CHAPTER 3
SARAH DAYANGHIRANG
Lumipas ang ilang araw na hindi kami nakapagusap nang maayos ni Rafael. May isang bagyo na tumama sa baryo namin kaya nag-suspend ang klase sa university.
Higit sa lahat, walang maayos na signal at sunod-sunod ang pagbabrownout sa amin. Kaya kung sakaling susubukan niya akong kontakin ay hindi ko rin naman marereceived 'yon.
Pagkatapos tumama ang bagyo ay bumalik na rin ang pasok sa university. Kaya ngayon, nakangiti akong naglalakad papunta sa school habang nakatingin sa mga nadadaanan kong mga palayan.
Pilit kong kinakalimutan ang memorya ng gabing 'yon pero parang sirang plaka na paulit-ulit kong nakikita sa isipan ko kung paano kami maghalikan ni Rafael. Wala sa sarili na hinawakan ko ang aking labi... bakit hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang malambot niyang labi?
Ano ba 'yan, Sarah! Kung ano-ano na lang talaga ang iniisip mo!
Mabilis akong nagisip ng ibang bagay para makalimutan 'yon. Ang kaso parang ang lakas yata ng epekto ng mga halik niya sa akin!? Walang-wala ang labi kong tuyot sa labi niyang namumula at sobrang lambot. Paniguradong may ginagamit 'yon para mamaintain ang gano'n kalambot na labi.
"Sarah!"
Mabilis kong nilingon kung saan nanggaling ang boses na 'yon. 'Yon ang babae na pinagtatabihan ko ng suman na binibenta ko sa school. Nakaangat ang kamay niya sa akin at sobrang bilis ng pagwawagayway na para bang kinawayan ako.
Awtomatiko akong napangiti at tinaas din ang kamay para kawayan siya. Pero agad na naglaho ang ngiti sa aking labi at kumunot ang noo nang makita ang mata niyang nalalaki habang nakatingin sa akin.
"May bike sa likod mo! Tumabi ka!" sigaw niya.
Mas lalong nanlaki ang mata ko roon. Mabilis akong napalingon at hindi agad nakakilos nang makita ang isang rumaragasang mountain bike papunta sa akin. Hindi agad ako nakaiwas; bumangga ang bike sa akin at napasandal sa wire fence na maraming tusok-tusok sa gilid ng sidewalk bago bumagsak sa sahig.
Naramdaman ko agad na humapdi ang likod ko. Napunit na pala ang suot kong damit. Alam ko na agad na nasugatan na ako sa wire fence dahil ang hapdi na. Pati na rin ang braso at kamay ko ay hindi nakaligtas dahil mukhang nasama pa yata 'yon sa pagsabit kanina.
Nakangiwi ako na tiningnan ang sarili. Hindi ko maiwasan na hindi mapadaing sa tuwing gumagalaw dahil parang mas lalo pa yatang humahapdi 'yon kada galaw ko. Pakiramdam ko parang may binabaon sa sugat ko na maliliit na bagay at pati laman ay nasasama sa pag kirot.
"Sorry po, ate! Sorry po, wala pong brake yung bike ko," paulit-ulit na sabi ng bata. Kitang-kita ko na agad ang mga luha niyang nagbabadyang tumulo.
Wala na akong nagawa kundi tumango. Kahit napaiyak na siya ay tinulungan niya akong tumayo. Dahan-dahan na ang bawat kilos ko pero nasasaktan pa rin ako. Mahina akong napadaing nang ayusin ko ang aking damit at pinulot ang backpack na nahulog.
"It's okay... okay lang ako," mahina kong sagot sa bata. Pakiramdam ko kapag nakita niya pa na sobra akong nasaktan, baka humagulhol na 'to sa takot.
Awtomatikong nilibot ko ang paningin sa paligid. Bumilis ang pintig ng puso ko nang makitang ang ibang tao ay sa amin nakatingin. Para akong nilamon ng hiya, nagsimula akong maglakad papalayo, at para bang walang nangyaring banggaan kanina.
"Manhid yata yung babae."
Naririnig ko ang mga bulungan nila. Ang iba ay sinusubukan akong kausapin pero ningingitian ko lang sila at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa university.
YOU ARE READING
Alluring Mask
Romance(COMPLETED) (UNDER REVISION) Valentina Imara Meadows is perfect in the eyes of the other people. Indeed, she seems perfect because she has everything. But little did they know where she came from or who she really is. Same goes for Amadeus Alejandr...
