XI

30 4 0
                                    

Chapter 11

Grey is busy wiping his wet hair off a towel. He sighed countless times and his head was still spinning. He wants to sleep but he just can't because he decided to take a bath when he went to his condo. Keanu called him countless times but he didn't answer.

"Bakit ba ako naglasing? Ang sakit ng ulo ko," sabi niya sa sarili bago nahiga. "Damn! Aray ko talaga."

Nang makarinig siya ng pagdoorbell at pagkatok ay kaagad siyang nataranta. Kinuha niya ang phone niya na katabi niya lang at nakita sa notification ang message ni Keanu na hindi ito titigil hanggat hindi niya pinagbubuksan ang pinto. Ilang katok at doorbell na ang narinig niya at natatakot siya na may magambala na iba kaya kahit labag sa loob niya ay tumayo siya upang pagbuksan ng pinto si Keanu.

Kaagad na pumasok si Keanu at isinara ang pinto ni hindi man lang siya nag-aksaya na bukas ang ilaw kaya naman madilim sa paligid at ang nasa k'warto niya ang tanging silbing tanaw dahil sa pintong nakabukas at liwanag na galing sa lampshade. Tinalikuran niya ito habang nagpupunas pa rin ng buhok niya. Bago pa man siya tuluyang makalayo ay naramdaman niya ang pag-yakap ni Keanu galing sa likod niya.

"What happened? Bakit ka umalis sabi ko babalik ako." Napabuntonghinga siya at hindi gumalaw. "Okay pa lang tayo kanina ah. Talk to me, Grey. I can't stand that you're avoiding me, Darling."

"I'm sleepy, Keanu. Umiikot na paningin ko kaya please lang. Umuwi ka na lang," sabi niya at pilit inaalis ang brasong nakapalupot sa baywang niya pero mas lalo lang hinigpitan ni Keanu ang pagkakayakap sa kaniya. "Keanu, sobrang bilis ng lahat pagdating sa ating dalawa. Immature na kung immature."

"I'm with my friends. Bumabawi lang kami kay Camilla since wala na kaming time pa masyado magkakasama. Gusto ko magpaalam sa'yo pero naubusan ako ng pantext eh. Pumunta si Camilla sa condo ko dahil kinuha niya yung libro na hiniram niya. She's just my bestfriend, Grey. Please understand. Like how you guys are into Yara ganoon din kami kay Camilla."

"You know what Camilla is putting a line between me and her. Stop being manhid, your girl bestfriend likes you, or baka nga loves you eh."

"But I love you." Nabigla siya sa isinagot nito. Ipinatong pa nito ang baba nito sa balikat niya. "She's just my bestfriend. I love her as a friend. But I love you more than friends, Grey. Walang malisya sa amin ang lahat. Grey, you're the one I want."

"Just go home, Keanu." Pinilit niyang alisin ang kamay nito pero hindi ito nagpaawat. "Keanu, hindi mo pa nakikita magalit ang isang Grey. Umuwi ka na. Bitawan mo ako," galit niyang sambit pasigaw.

"I want you." Tila naghatid ng kuryente sa kaniya ang mga salitang sinambit nito. Kagat-kagat niya ang labi niya halos masugat na. "Ikaw lang eh." Nagulat siya dahil maliliit na paghikbi nito.

Napalunok siya at patuloy pa rin sa paghikbi si Keanu sa likod niya. Binitawan niya ang kamay nito na pilit niyang inaalis kanina. Mas lalo lang hinigpitan ni Keanu ang pagkakayakap sa kaniya at halos marinig na niya ang tibok ng puso niya sa sobrang lakas.

"Keanu."

"Don't be like this, Darling. Kakausapin ko si Cams, don't shout."

Doon siya natigilan. Hindi nalalayo ang tangkad niya sa isa't-isa kaya halos magdikit na ang pisngi nila. "Haharap ako," mahinanon niyang sambit. "Luwagan mo. Isa. Dalawa—" Si Keanu na mismo ang gumabay sa kaniya para makaharap siya pero niyakap naman ulit siya kaagad nito at itinago nito ang mukha sa leeg niya.

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon