CHAPTER 8

220 13 15
                                        

CHAPTER 8

SARAH DAYANGHIRANG

Sobrang higpit ng hawak ko sa dulo ng t-shirt ni Ei habang naglalakad kami papasok sa gymnasium ng university. Halos lahat ay nakakasabayan namin papasok sa loob, mga kasabayan namin na gagraduate rin.

"Do you have social anxiety?" tanong ni Ei sa akin habang nakapila kami.

Mabilis akong umiling. "Wala... wala naman... yata."

Mabilis kong iniwas ang paningin ko nang mapansin na ang tagal niyang nakatitig sa akin. Binalewala ko na lang 'yon, maya-maya ay naramdaman ko na lang ang kamay niya sa akin kaya napalingon ako sa kan'ya. May maliit na ngiti sa kan'yang labi bago inangkla ang kamay sa braso ko.

"Hmm... okay."

Habang tumatagal kami na nakatayo rito ay nangingibabaw ang pagkailang ko. May mga ibang estudyante na napapatingin sa gawi ko. Alam ko naman ang dahilan kung bakit sila napapatingin sa akin.

Higit sa lahat. Hindi pa rin naaalis sa pakiramdam ko na parang may nakatingin sa akin. Parang may nakabantay.

"Are you uncomfortable because they are staring at you?" biglang tanong ni Ei nang makapasok na kami sa loob.

"Oo," mabilis kong sagot.

Nang marinig niya ang tugon ko ay agad siyang naghanap ng mauupuan namin. May tinuro siya na dalawang bakanteng upuan sa bandang dulo. Sabay kaming nagtungo roon at naupo.

"Gusto mo ba nito?" Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. "It's a blotting paper. Naabsorb nito ang oiliness sa face natin." Inabot niya sa akin ang manipis at kulay puting papel na nilabas niya sa maliit na pakete.

"School air makes us haggard," reklamo ni Ei bago ako lingunin.

Mahina akong natawa at tinanggap ang binigay niya. Nilapat ko agad 'yon sa noo ko bago binulsa para itapon mamaya pag nakalabas na kami rito.

"Hindi ako maka-relate," ani ko habang tumatawa. "Haggard na ako since birth," biro ko sa kan'ya.

Akala ko ay makikisakay rin siya sa pagbibiro ko pero hindi. Seryoso tuloy ang mukha niya ng lumingon sa akin at napahalukipkip pa.

"Don't be hard on yourself, Sarah. Ayan ka na naman, eh."

"Nagbibiro lang ako, Ei. Ikaw naman." Mahina kong binangga ang braso niya at ningitian. "Masyadong seryoso ang nangyayari sa buhay ko ngayon; bakit hindi tayo magsaya, hindi ba?"

Napanguso na lang siya. "Palagi mo na lang talaga pinagsasalitaan ng gan'yan sarili mo."

Mahina na lang akong natawa at niyakap na lang siya. Habang nasa gano'ng posisyon ay hindi ko tuloy maiwasan na hindi maalala si Rafael kay Ei.

Mabilis kong inisip ang masayang alaala naming dalawa at baka mamaya ay maluha na naman ako. Tama na 'to. Tama na ang puro iyak. Pero kahit na gano'n, may parte pa rin sa akin na hindi ko pa talaga tanggap na wala na siya at siguro normal lang na gano'n ang mararadaman ko dahil mahalaga siya sa akin.

Plano pa naman namin na magpatattoo. Paano na lang 'yon? Paano na lang yung pangako namin sa isa't isa na sabay kaming makakapagtapos sa pag-aaral?

Isang mabigat na buntong hihinga ang pinakawalan ko.

"Hey." Mabilis akong kumalas sa pagkakayakap at napatingin kay Ei nang marinig ang boses.

Marahan niyang pinisil ang balikat ko bago ningitian.

"Magiging okay rin ang lahat, Ei. I know you're brave," aniya sa malumanay na boses.

Alluring MaskWhere stories live. Discover now