CHAPTER 15

192 9 7
                                        

CHAPTER 15

SARAH DAYANGHIRANG

Wala nang nagtangkang magsalita sa pagitan naming dalawa nang matapos siya sa kan'yang sinabi. Nanatiling tikom na lang ang bibig ko habang malalim ang iniisip at hinihintay ang susunod niyang sasabihin pero wala.

Tanging mahinang ugong na nanggagaling sa elevator lang ang naririnig ko habang bumababa pa rin kami. Makalipas ng ilang segundo muntik pa ako mapatalon sa gulat nang marinig ang 'ding' ng elevator; nakarating na rin kami sa wakas.

Hinihintay ko na bubukas ang pintuan sa harapan namin pero wala. Ang tagal ko pang naghintay roon hanggang sa isang mahinang tunog ang narinig ko sa likuran. Mabilis akong napalingon doon habang nanlalaki ang mga mata.

Tama nga ang hinala ko. Dalawa nga ang pintuan dito.

Nang tingnan ko si Atlas sa gilid, nakita ko ang pag taas ng gilid ng kan'yang labi at napailing na lang. Bumaba ang paningin niya sa akin at ginalaw ang ulo patungo sa nakabukas na pintuan para sabihan na mauna na ako roon.

Napalunok ako at sumunod na lang. Habang nililipad ang utak ko sa malayo kanina, iniisip ko na agad ang magiging hitsura ng mapupuntahan namin. Madilim. Madumi. Nakakatakot at mabaho... pero hindi pala.

Kabaliktaran no'n ang nakikita ko ngayon. Sinalubong ako ng isang malaking lounge. Plain white lang ang kulay ng kapaligiran at meron lang na mga gold linings sa bawat corner. Maaliwalas ang kapaligiran, parang ikaw na lang na mahihiya na papasok dito na madumi.

Higit sa lahat, mabango pa. Medyo may kaparehas sa car freshener ng kotse ni Atlas. Mild pomegranate, gano'n siya. Hindi matapang ang amoy at katamtaman lang.

Maliwanag din sa kabuuhan ng lounge pero mukhang gamit nila ang soft type na ilaw na nakakabit sa kisame. 'Yon lang ang nasilip ko dahil pinakabungad talaga pagkalabas mo ng elevator ay isang maliit na reception desk na wala namang tao.

Nang malagpasan naming dalawa ang maliit na reception desk, nakita ko agad ang isang malaking flatscreen TV sa gilid sa bandang kaliwa ng isang hallway. At kung tama ako, mukhang living area nila 'yon. May mga sofa rin na nakapuwesto roon at center table na pinailaliman ng itim na carpet.

Habang sa kabilang dako naman ay mayroon na pahabang wooden table. Nakapatong doon ang coffee machine. May mga mugs din pati mga snacks; mukhang marami pa 'yon dahil may mga drawer din na kasama ang lamesa.

"Welcome to my basement, Sarah," usal ni Atlas.

Nauna siyang maglakad at nilagpasan ako. Dumiretso siya sa hallway na nakita ko; akala ko ba naman ay mauupo pa muna kami sa sofa. Binilisan ko na lang ang lakad ko, at bago pa tuluyang makapasok sa hallway ay napatigin ako sa isang silid na may malaking glass window; may mga tao roon na mga nakasuot ng lab gowns at face masks.

Doctor ba si Atlas? O baka naman related sa gan'yan yung trabaho niya?

Pero kung gano'n... sobrang layo no'n sa pinag-aralan ko. Anong gagawin ko sa mga nasa laboratory eh wala naman 'yon sa mga napagaralan ko? Kitang-kitang ko pa ang ibang na may sinisilip sa microscope sa kinatatayuan ko ngayon.

Ang iba ay palakad-lakad at may kan'ya-kan'yang ginagawa. Sumasakit lang ang ulo ko sa mga nakikita ko, dumadagdag sa bigat. Bakit ko pa sila tinitingnan?

Natigilan ako saglit ng makita ang isang babae na binalingan ako ng tingin. Mahaba ang itim niyang buhok na may curtain bangs, kapapasok niya lang din sa laboratory at hindi pa nakasuot ng bouffant cap. May hawak siyang test tubes habang nakatingin pa rin sa akin.

"Sarah?"

Mabilis akong umiwas ng marinig ang boses ni Atlas. Nakapamulsa siya habang mariin na nakatingin sa akin, hinihintay na malapitan ko siya.

Alluring MaskWhere stories live. Discover now