," sabi niya.

"Okie lang po. Buti g'wapo ka." Kumindat lang siya sa mga ito saka tumakbo papaalis.

Nang makita niya ang fortuner ni Wyatt ay binuksan na niya ang passenger seat. Nasa front seat si Yara habang katabi niya si Crew.

"Sorry. Nagpasa pa kasi ako ng plates. Tapos nautusan pa ng prof," sabi niya sabay alis ng shoulder bag niya at lapag lang basta sa baba. "Saan ba tayo? May tubig ba kayo?"

Inabutan siya ni Yara ng tubig na kaagad naman na binuksan ni Crew na katabi niya bago tuluyan na inabot sa kaniya. Nang magstart ang engine ay inabutan siya ni Crew ng panyo dahil talagang pawis na pawis siya sa pagtakbo.

"Ano gusto mo sumali sa marathon ganoon?" tanong ni Wyatt habang nagmamaneho. "Sana sinabi mo."

"Nakakahiya kasi kanina pa kayo. Huwag niyo na ako asarin at pagod ako," sabi niya sabay sandal sa balikat ni Crew. Bahagya pang tinapik nito ang pisngi niya pero wala talaga siyang lakas kaya pumikit na lang siya.

"Rest well," ang tanging sabi ni Yara.

Nang makarating sila sa isang bar ay hinila pa siya nina Wyatt at Yara papasok. Wala siyang tulog kagabi dahil sa mga plates niya kaya gusto na niyang magpahinga pero ilang gala na rin kasi ang napapalampas niya kaya hindi na siya pinayagan ng mga ito na umalis.

"Ako na maghahatid sa inyo. Hindi ako mag-iinom kaya bahala kayo kung gusto niyo magpakalasing," sabi ni Wyatt sabay akbay ni Crew kay Yara.

Wala na siyang nagawa pa hanggang sa makapasok sila. Dahil sa pagod ay sumandal lang siya sa balikat ni Wyatt. Uminom din siya pero hindi gaano dahil sa pagod. Hindi naman nakipagsayaw ang mga kasama niya dahil inom lang talaga ang plano ng mga ito.

Nang maramdaman niya pa lalo ang antok ay nagpaalam siya na pupunta siya sa restroom.

"Balik ako. Saglit lang," sabi niya.

"Samahan na kita," dugtong naman ni Crew.

"Hindi naman ako mawawala. Don't worry," sabi niya saka tumango na lang ito sa kaniya.

Masyado siyang binibaby ng mga kaibigan niya kaya super protective ng mga ito sa kaniya na ayos lang naman sa kaniya dahil mga kapatid na ang turing niya sa mga ito. Nalate siya magpasa ng plates dahil sa nagkaroon ng party sa bahay nila at kinakailangan niyang umuwi habang ang tatlo ay hindi sumama dahil get together iyon ng pamilya niya.

Hindi naging madali ang pagpunto niya sa restroom dahil sa dami ng tao. Naghilamos lamang siya at naghugas ng kamay kaya hindi rin naman siya ng tagal sa loob. Inayos niya ang kwelyo ng long sleeves niya habang naglalakad kaya hindi niya napansin ang babae dahilan para mabangga ito sa kaniya.

"Sorry po," sabi nito.

"Sabi na kasing tara na. Parang tanga naman eh," sabi ng lalaki na nakasunod dito. Nagtago ang babae sa likod niya kaya alam na niyang may mali. "Pare, balato mo na yan sa akin. Ako ang nauna diyan."

"Get lost you pervert!" sigaw ng babae sa likod niya. "Huwag mong antayin na dumating ang kuya ko!"

Iniharang niya pa lalo ang babae sa likod niya at nakahawak na rin siya sa papulsohan nito.

"Be a man, men. Huwag mong pilitin kung ayaw," sabi niya rito pero nagulat siya ng bigla na lang itong magtiimbagang at sinutok siya sa may mata niya dahilan para matumba siya pero naalalayan naman siya ng babae. "Tsh!"

Kwenelyohan pa siya nito at pilit inaalis ng babae ang kamay nito sa kwelyo niya. Maging ang mga tao ay nakiusuyo na rin. Nang makita niya si Crew ay kaagad nitong hinila ang lalaki dahilan para mabitawan siya at maging ang mga bouncer ay tumulong na rin.

Tinulungan siya ni Crew na makatayo at nakatakip ang kamay niya sa may mata niya.

"Hoy! Bwiset ka!" sigaw ni Yara habang pinipigilan ito ni Wyatt para hindi na ito lumusob pa. "Bakit mo sinuntok kaibigan ko!"

"Ayos na ako, Yara." Nang lumingon ito ay nagpumiglas ito para malapitan siya. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at niyakap. "Uwi na tayo," sabi niya.

Lumingon siya sa babae na umiiyak na. Nilapitan niya ito saka ginulo ang buhok.

"Bahala ka na sa lalaking iyon. Turuan mo ng leksyon sa pangbabastos sayo tsaka dito." Turo niya sa mata niya na tiyak na magv-violet. "Ingat ka hah?"

"Salamat po talaga. Sorry talaga." Nginitian niya lang ito at nagpaalam na.

"Kia." Nagulat siya ng may lalaking lumapit dito at niyakap ito.

G'wapo ito at the same time cute ang siyang nasa isip niya. Napangiti siya saka tumalikod at iginaya na siya ng daan nina Yara at Crew habang nasa likod si Wyatt.

Nang makapasok sila sa sasakyan ay bumili ng yelo si Wyatt sa may malapit. Nasa baso ito inilalapat ni Yara kung saan siya nasuntok. Yumakap siya sa baywang nitp habang naiiyak.

"Yara, masakit." Nagpipigil ang tatlo sa tabi niya na huwag humalakhak.

"Gagi, bakit ka kasi nagpasuntok. Sayang ang gandang mukha mo," sabi ni Wyatt.

"Sino kaya yung g'wapo? Boyfriend niya kaya yun? Ay pero imposible kasi sabi niya huwag mong hintayin na dumating ang kuya ko. Tama baka kuya niya," sabi niya.

"Ay crush mo?" tanong ni Crew.

"Medyo madilim pero baka."

Nagtawanan na lang sila sa kabila ng nangyari. Hinatid siya ni Wyatt sa harapan ng condo unit niya. Nang makapasok ay kaagad siyang naghubad ng damit at nagpalit ng sleeveless shirts. Tiningnan niya pa ang mata niya sa salamin na namumula na.

"Kainis. Buti na lang Sunday bukas. Bwiset na pangit yun. Ang g'wapo kung mukha my gosh."

Dahil sa pagod ay nahiga na kaagad siya. Napangiti siya bigla ng maalala ang lalaking yumakap sa tinulungan niya. Iniisip niya na sana kuya lang iyon ng dalaga dahil mukhang may bago na ulit siyang natitipuhan.

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon