Chapter 25
Nagising siya sa isang malambot na kama. Walang gana sa lahat. Tatlong linggo na ang nakalipas at hindi niya hinahayaan na makausap siya ni Keanu. He doesn't want any explanation.
"Hey! Are you okay? I mean hindi na ba masakit ang ulo mo?" Umiling siya. "I prepared our breakfast. Let's eat please."
Tumayo siya at dumiretso sa bathroom to do his morning routine bago matamlay na lumabas. Nakita niyang may nakahanda na pagkain. Ilang araw na rin pabalik-balik ang lagnat niya kaya nag-aalala ang mga kaibigan niya sa kaniya. Mabuti na lang at tapos na sila sa school. Kahit na nasasaktan ay hindi niya pinabayaan ang mga kailangan niyang gawin.
"Grey, what's your plan today?" tanong ni Wyatt sa kaniya. "Samahan ka ba namin?"
"Uuwi ako. Nandoon sa bahay ang isusuot ko sa bahay. Tsaka kailangan ko makausap si Daddy. Don't worry I can handle myself."
Sa tatlong linggo ba nakalipas ay hindi siya hinayaan mapag-isa ng mga kaibigan niya. Hindi na rin kinikita pa ni Yara si Kylo. Hindi rin nakipagbalikan si Crew kay Parker dahil sa nangyari.
Matapos niyang makapag-ayos ay dumiretso na siya sa pagmamaneho pauwi sa kanila. Masayang-masaya ang Lola niya nang makita siya lalo na at tuluyan na siyang gagraduate.
"Congratulations, Grey. I'm so proud of you."
Yumakap siya sa Lola niya dahil ito ang unang beses na sinabi ito ng Lola niya sa kaniya. Hindi niya napigilan na hindi maiyak kaya nanatili lamang siyang nakayakap dito.
"May problema ba, Grey?" tanong nito sa kaniya at halatang nag-aalala.
"I'm scared, Grandma. I'm hurt. I think I'm lost," umiiyak niyang sagot. "I'm scared po sa lahat na nangyayari. I am really scared."
Hinayaan siyang umiyak ng Lola niya. Nang dumating ang mga magulang niya ay nagulat ito at lumapit sa kaniya at sumali sa pagyayakapan nila.
"Mommy, I'm scared," umiiyak na sumbong niya. "I want to live po."
"Grey, what's happening, baby? Tell to Mommy."
Nang humiwalay siya ay itinaas niya ang damit niya. Doon tumambad ang mga pasa niya sa katawan at nanlaki ang mga magulang niya sa nakita.
"Anak! Binubugbog ka ba? Who the hell did this to you?!" sigaw ng mommy niya.
"Si Keanu ba? May nakaaway ka ba? Tell me who the fuck did this to you, Grey!" galit na sambit ng Daddy niya kaya napaupo na siya sa sahig sa kakaiyak.
"I think there's something wrong with my health. Hindi si Keanu kasi no one hurt me physically but yeah I'm in pain po. Keanu and I are not in a good terms. Mommy, palagi po ako nagkakafever this past few weeks, nahihilo, sumasakit yung iilang bones ko, and also my nose are bleeding. Mommy, I'm scared tapos ang sakit-sakit pa. Daddy, can we move on US right after my graduation? I can't stay long here na."
Grabe ang iyak niya. Iyon na ang pinakamatinding iyak niya dahil sa nangyari. Alam niya na may mali sa katawan niya at sinabi na niya ito sa parents niya.
BINABASA MO ANG
MANANATILING IKAW
Romance[COMPLETED] Mananatiling Ikaw kahit Pa Natatakot ako na Baka hindi na Ako. Posted: March 10, 2022 Finished: April 11, 2022