VXIII

44 4 0
                                    

Chapter 18

"Good morning," bati ni Grey habang nakahiga sa tabi niya si Keanu. "Gutom na ako, Babe."

"Are okay? Are you sore or something?"


"Masakit buong katawan ko. Gagi ka." Keanu si shirtless habang siya naman ay shortsless. "Gutom na ako."



Bumango si Keanu at ginulo bahagya ang buhok niya. "Stay here. I'm gonna cook our breakfast. Hahatid ko rito." He nodded then Keanu kissed his forehead.


Bumalik nga si Keanu na may dalang pagkain. Napag-usapan ng din ng lahat na sa condo ni Grey sila mag-istay for the whole day and night. Gusto rin sumama ng mga kaibigan ni Keanu sa kanila kaya wala na siyang nagawa.

Pinilit niya ang sarili at dumiretso sila sa condo niya. Bawat isa sa kanila ay busy sa kani-kanilang plates. Magkahiwa-hiwalay sila, magkakasama silang archi habang magkakasama naman sa isang spot sina Keanu at kaibigan nito na Engineering students.


"Darling, what do you want? Babalik din ako kaagad. Punta lang ako sa national book store, naubusan ako sketch pad and I'll buy foods na rin. Ano gusto mo? I mean ninyo?" tanong ni Keanu sabay lingon sa mga kaibigan niya.

"Basta ako fries, baby. Bahala ka na sa iba. Ow! I almost forgot. Gusto ko pala yung fried chicken na may red flag sa ibabaw," sagot niya.

Nagtawanan ang mga kaibigan niya at binato siya ng unan ni Yara.

"Wow! Hilig ang pula ah. Amazing ka talaga, Grey. Mukha namang nasa healthy relationship kayo as of now."

Pati ang mga kaibigan ni Keanu ay nakihalo na rin sa ingay pero sumenyas si Xavier at Wyatt na huwag maingay kaya tumahimik din ang mga ito dahil baka maistorbo sila.

Nang makaalis si Keanu at Kylo ay hindi na sila masyado nagkibuan dahil lahat sila may ginagawa. Nang matapos niyang mag-drawing ay dumiretso siya sa k'warto niya at doon na siya sa study table niya nagkulay. Masyado siyang naging focus na halos nakalimutan na niya ang paligid.

He opened his phone and he decided to play a music. Halos hindi na niya napansin ang oras. Nagulat na lang siya ng may kamay na naglandas sa may tiyan niya. Paglingon niya ay isinandal na ni Keanu ang baba nito sa balikat niya at nakayakap na siya sa baywang niya.

"Where's my food?" he asked. "Keanu!"

"Nasa labas po. Wala rito dahil baka matapunan ang mga plates kaya nasa dining. Want mo ba rito kumain?" He nodded. "Okay. Kukunin ko na po ang para sa'yo." Keanu kissed his cheeks before leaving him.

Naupo siya sa kama at nang pumasok si Keanu ay dala na nito ang pagkain na para sa kaniya.

"Rice, fries, sofa, burger, and your fried chicken na may red flag." Sinamaan niya ng tingin si Keanu ng sadya nitong diinan ang pagsambit ng chicken na may red flag. "I'm sorry. Kain na po."

Nakaupo si Keanu sa lapag habang siya ay nasa kama. Inilagay ni Keanu sa isang upuan ang iilang pagkain. Sinabayan na rin siya nito habang ang anim naman ay nasa labas. Hindi na siya kinulit pa ni Keanu kaya pagkatapos kumain ay nagsimula na rin ito sa gagawin nito habang siya naman ay patapos na sa pagkukulay.

Makalipas ang dalawang oras ay tuluyan na siyang natapos habang si Keanu naman ay nagliligpit na rin. Tumayo siya at lumabas ng k'warto para silipin ang iba pero nakita niyang busy sa Xavier sa phone nito, si Wyat, Kylo, at Crew ay nasa couch at tulog na habang magkakatabi at nakasandal ang ulo sa isa't-isa. Si Yara naman ay nasa may upuan at nakayuko sa desk na tila tulog na rin. Si Parker ay nakahiga na sa lapag habang busy rin sa phone nito.

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon