XXI

22 2 0
                                    

Chapter 21


Natahimik ang buhay ni Grey. Hindi nga nagparamdam si Keanu sa kaniya. Since magkaiba sila ng condo at school talagang hindi nagkocross ang landas nila. Wala rin gala ang mga kaibigan niya kaya school, cafeteria, at condo lang ang talagang pinupuntahan nila. Maging sina Yara at Crew ay may sari-sarili ring mga pinagkakabalahan at hindi rin niya nakikita na nakikipagkita ito kina Parker at Kylo.

Apat na araw na ang nakalipas ay ganoon pa rin sila. Walang Keanu na nagparamdam at alam naman niyang isa rin siya sa may kasalanan. Hindi na rin nagtanong pa ang mga kaibigan niya lalo na at sinabi niyang ayaw na lang niyang pag-usapan pa ang mga nangyari.


Nauna siyang magpaalam dahil gusto na niyang umuwi dahil sa pagod. Nang nasa parking lot na siya ay doon niya nadatnan si Camilla. Hindi niya alam kung ano ang sadya nito.

"Where's Keanu?" tanong nito sa kaniya. Wala siyang maisagot dahil wala naman talaga siyang akam. "I said where is Keanu?"


"Malay ko," sagot niya saka niya inilagay ang gamit niya sa loob ng sasakyan niya. Nagulat siya ng bahagya nitong hilahin ang braso niya dahilan para humarap siya rito. "Hindi ko nga alam. Hanapan ba ako ng nawawala?"


"Can't you just tell me kung nasaan? Para kang maaagawan eh. Natatakot ka ba? Sabihin mo na."


Naikuyom niya ang kamay niya at huminga ng malalim. Ayaw niyang makapanakit pero sinusubok ang pasensiya niya ng babaeng kaharap niya.

"Ano bang problema mo?! Wala nga sabi sa akin si Keanu. Huwag mo na akong plastikin pa. Kahit babae ka talagang papatulan na kita! Akala mo ikaw lang yung pwedeng manakit dito kasi babae ka! Hindi porket ganito ako hindi kita papatulan! Sinaktan mo na ako noong panahon na sinampal mo ako. Hanapin mo total para kang linta, palagi ka na lang feeling victim. Hindi ka na nahiya na pati sina Xavier, Kylo, at Parker gusto mo ikaw ang kinakampihan sa lahat ng bagay. Eh di magsama-sama kayo. Kingina niyo! Pagod ako, Camilla! Girl bestfriend ka lang pero napakadesisyon mo. Mahiya ka naman. I'm his boyfriend kahit na hindi kami ayos ngayon, sa tingin mo makikita ka niya in a romantic way? Camilla... hindi. Dahil sa tuwing magkasama kami you're just his bestfriend and I am still his lover. Hanapin mo hanggang mamuti yang mata mo dahil wala siya sa akin ngayon! Kawawa ka naman kasi hinahanap mo siya, well hindi tayo pareho dahil alam ko siya uuwi sa akin, hindi sayo." Tinalikuran na siya ni Grey habang galit na galit ito.


Pagsakay niya sa loob ay kaagad niyang pinaharorot ang sasakyan niya. Huli na ng marealize niya na hindi siya patungo sa condo niya kaya napailing na lang siya at pinagpatuloy na lang ang pagdadrive. Nang makarating siya sa harap ng condo ni Keanu ay kaagad siyang dumiretso sa parking lot. Dali-dali ang bawat kilos niya hanggang sa makarating siya sa harapan ng room nito. Kaagad niyang binuksan ang pinto dahil alam niya ang pin nito. Saktong pagpasok niya ay naghuhubad ng damit si Keanu sa living room. Nakasara ang ilaw kaya medyo madilim.



"Saan ka galing?" tanong niya rito.


"Sa bahay," malamig na sagot nito. "Anong ginagawa mo rito?" tanong nito sa kaniya. Wala ng pang-itaas si Keanu at kinuha nito ang t-shirt na nasa upuan saka sana isusuot na pero dali-dali siyang lumapit dito at niyakap si Keanu.


"Nasigawan ko si Camilla," mahinang sambit niya. "Pinuntahan niya ako sa school. Hinahanap ka sa akin tapos... tapos... nagtitimpi talaga ako pero pagod ako kaya nasigawan ko siya. Hindi ko nakokontrol eh nasasaktan ako."


"Grey."


"Nasigawan kita. Nasigawan ko siya. I hate myself, Keanu."


Nang sandaling niyakap siya ni Keanu pabalik ay doon na tuluyang tumulo ang mga luha na kanina pa nagbabadya. Keanu's other hand is caresing his hair slowly.


"Natatakot ako. Natatakot ako na maiwan tapos kasalanan ko pa kung bakit napagod sa akin yung tao. Natatakot ako na mapagod ka sa akin. Natatakot ako na iwan mo ko kasi ito lang ako."



"Hush. Sabi mo kailangan mo ng space, that's why I let you. Hindi ko rin kaya, Grey. Miss na miss na nga kita eh. Gusto kita puntahan pero baka kasi lalo ka lang magalit that's why I didn't get even see you kasi baka hindi ko mapigilan na hindi ka lapitan. Mahal kita, Grey. You're all I need, Daling. Mahal na mahal din kita. Tandaan mo yan. Ikaw lang ang lahat-lahat sa buhay ko. Ikaw lang ang architect na natatangi sa future Engineer Keanu Nilesh Serrano. Akin ka Grey Kinn Ortega, sa'yo lang ako."

Inilayo niya ang katawan niya kay Keanu at tinitigan ang mga mata nito. Halos magkasing-tangkad sila kaya hindi na mahirap pa sa kanila na pagdikitin ang noo niya. Keanu's hand is on his waist while his hand are encircled on Keanu's nape.

"I'm sorry for being like this. Sorry kung nasigawan kita. Sorry if tiniis kita. I love you, Keanu. Dito ka lang ah." Keanu smiled. "I love, Baby."


"I love you too, Darling. Palagi naman eh." He insisted on the kiss and Keanu just kissed him back. "I missed you so much, Darling. I'm gonna own you today damn it!"


"Feel free, Baby. Do what you want coz I missed you too."


They spend their hot time with each other on Keanu's bed until the time they are satisfied and they hug each other and sleep beside each other again in one bed, and on one roof. They sleep with a smile on their face and don't even bother with other things.

.....

Nagising siya na nakayakap pa rin si Keanu sa kaniya. Dahil nakaharap siya kay Keanu ay pinasadahan ng hintuturo niya ang noo nito hanggang sa labi nito. He smiled while watching Keanu silently sleeping beside him. Umaga na rin at tirik na ang sikat ng araw but still they are still in bed.

"Good morning," he whispered when Keanu opened his eyes a bit.

Imbis na sumagot ay mas ikinulong pa siya nito sa bisig nito. Isiniksik ni Keanu ang mukha nito sa leeg niya kaya napangiti siya. Keanu looks like a baby. His baby.


"Gutom na ako. Alam mo sinisira mo imagination ko," nakanguso niyang sabi. "Diba kapag may nangyayari it's either magigising ako ng wala ka sa tabi ko kasi you're cooking kasi nga pagod ako kasi pinagod mo ako or magigising ako na nasa tabi ka pero may breakfast in bed na pero ako nagigising sa tabi mo ng gutom at pagod tapos wala pang breakfast."


"Darling, I'm your breakfast," Keanu answered with his morning tone. "Masarap ako."


"Ayoko 'no. Pinagod mo na ako kagabi. Who you ka sa akin ngayon!"

Tumalikod siya at hinila ang kumot dahilan para mawalan ng takip ang katawan ni Keanu. Narinig niya lang pagtawa ni Keanu kaya nilingon niya ito at nakaboxer lang. Nagbihis na ito ng damit bago ulit lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo niya.

"Rest. I'll bring here our breakfast, give me some minutes, Darling." He just nodded. "I love you."


"Gago ka talaga! Bakit damit lang meron ako parati pag-gising? Parati ka na lang ganito. Lagyan mo rin ako ng shorts minsan, gago ka!" Keanu just chuckled before waving his hand and left him alone in his room to prepare their breakfast. "Pasalamat ka talaga mahal kita eh," bulong niya sa sarili bago kinuha ang phone niya at inabala na lang ang sarili sa pagbukas ng iilang Social media accounts niya.

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon