VIII

57 4 0
                                        

Chapter 8

Nagising siya at nasa ganoon pa ring posisyon. Hindi niya inaasahan na hindi aalis si Keanu. Nakasandal ang ulo nito sa backrest ng couch kaya bigla siyang nakaramdam ng konsensiya.

Dahan-dahan siyang naupo at pagtingin niya sa orasan ay 5am na. Tagal din ng tulog niya lalo na at maulan kaya naman masarap matulog.

"Keanu." Pag-gising niya rito. "Keanu," pag-uulit niya pang sambit habang bahagyang niyuyogyog ang balikat ni Keanu.

Nang magmulat ito ng mata ay hindi kaagad ito nakagalaw. Hinawakan niya ang leeg nito dahil mukhang nangalay talaga.

"I'm fine," Keanu said.

"Bakit kasi hindi mo ako ginising? May klase ka ba ngayon?" tanong niya sabay upo ng maayos. "Ano?"

"Vacant ko this whole day," sambit nito. "Can we sleep again? Antok pa talaga ako eh. Gusto kita katabi."

Tumayo siya at hinawakan niya ang papulsohan nito. Tumayo naman ito at nag-pahila sa kaniya. Dumiretso sila sa k'warto nito saka siya unang umakyat sa kama kaya binitawan na niya ang kamay ni Keanu. Kaagad naman sumunod si Keanu kaya nauna na siyang nahiga bago si Keanu. Yumakap ito sa baywang niya at isiniksik ang mukha sa may leeg niya.

"Favourite place," Keanu whispered.

Nang maramdaman niya ang pagvibrate ng phone niya sa bulsa niya ay kaagad niya itong kinuha.

Yara;

Label check. Nasaan ka? Umayos ka, Grey. Pumunta ako sa condo mo wala ka.

Kahit medyo hirap ay pinilit niyang magtype dahil alam niyang baka nag-aalala na ang mga kaibigan niya sa kaniya.

Grey;

Nandito ako sa condo ni Keanu. I'm fine. Wala naman tayo pasok kaya mamaya-maya uwi na rin ako sa condo.

Yara;

Label check for karapatan. Sige na. Landi well. Text mo kami I mean sa gc pala kapag nakauwi ka na. Ang harot, be.

Basta na lang niya inilapag ang cellphone niya sa kama at hindi na nagreply pa kay Yara. Ramdam niya na rin ang antok dahil masarap matulog dahil walang pasok.

Nang magising siya ay wala na si Keanu sa tabi niya. Kinusot-kusot niya pa muna ang mata niya bago siya naupo. Nakita niya ang phone niya na nasa side table ng kama kaya kaagad niya itong inabot at binuksan.

Yara;

Hindi mo raw sinasagot ang tawag nina Tita.

Grey, sabay-sabay daw kayo kakain sa labas. Susunduin ka raw ng around 12 ata.

Gagi bahala ka mag-ooff na ako ng phone. Sinabi ko lang kay Tita na sinabihan na kita ayoko na. Sabi ko puyat ka kaya baka tulog na tulog ka pa. Bahala ka.

Pagtingin niya sa oras ay nanlaki ang mga mata niya.

"Fuck! It's already 11am? My gosh!" Dali-dali siyang tumayo at kamuntikan pang matisod dahil sa comforter. "I need to go home."

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon