VI

43 4 0
                                    

Chapter 6

Uminom sila pero hindi sila naligo. Nasa iisang mesa lang silang magkaibigan at wala rin balak na magpakalasing ang mga kaibigan niya. Nakayakap siya sa baywang ni Yara dahil sa nilalamig na talaga siya.

"Guys, antok na ako. Ayoko na," sabi ni Yara. "Tsaka putik. Lamig na lamig na ako oh. Nakasleeveless ako mga animal."

Natawa siya kaya mas hinigpitan niya ang yakap niya rito.

"Sino ba naman kasi nagsabi na ganyan ang isinuot mo?" tanong niya. "Kasalanan mo yan ikaw pumili niyan."

"Ikaw nga nilalamig din eh. Hindi mo ako pinoprotektahan sa lamig dahil ikaw din sa sarili mo nakakaramdam na ng lamig."

"Let's go, guys. Hihiraman kita ng damit kay Kia." Nilingon nila si Keanu na tumayo na. "Let's go."

"Damit lang need ko, Keanu. Nakajersey shorts talaga ako sa ilalim ng dress na ito. Damit lang."

Tumawa ng malakas sina Parker at Crew dahil sa sinabi ni Yara. Maging siya ay natawa na lang din dahil sa ganda ng dress nito. Sinong mag-aakala na nakajersey shorts pala siya sa loob.

"Iba ka talaga, Yara. The best," sabi ni Parker. "Tara na, Crew. Tabi tayo."

Sabay-sabay na silang umakyat kasama si Kia. Kumuha ito ng damit at loose shirts ang hiningi ni Yara. Buti na lang at meron naman at bigay na iyon ni Kia sa kaniya. It's a pink loose shirts.

"Hija, where are you going to sleep?" tanong ng mommy ni Keanu kay Yara habang lahat sila ay nakamasid.

"Ah kung nasaan po kaibigan ko. Okay lang po ako, tita. Don't worry po," sabi niya sa mommy ni Keanu.

"There's one guestroom available. Doon na ang boys. Ikaw Grey sa k'warto ka na ni Keanu ikaw rin, hija. Doon na lang kayo with your friends."

"Okay. Crew and Yara sa k'warto ko kayo. Wyatt sa guestroom ka na lang."

"Sa guestroom na lang din ako," sabat pa ni Crew. "Si Yara na lang sa inyo. Sasamahan ko na si Wyatt. At least magkasama sila ni Grey."

Tumango-tango naman siya. Nang maghiwa-hiwalay sila ay dumiretso na sila sa k'warto ni Keanu. Sobrang simple at linis ng k'warto. All black and grey ang color na makikita. Malaki rin ang kama at kaagad na nahiga si Yara sa right side.

"Parang awa niyo na gusto ko matulog ng tahimik. Huwag niyo hayaan na matrauma ako. Huwag kayo magmilagro."

"Grabe ka. Manahimik ka. Lasing ka na talaga." Inayos niya ang comforter para hindi lamigin si Yara. Umakyat na rin siya sa kama at nahiga sa tabi nito. "Yara, sleep na. I'm here," sabi niya na hindi ito mapakali.

Nang makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na rin ito. Hindi rin kasi sanay si Yara na matulog sa kung saan-saan pero kapag nasa tabi nito isa sa kanilang tatlo ay mabilis lang ito makatulog. Alam din iyon nina Crew at Wyatt kaya talagang sobrang protective nila kay Yara dahil kapatid na rin ang turing nila rito.

"Hindi ka pa matutulog?" tanong niya kay Keanu na nakaupo sa dulo ng kama at pinapanood sila. "Why?"

"Wala. Ang cute niyo lang panoorin."

"Well I have girl bestfriend too pero hindi katulad ng sa girl bestfriend mo." Tumayo si Keanu at lumapit sa kaniya. "Why? Totoo naman eh. Joke lang. Mabuhay siya hanggang sa gusto niya."

Nahiga na siya sa tabi ni Yara kaya nakatalikod siya kay Keanu. Naramdaman niya ang pagtabi ni Keanu at isinara nito ang ilaw at binuksan ang lampshade na nasa tabi ni Yara. Yayakap na sana siya kay Yara pero hinila siya ni Keanu dahilan para tumama ang likod niya sa dibdib nito at nakadantay sa tiyan niya ang kamay nito.

"Good night, Darling. Dito ka sa akin," bulong ni Keanu kaya napangiti siya pero hindi siya lumingon. "

Kinaumagahan ay sabay-sabay sila nag-almusal. Si Keanu ang naghatid sa kaniya habang magkakasama naman sa iisang van sina Xavier, Wyatt, Parker, Yara, Kylo, at Crew. May klase siya ng hapon kaya dumiretso kaagad talaga siya sa condo niya at nagpaalam din kaagad si Keanu dahil didiretso pa ito sa school.

Natulog lang ulit siya at nagset ng alarm para magising. Nag-order na lang din siya ng pagkain dahil sa tinatamad siyang magluto. Tinawagan niya rin muna ang Lola niya bago siya tuluyang mag-ayos ng sarili para pumunta sa school.

Dinala niya ang sasakyan niya dahil hassle naman na kung parati siyang magpapasundo at magpapahatid pauwi kina Wyatt o kaya naman kay Crew. Into motorcycle pa naman si Crew dahil pampaakit daw sa mga boylet.

Tumambay sila sa park matapos ang klase para na rin mag-aral magkakasama. Kailangan din nila magtulungan sa thesis nila. Gusto man nilang tumigil pero nasa final level na sila ng buhay college kaya padayon pa rin.

Nang makakita sila ng dalawang batang lalaking naglalaro ay pare-pareho silang natawa dahil alam ng kaibigan niya ang kwento niya noong bata pa siya.


"Paminsan-minsan ba naaala mo pa rin yung batang nang-ghost sa'yo dati?" tanong ni Yara. "Malay mo iyon pala ang future mo diba? Hindi mo man lang ba naisip yun?"

Nilingon niya si Yara at bahagyang tinapik ang noo nito kaya tinampal naman ni Yara ang braso niya bilang ganti.

"Inisip ko nga kung ano ba pangalan ng bwiset na iyon at hindi ko maalala eh. Parang dati lang naghahabol-habulan pa kami sa may manggahan. Parati pa ako napapagalitan nina Daddy noon kasi halos ayoko na magstay sa bahay tapos 1 week lang pala kaming mag-istay sa ganoong setup. Grade 4 ata ako noon eh ang landi ko na kaagad."

May nakalaro siya dati habang summer vacation. Parati silang magkasama too the point na halos ayaw na rij niyang umuwi dahil parati silang naglalaro. Basta ang naaalala niya sinabihan siya nito na balang araw ikakasal silang dalawa. After a week bigla na lang itong nawala ng walang paalam kaya sa tuwing napag-uusapan nila iyon ng mga kaibigan niya ay parating sinasabi sa kaniya na naghost siya.

"Bata pa kami noon, ano ka ba? Tsaka ano ang mahalaga yung ngayon. Hindi ko nga alam kung sino ba yun eh."

"Patrending natin sa tiktok?" tanong ni Crew.


"Nakakapagod kaya. Dami pa naman manloloko tsaka akala mo naman may picture sila noon."

May picture sila noon pero sa tagal ng panahon ay hindi na niya maalala pa lalo na at naglilipat-lipat sila ng bahay depende sa trabaho ng Daddy niya na humahawak ng kanilang company firm.

"Palibhasa kasi may Keanu ng nag-aalaga." Sinimangutan niya ito dahil sa biglang pagsama na naman kay Keanu sa usapan. "Pero yeah kailangan mo rin talaga humarot pampawala ng stress. Basta ako handang humarot pero gagraduate sa college ng walang laman na blessing ang tiyan. And I thank you."

Tumayo na silang tatlo at iniwan si Yara. Tinakbo pa nila ang pathway dahil hinahabol na sila ni Yara. Kahit stress at pagod na sila sa school ay kahit papano ay nababawas-bawasan iyon sa tuwing magkakasama sila.

Keanu;

Can I visit your condo? Study together?

Grey;

Next time na lang. Tutulog ako ngayon ng maaga eh. Okay lang ba?

Keanu;

Sure. Sleep well, Darling. Next time gala tayo ah. Ano gusto mo muna gabi or araw?

Grey;

Gabi na lang. Mas hindi ako busy kahit papano kapag gabi eh.

Keanu;

Good night, Darling.

Kamuntikan pa siyang mahulugan ng phone sa mukha mabuti na lang at kaagad niyang naagapan ang cellphone niya dahil sa nakahiga siya sa kama. Halos araw-araw na silang nagkakatext at magkatawagan. Parati rin siyang inaupdate ni Keanu sa mga lakad nito at natatawa na lang siya kahit hindi naman niya talaga iyon hinihingi.

Hulog na hulog na.

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon