CHAPTER 23

131 7 2
                                        

CHAPTER 23

SARAH DAYANGHIRANG

Nanatili lang akong nakatulala sa madilim na karagatan habang nakadungaw sa railings ng balkonahe ng aking kuwarto. Hindi ko alam na sa likod ng bahay ni Atlas ay may malapit na cliff at sa ibaba no'n ay dagat na.

Sa tingin ko maganda ang naging desisyon niya na ito ang magiging kuwarto ko. Dahil una sa lahat, maganda ang mag muni-muni. Maganda rin magpahinga at mag-meditate.

Makakapagpahinga pa ako hanggang bukas bago ang magiging actual training ko kasama si Oceanus. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi kabahan. Uminom na kaya ako ng sandamakmak na enervon? Para naman maging energetic ako hanggang sa kinabukasan pa nito.

Napailing na lang ako sa mga pumapasok sa aking utak. Wala na akong ibang maisip pa na puwedeng gawin bukas bukod sa magpahinga o matulog; ramdam na ramdam ko pa rin kasi ang pagod sa buong katawan ko. Malalim na ang gabi ngayon at dapat nagpapahinga na ako pero hindi ako makatulog ng maayos.

Parang naninibago pa yata ang katawan ko rito.

Napaupo na lang ako sa upuan habang nakamasid pa rin sa madilim na karagatan. Malakas ng kaunti ang amoy dagat na hangin na tumatama sa mukha ko. Bumaling ang paningin ko sa kaliwang bahagi, nandoon ang dalampasigan. Medyo may kalayuan lang 'yon dito sa puwesto ng balkonahe ko. May mga maliliit na ilaw ang nandoon. Parang mga fairylights, pero hindi ako makasigurado dahil malayo 'yon sa akin.

Abot hanggang dito ang mga hiyawan ng mga tao. Halatang nag-eenjoy sa party na nangyayari roon.

Tumayo ako at naupo ulit habang pinagmamasdan ang kinuhaan kong picture. Nakalandscape 'yon at mukhang maganda naman ang kuha ko. Nasa gilid ang dalampasigan at ang iba ay puro karagatan na. Madilim pero dahil may mga fairylights sa dalampasigan, mas bumagay 'yon sa picture.

Napangit na lang ako dahil doon. Binuksan ko ang iMessage at dumiretso sa conversation namin ni Raf. baliw na siguro ako kung minsan nagagawa kong magtext sa kan'ya kahit na alam kong hindi siya magrereply.

Natigilan ako sa pag-type nang may maalala. Bagsak ang aking balikat nang marealize na patay na pala ang identity ko. Na wala na si Sarah.

"Paano na kita ma-te-text n'yan?"

Ang huli kong text sa kan'ya ay noong huling araw bago ako maibalita na patay na ako.

Isang mabigat na buntonghininga na lang aking pinakawalan. Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko at binasa ang mga ibang text ko roon. As usual, walang reply. Alam ko naman. Nagmistulang diary ko tuloy ang conversation namin ngayon.

Lumipas din ng ilang minuto bago ko napagdesisyunan na pumasok na sa loob ng kuwarto. Sinigurado ko muna na na-i-lock ko ang sliding door bago huliin sa kabilang side ang black na kurtina para mas lalong madilim bago nahiga sa kama.

Nararamdaman ko na ang pamimigat ng talukap ng aking mga mata. Kailangan ko na talagang matulog. Nakatulog naman ako ng maayos sa biyahe pero pakiramdam ko parang namamahay ang katawan ko ngayon.

Bago tuluyang pumikit ang aking mga mata, nanatili akong nakatingin sa text ko sa kan'ya nang biglang gumalaw 'yon.

Read.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

"Are you okay, Sarah?"

Napakurap ako ng marinig ang boses ni Oceanys. Parehas kaming nandito ngayon sa front yard ng bahay ni Atlas. Nakababa ang ulo ko kay Oceanus habang pinagmamasdan siyang nagbubungkal ng lupa sa mga halaman ni Atlas.

Alluring MaskWhere stories live. Discover now