V

44 4 0
                                    

Chapter 5

"Be, blooming ka. Pag'wapo ka ng pag'wapo sa paningin ko. Ang ganda mo," sabi ni Yara habang sinusuri ang mukha niya. "Grabe ang perfect talaga ng mukha mo. Mula ulo hanggang paa. Apakan mo ako. Alagang Keanu ba yan?"

Bahagya niya itong kinurot sa braso nito dahilan para matawa ito kaysa umaray.

"Manahimik ka nga, Yara."

"Parang ang laking achievement na ako'y makurot ng isang katulad mo."

Nagdabog na talaga siya ng paa niya dahil hindi siya tinitigilan nito habang sina Crew at Wyatt ay sinasabayan pa lalo si Yara. Ngumuso tuloy siya dahil hindi niya nakukuha ang gustong iparating ng tatlo.

He's wearing summer floral hawaiian polo t-shirt top and a black plain shorts and a pair of black sneakers with white laces. May eyeglasses din siyang nasa ulo habang may hawak na paperbag na gift kay Kia na may branded bag sa loob.

Yara is wearing black sleeveless dress with white dots and a pair of sandals. May dala rin itong gift para kay Kia. Wyatt is wearing a navy twill built-In Flex Khaki shirts and oversize white shirts. Si Wyatt ang may hawak ng cake na dala nila para kay Koa. While Crew are wearing white lapel long sleeves oversize loose shirts outwear coat and a denim shorts and a pair of white sneakers. May hawak itong paperbag at may lamang wine for birthday present.

"Nasa labas na raw sina Parker. Let's go," sabi ni Crew.

Nasa condo niya ang mga kaibigan niya dahil iyon ang napagkasunduan. Susunduin sila nina Parker sa tapat ng building nila. Van ang dala nito at wala si Keanu. Sina Kylo, Xavier, at Parker lang ang nasa loob. Naupo siya sa pinakadulo at napapagitnaan siya nina Wyatt at Crew.

"Where's Keanu?" Yara asked.

"Doon na lang daw kasi busy eh," sagot naman ni Xavier. "Gusto nga sana siya ang sumundo sa bebe niya kaso hindi pa makaalis."

Nanatili siyang nakatingin sa may paanan niya.

"Sinong bebe ba?" Crew asked.

"Secret walang clue," sagot naman ni Kylo.

Nagsoundtrip lamang sila sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating sila sa bahay nina Keanu. Inalalayan siya ni Kylo makababa para hinintayin si Crew na nakasunod lamang sa kaniya. Pagkababa niya ay bahagya niyang inayos ang buhok niya at tinulungan siya ni Yara saka ito humawak sa braso niya at sumunod kina Xavier.

Pagpasok nila ay kaagad nilang nakita si Kia. Dali-dali itong lumapit sa kanila kaya binati nila ito.

"Buti naman nakarating po kayo. My name is Kia po."

"I'm Yara," sabi ni Yara at tinanggap ang kamay ni Kia. "This is my birthday present. Sorry hindi ko talaga alam ang gusto mo kaya pasensiya na jung hindi mo magustuhan."

"No. I appreciate it a lot po. Okay na okay."

"I'm Crew and this is Wyatt. Happy birthday again."

Iginaya sila nito sa may pool area at maraming mga tao. Nasa iisang mesa sila at kasama sina Xavier kaya hindi na sila masyadong nailing dahil ang kukulit naman nito. Napapagitnaan siya nina Yara at Parker dahil pabilog ang mesa. Nag-group picture lang sila at lumapag sa IG story.

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon