CHAPTER 13
SARAH DAYANGHIRANG
Napaawang ang labi ko sa gulat ng makita ang mga basag na plato at baso sa sala. Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang away nila. Sobrang gulo na ng sala ngayon. Ang mga nakadisplay sa ibabaw ng maliit na lamesa ay nasa sahig na. Nagkagulo rin ang mga upuan maski ang mga display na nakapatong sa ibabaw ng lumang TV.
"Ano? May nahanap ka na bang trabaho?" asik ni mama.
Napalunok ako. "W-wala po..." nanginginig kong sagot.
"Inutil!" Napapikit ako ng tampalin niya ang noo ko.
Tinalikuran niya lang ako at nakinig sa mga pinagsasabi niya. Lahat na ng tao rito sa loob ng bahay ay damay sa galit niya ngayong gabi.
"Mga walang kuwenta!" bulyaw niya habang nanginginig na sa galit.
Habang nasa gano'ng sitwasyon, ang mga kapatid ko ay unti-unting nagsisipag alisan sa sala at bumalik sa kanilang kuwarto. Habang ako ay nandito pa rin, nakatayo sa tapat ng pintuan habang nanginginig dahil basang-basa pa rin ako ng ulan.
"Walang kuwenta talaga kahit kailan! Mga inutil!"
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang naghihisterikal na si mama dahil sa galit. Namumula ang mukha habang lahat ng mahahawakan ay hinahagis sa kung saan. Paulit-ulit lang din ang mga sinasabi niya at napapasigaw pa.
Gusto ko mang maligo para makapagbanlaw man lang ay hindi ko magawa dahil sa kan'ya. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko, daig ko pa na nakipagkarerahan habang pinagmamasdan siya.
Nagmamadaling nilapag ko sa maliit na upuan ang dala kong bag bago nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig. Nang makabalik ay nakaupo na siya ngayon sa isa sa mga upuan namin habang hinahabol ang sariling hininga.
Halos hindi ko makontrol ang kamay kong nanginginig ng iabot sa kan'ya ang hawak ko. "'Ma, uminom ka po muna ng tubig. Sige na po."
Pinagsawalang bahala ko ang matalim niyang titig sa akin bago hinablot ang baso na may tubig. Doon lang ako nakahinga ng maluwag nang inumin niya 'yon, naubos niya lahat.
Tipid ko siyang ningitian sa kabila ng pangangatal ng aking labi. Minabuti ko muna na maayos na ang pakiramdam niya bago ko linisin ang mga kalat. Sinigurado ko na walang maiiwan kahit isang bubog para hindi sila matusok.
Nang matapos ay saka ko lang din naasikaso ang sarili ko at nagtungo sa banyo para maligo.
݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ
Inaasahan ko na rin na lalagnatin ako kinabukasan, natuyuan ba naman ako dahil inasikaso ko pa si mama. Nagising ako kagabi na inaapoy ng lagnat. Mabigat ang ulo at katawan. Parang may nakadagan sa akin na mabigat na bagay at hindi ko man lang maalis 'yon.
Ilang beses din akong bahing nang bahing at sumabay na rin ang sipon. Napabuntong hininga na lang ako bago bumangon para inumin ang gamot ko ng marinig ang alarm clock.
Sakto nang mainom ko 'yon ay nag-pop up ang message ni Ei sa akin.
From Ei:
Hi, Sarah! How are you? Are you okay now? Get well soon:)
To Ei:
Hello, Ei! Medyo okay na ako ngayon. Salamat!
Pinatay ko rin ang cellphone bago pinatong sa study table. Tumayo na ako at kumuha ng tuwalya sa kabinet bago bumaba para maligo. Alam ko naman bubulabugin na ako ni mama para gisingin. Kahit na sabihin ko pa na nilalagnat ako at hindi makakahanap ng trabaho ay alam kong ipipilit pa rin niya ang desisyon niya.
YOU ARE READING
Alluring Mask
Romantizm(COMPLETED) (UNDER REVISION) Valentina Imara Meadows is perfect in the eyes of the other people. Indeed, she seems perfect because she has everything. But little did they know where she came from or who she really is. Same goes for Amadeus Alejandr...
