XVI

24 2 0
                                    

Chapter 26

Maagang lumabas si Keanu dahil naiinis siya. Ayaw niya sumama sa mga magulang niya na umuwi ng probinsya pero wala siyang naging choice. Dahil sa inis ay lumabas siya at naglakad-lakad. Nang makakita siya ng mga naglalarong bata ay natigil siya dahil sa ayaw niyang mapansin siya ng mga ito.

"Kinkin, tara na. Bumaba ka na diyan! Lagot ka kay Lola mo. Uuwi na kami," sabi ng mga bata bago tumakbo papaalis.

"Wait lang kasi!" sigaw ng bata na pinipilit makababa sa isang puno. "Hindi ko na kayo bati!" sigaw pa nito. "Hey! Can you help me here? I can't go down there's a frog sa baba oh!" Turo nito sa baba habang nakatingin sa kaniya na maiiyak na.

Kumuha na lang siya ng isang mahabang stick na kahoy. Kahit takot ay pinilit niyang mapaalis ang palaka para makababa na ang bata. Nang tumalon na ang palaka papalayo ay itinapon niya na rin ang stick na hawak niya. Nang makababa ang bata ay nilapitan siya nito.

"Hi, thank you."

"Ino!" Napalingon sila pareho sa tumatawag at yaya niya iyon.

Tinalikuran niya ang bata at dali-daling tumakbo.

"Hey, Ino! Balikan mo ako here. I'll bring some food. Let's play here at 1pm. Tatakas ako sa amin so better be here!" Nang sandaling nilingon niya ito ay tumakbo na rin ito paalis.

Nang dumating ang lunch ay nagpalit siya ng damit matapos niyang kumain. Pinatutulog din siya ng yaya niya kaya nagkunwari siyang natutulog pero gising siya. Nang makapansin niyang nakatulog na ang yaya niya ay maingat siyang lumabas ng bahay at pumunta sa puno ng mangga kung nasaan ang batang tinulungan niya. Nakita niya itong may dalang snacks.

"Hey! Halika rito! Let's play and eat."

Simula noon ay kinukulit na siya ni Grey. Naglalaro sila halos buong maghapon ng iba't-ibang klase ng laro. At maging siya ay nakipaglaro na rin sa iba pang mga bata. He spends his time with Grey who knows him as Ino while Grey as Kinkin.

"Wow! It's beautiful."

Naglaro sila ng bahay-bahayan kasama ng iba pang bata. Sobrang naging jolly si Keanu dahil na rin kay Grey.

"I'll marry you," sabi niya mismo kay Grey na halata rin na naguguluhan sa sinabi nito. "Can we do that?" he asked.

"Hoy! Pareho kayong lalaki bawak yun! Bakla ka ba?" tanong ng kalaro nila. "Yay! Bakla!" At nagsitawanan na ang mga ito.

"Hoy! Stop that! Tara na Ino." Hinila siya ni Grey at lumayo. Nang silang dalawa na lang ay naupo sila sa isang ugat ng puno. "Are you sure you're marrying me?" He nodded. "I heard from my mommy that love has no gender but I can't understand it now. But true love will always have a way for the two person daw. Basta sabi mo yan ah."

Isang araw dahil sa nagka-emergency ay dali-dali silang nag-impake. Pinuntahan niya si Grey pero wala ito kaya Lola na lang nito ang nakita niya.

"I saw you po taking a picture of us. Can I have it?" tanong niya sa lola ni Grey kahit na natatakot siya. "I'll find him in the future po. May promise ako sa kaniya eh."

Nang iabot sa kaniya ng Lola ni Grey ang isang litrato ay yumuko siya. "Salamat po. Aalis na kami pasabi na lang po kay Grey." Ginulo pa ng Lola ni Grey ang buhok niya bago siya tuluyang umalis.

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon