CHAPTER 17

166 10 0
                                        

CHAPTER 17

SARAH DAYANGHIRANG

"Akala ko wala ka ng balak umuwi, eh."

'Yon agad ang bungad sa akin ni mama nang makauwi ako sa bahay. Nakasuot siya ng bestida na kulay fuchsia habang naka-bun ang buhok. Nakapamaywang ito at may kinakalikot sa ngipin gamit ang toothpick.

Pagkatapos kong mapirmahan ang kontrata, pinayagan na akong makauwi ni Atlas. Pero may nakasunod sa akin o nagbabantay, isa sa mga tauhan nito.

Tipid ko lang siyang ningitian at pumasok sa loob. Binalewala ko na lang ang sinasabi niya dahil alam kong mapapalitan ng saya ang magiging balita ko sa kan'ya.

"May trabaho na ako, 'ma," masaya kong bigkas.

Gaya nga ng inaasahan ko. Nawala ng parang bula ang ekspresyon ng mukhang niyang parang nakasimangot. Napalitan 'yon ng malawak na ngiti, na akala mo ay ngayon lang nakarinig ng magandang balita sa buong buhay niya.

Mukhang tama lang din ang naging desisyon ko sa pagsali sa organisasyon nila Atlas. Masaya si mama. Malawak ang ngiti niya sa akin.

"E'di maganda! Kailan mo pala makukuha unang sahod niyo? Napagusapan niyo na ba ng boss mo 'yan? Kapag sumahod ka na huwag mong kalilimutan na ibigay 'yon sa akin, ha?"

Tumango na lang ako. "Opo, 'ma."

Alam ko naman na sasabihin niya o itatanong niya sa akin kaya nakahanda na rin ang magiging sagot ko sa kan'ya. Nang makaakyat ako sa taas at pumasok sa loob ng aking kuwarto, doon lang naglaho ng parang bula ang ngiti sa labi ko.

Dinampot ko ang puting tuwalya at kumuha ng mga damit sa drawer para ipatong sa ibabaw ng kama. Ihahanda ko na lahat ng 'yon para mabilis na lang akong makakabihis mamaya pagtapos kong maligo.

"Ano pa lang trabaho mo roon? Magkano pala sahod mo sa buong isang buwan?" tanong ni mama sa akin na ikinatigil ko.

Hindi ko alam na sinundan niya pala ako hanggang dito. Tuluyan na siyang pumasok sa loob at naupo sa kama. Ginagamit niya pa rin ang toothpick sa bibig nito habang nililibot ang paningin sa kabuuhan ng aking kuwarto.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat kong sasabihin sa kan'ya. Hindi rin naman puwedeng diretsuhin ko na nagtatrabaho ako sa organisasyon na pinagtatrabahuan ni Atlas.

"Assistant lang ako 'ma," pagsisinungaling ko.

Napatango siya. "Puwede na rin. Masuwerte ka at natanggap ka. Magkano pala ang sahod mo roon? Malaki ba? Mas malaki kapag private assistant. Anong klaseng assistant ba 'yan?" sunod-sunod niyang tanong.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko pa kasi alam, 'ma."

Ang totoo niyan ay hindi pa nasasabi sa akin ni Atlas ang tungkol sa magiging sahod ko roon. Natapos ang usapan namin pagkatapos kong mapirmahan dahil may kailangan pa raw siyang asikasuhin sa Section 2 ng laboratory. Kaya rin nagkaroon din ako ng oras na makauwi sa bahay pero mamaya ay babalik ulit ako roon, 'yon ang utos niya sa akin.

"Paanong hindi mo alam? Bago ka mahire dapat sinabi na 'yan sa 'yo," irita niyang usal sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at hindi na siya sinagot pa. Doon na rin tumayo si mama at napapailing na lumabas ng kuwarto dahil hindi sa naging sagot ko.

"Anong klaseng kumpanya ba 'yan? Ngayon lang ako nakarinig ng gan'yan."

Hindi ko na binigyang pansin pa ang binubulong ni mama. Bumaba na ako at naligo na rin. Ang mga kapatid ko naman ay wala ngayon sa bahay dahil may pinapamigay na ayuda raw sa city hall dahil birthday ng mayor namin. Namimigay siya ng mga grocery pack, at bali-balita rin ay may kasama rin na cash. Hindi naman malaki pero atlis malaking tulong na rin 'yon sa mga mabibigyan niya.

Alluring MaskWhere stories live. Discover now