CHAPTER 14

176 9 1
                                        

CHAPTER 14

SARAH DAYANGHIRANG

"Warehouse?" kunot noo kong tanong sa kan'ya.

Napalinga-linga pa siya sa paligid naming dalawa na akala mo ay may nagmamasid sa amin. Napapatingin din tuloy ako dahil sa kan'ya. Tumango lang siya sa akin bago magsalita.

"Yes. Let's go. Gabi na rin ngayon, I need to take care of something first, then we can discuss your job."

"Okay," sagot ko at pinipigilan na ngumiti. Hindi ko maiwasan na hindi ma-excite sa mangyayari ngayon. "May dala akong mga puwedeng ipasa na requirement sa 'yo, Atlas. Kailangan ko rin ba na mainterview?"

"I'll tell you later when we get there," tukoy niya sa warehouse. "Do you need to do something now? May pupuntahan ka pa ba?"

Mabilis akong umiling. "Wala na. Tara na?" aya ko.

Tumango lang siya at tinalikuran ako. Nagsimula siyang maglakad kaya sinundan ko ito. Segundo lang din ang lumipas bago kami tumigil sa isang kotse na nakapark sa gilid ng sidewalk. May lumapit na binatilyo sa kan'ya at nilahad ang palad ng may inabot na pera si Atlas sa kan'ya.

Mukhang siya ang nagbabantay ng kotse pansamantala habang wala si Atlas.

"Get in," ani Atlas nang pagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger seat.

"Thank you," pasasalamat ko bago pumasok sa loob.

Nanuot sa ilong ko ang panlalaking amoy nang makaupo sa upuan. Mabango siya at hindi masyadong matapang. Pakiramdam ko para akong tuod na tuwid lang ang pagkakaupo ko rito ng maikabit ko ang seatbelt.

Parang nakakatakot gumalaw sa sobrang ganda ng kotse niya. Pakiramdam ko madudumihan ko agad kapag naglilikot pa ako rito. Hinintay ko pa si Atlas na pumasok sa loob ng kotse dahil may kinakausap pa siya sa cellphone niya sa labas. Napapansin ko na napapatingin pa siya sa akin at maya-maya ay tatalikod na.

Isa lang naman ang nararamdaman ko ngayon. Masaya. Sobrang saya dahil sa wakas magkakatrabaho na ako. Ito lang naman ang gusto ko dahil hindi ko rin kaya na nakikitan na nahihirapan si mama sa pinansyal.

Hindi ko na napigilan na mapangiti at inayos ang postura. Sinilip ko ulit si Atlas, gano'n pa rin naman siya. May kausap pa rin siya, at nang magtama ang paningin naming dalawa ay napalunok na lang ako sa sobrang seryoso ng mga tingin niya sa akin.

Mabilis na naglaho ang ngiti sa aking labi at umiwas ng tingin. Wala sa sarili na hinawakan ko ang aking dibdib. Mukhang mabait naman si Atlas dahil una sa lahat, siya ang dahilan kung bakit nakapagtapos ako sa pag-aaral. Pangalawa ay tinulungan akong magkatrabaho.

Pero bakit gano'n? Bigla na lang akong kinabahan sa mga tingin niya. Siguro dahil hindi ko pa siya gaano kakilala?

Umabot pa ng ilang minutong paghihintay ay tuluyan na siyang pumasok sa loob. Okay lang naman sa akin kung matatagalan pa. Hindi naman mainit sa loob dahil bago ako makapasok sa loob ay binuksan na niya ang kotse nito at kasama na roon ang aircon kaya hindi na ako pinagpawisan.

Pinaandar na niya ang kotse at sabay kaming nagtungo sa sinasabi niyang warehouse.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

Dahil gabing-gabi na ngayon at wala na masyadong mga sasakyan na dumadaan sa kalsada ay naging mas mabilis ang byahe namin. Nasa Austria City kami ngayon, ang city sa baryo namin.

Pumasok lang kami sa isang tahimik na lugar na sa tingin ko ay private na 'yon. Nalagpasan na namin ang arko nitong private na lugar na pangalan ay Rarito. Ngayon ko lang narinig 'to. Medyo naweweirduhan pa ako pero hinayaan ko na lang.

Alluring MaskWhere stories live. Discover now