CHAPTER 2

350 18 26
                                        

CHAPTER 2

SARAH DAYANGHIRANG

Mahaba ang nguso ko ng wala sa sariling kinakamot ang braso habang naglalakad kaming dalawa ni Rafael patungo sa pupuntahan namin. Kada kamot ko ay taga tapik naman siya sa kamay ko para pigilan ako.

"Sarah, that's the fifteenth time I've had to stop you from scratching. Magkakasugat ka sa ginagawa mo kung hindi mo 'yang titigilan," saway niya sa akin habang hawak-hawak pa rin ang lampara.

"Sorry," mahina kong sagot.

Hindi na siya nagsalita pa. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa aking balikat habang naglalakad sa medyo mabato at malubak na daanan. Dahil siya lang naman ang may dalang matinong ilaw sa aming dalawa, kailangan na magkadikit kami para makita ko rin ang dinadaanan ko.

Hindi ko rin naman magamit ang flashlight ng cellphone ko dahil useless na 'yon, sobrang luma na kasi. Gusto ko na ngang palitan 'to, pero ang hindi ko naman alam kung saan ako kukuha ng pera para makabili ng bago.

Napailing na lang ako at humawak sa dulo ng damit ni Rafael. Hinayaan niya lang ako at sanay na siya dahil palagi ko namang ginagawa 'to kahit noon pa man.

Tiningala ko siya. "Hindi ka ba papagalitan ng mama mo na lumabas ka ng ganitong oras, Raf?" tanong ko.

Bumaba ang tingin niya sa akin bago umiling. "No. matanda na ako, Sarah. I can go whenever I want as long as I tell them."

Napangiti na lang ako. "Sabagay. Tama ka rin sa sinabi mo, at matanda na rin tayo para mag-isip ng sarili nating desisyon..." humina ang boses ko bago muling nagsalita, "Mabuti ka pa may nagaalala sa 'yo... Sila mama walang gan'yan sa akin." Mapait akong ngumiti at muli siyang tiningnan. "Pero ayos lang. Sanay naman ako."

Tipid niya akong ningitian. Umangat ang kan'yang kamay at hinaplos ang buhok ko. "I care about you, Sarah. Kung hindi sila nagaalala sa 'yo, ako oo."

"Alam ko naman 'yan," natatawa kong sagot. "Thank you so much, Raf."

Agad din kaming nakarating sa lugar kung saan kami palaging tumatambay. Isa 'yong ilog na may maliit na waterfall. Hindi ko nga lang alam kung manmade ba 'yon o hindi. Aksidente naming na diskubre itong lugar noong tumakas kaming dalawa ni Rafael sa mga guard sa mansyon nila. May sakit siya sa mga panahon na 'yon at tumakas siya kahit na hindi pinayagan ng mama niya. Kaya 'yon ang nangyari.

Minsan talaga may pagkamatigas ng ulo si Rafael.

"Tara, dito na tayo maupo," masaya kong ani.

Tahimik lang siyang tumango at nilapitan ako. May nilabas siyang malaking sapin na kinuha niya sa kan'yang bag at nilatag sa lapag. Agad akong naupo at pinagmamasdan siya sa kan'yang ginagawa. Binaba na rin niya ang bag kasama ang lampara na dala niya; ang lampara lang ang nagsisilbing liwanag sa pwesto naming dalawa bukod sa sinag ng buwan sa ibabaw namin.

"What are you doing there? Bakit ang layo mo sa akin? Come here, sit beside me." Umangat ang kan'yang kamay at umakto pa na lumapit sa akin.

"Okay."

Gumapang ako papunta sa kan'ya at tinulungan siyang ilabas lahat ng dala niyang mga kung ano-ano sa loob ng dala niyang bag. Kumunot ang aking noo nang makita ang isang puting box. May maliit na tatak ng isang bakery shop sa gilid ng takip kaya alam ko na agad kung ano 'yon.

Maingat kong kinuha 'yon at napatingin pa kay Rafael. Tinanguan niya lang ako na para bang sinasabi na buksan ko 'yon. Sinunod ko siya. Kaya ngayon, tinanggal ko ang takip ng box at bumungad sa akin ang isang cake.

Napasinghap ako habang nakatingin doon. Mini cake siya na may minimalist design; ito yung mga nauuso na cake na nakikita ko sa social media.

"Bakit ka may cake? Birthday mo ba ngayon?" kunot noo kong tanong.

Alluring MaskWhere stories live. Discover now