CHAPTER 29

123 4 0
                                        

CHAPTER 29

VALENTINA IMARA MEADOWS

Ilang beses akong kumurap habang nakaharap sa salamin ng vanity table dito sa kuwarto ko. Nagsimula na naman kasing manubig ang mga mata ko. My eyes were already swollen when I looked at myself in the mirror.

Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko sa mga nalalaman ko ngayon. Starting from my father's death, sa pagtatatrabaho sa organisasyon, sa pagiging replacement niya, hanggang sa pagtatrabaho rin ni mama rito. Umangat ang aking kamay at napahawak na lang sa dibdib nang maramdamang sumikip 'yon.

Gusto kong kausapin si mama... para tanungin siya tungkol sa mga bagay na 'yon. Pero alam kong hindi puwede dahil baka mapahamak sila. Higit sa lahat alam kong hindi na niya ako makikilala dahil ibang iba na ang hitsura ko pati na rin ang pangalan ko.

Matagal nang patay si Sarah. Halos limang taon na rin 'yon.

It was just crazy to think because all of this was intentional; I wasn't just unlucky or lucky because I found a job. It was planned all along, from my studies until now. Lahat ay konektado simula ng namatay si papa.

Mariin akong napapikit at huminga nang malalim nang maraming beses para ikalma ang sarili. Ang hirap, ang hirap kontrolin ang nararamdaman ko ngayon. Sa kalaunan ay kinuha ko ang cellphone na binigay ni Rafael sa akin; nang mabuksan ko 'yon ay agad na bumungad sa akin ang selfie naming dalawa na ginawa kong wallpaper.

Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan 'yon. It eased my feelings somehow when I looked at it. Kahti papaano ay kumalma ang mga nagwawalang emosyon sa dibdib ko.

"You're the only one who can calm me down, Raf." Mahina kong bulong habang nakatingin pa rin sa cellphone. "I still miss you. Nothing has changed..."

"Sarah? Are you there?"

Mabilis akong napalingon sa nakasaradong pinto nang marinig ang boses ni Ria kasabay ng katok na parang nahihirapan pa yata siyang gawin yon sa labas ng kuwarto ko.

"Yes, Ria!"

Nagmamadali akong tumayo dahil natugunan ko sa kan'yang boses na parang kailangan niya ng tulong. Inayos ko muna ang bathrobe na suot ko bago buksan ang pinto.

Bumaba ang tingin ko sa mga bitbit niya. She had a paper bag in her right hand and two boxes of pizza in her left hand. Agad kong kinuha ang bag paper bags sa kan'ya at doon lang siya nakahinga ng maluwag.

"Thank you. Kanina pa kasi 'tong pizza sa living area sa lobby. Mukhang nakalimutan ni Oceanus na dalhin kaya ako na lang nagdala rito. Baka kasi lumamig na 'tong pizza."

I nodded. "Kumaina ka na ba?"

"Oo. may mga sampung box pa doon sa taas para sa amin. Kasya na 'yon doon. Ipapatong ko na lang 'tong pizza sa counter ng kitchen island, ah. Puwedeng niyo namang i-reheat 'yan kasi kumpleto naman na sa mga gamit sa kusina si Atlas. Mauuna na ako sa taas, bye."

"Sige. Thank you so much, Ria. Bye."

"You're welcome."

Nauna na siyang umalis. Dumiretso naman ako sa kusina para ayusin ang naiwang pizza roon at tinabi roon ang paper bag na kinuha ko kay Ria. Agad din akong nagpalit ng damit bago dumiretso sa opisina ni Atlas para sabihin na dumating na ang pagkain.

I know I'm still angry at him, pero ewan ko ba. There was something in my chest that made me closer to him and Oceanus.

Because... maybe in five years, they are the only ones that I am with and also considered as my family. Siguro kaya gano'n na lang din ang nararadmaamn ko dahil doon.

Alluring MaskWhere stories live. Discover now