CHAPTER 16
SARAH DAYANGHIRANG
"It's okay, Sarah... there's also another way if you don't want to be killed. You just need to sign the contract and join El Orden Del Abismo."
Nababaliw na ba siya!? Halos hindi ko na mahabol ang sarili kong hininga kakahikbi sa harapan niya. Parang mas lalo akong kinakain ng taranta dahil nanatili pa rin na nasa leeg ko ang hawak niyang baril.
"Now tell me, Sarah. What do you want? Live or die?" seryoso niyang tanong sa akin habang mariin lang na nakatitig. "If you join our organization, you can help your mother pay off her debt. Malaking tulong na 'yon sa kan'ya. Mabibigyan mo sila ng maayos na buhay kapag pumayag ka sa gusto ko."
Muli akong napapikit ng maramdaman na dumiin ang baril sa aking leeg.
"A-Atlas..." natatakot kong wika.
"Think wisely. You graduated with the highest honor, yet you can't choose the right answer?"
Umiling ako at dinilat ang mga mata. "Gusto ko lang na makauwi, Atlas. P-pauwiin mo na ako."
Sobrang basang-basa na ang mukha ko dahil sa luha at hindi ko na nagawang punasan 'yon. Nandito pa rin ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa takot. Pero siya, parang normal lang na may ganitong nangyayari sa kan'ya. Kalmado ang mukha, na para bang hindi nakalapat ang nguso ng baril sa leeg ko.
Napapailing na tinanggal niya ang pagkakatutok ng baril sa aking leeg habang mahinang tumatawa. Para akong nakahinga ng maluwag dahil doon pero nanatili pa rin na mabilis ang pintig ng puso ko.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na tumakas sa kan'ya. Buong lakas ko siyang tinulak papalayo sa akin.
Tinalikuran ko siya at mabilis na binuksan ang pintuan pero mukhang minamalas ako. May tatlong lalaki sa harapan ko ngayon na mga nakasuot ng itim na damit, bakat na bakat don ang katawan nila. Malaki ang kanilang katawan at matangkad din. Nakakatakot sila. 'Yon ang unang pumasok sa isipan ko.
Sinubukan kong lumusot sa pagitan nila pero hindi ko magawa. Maski man na itulak sila papalayo sa kanila, ay wala akong palag dahil para tumutulak ako ng pader! Walang emosyon ang mga mukha, at pakiramdam ko parang pinagtatawanan na nila ako sa isip nila.
"N-no... hindi..." nauutal kong sabi habang umiiling. Hindi na ako makakatakas. Hindi na ako makakaalis dito!
Mas lalong namasa ang mata ko at nilingon si Atlas na ngayon ay nakasandal sa gilid ng nakabukas na pintuan. Mahina siyang natawa at tipid lang akong ningitian.
Parang ineexpect niya na gagawin ko na 'to. Kaya ba may tatlong lalaki na nakaabang sa labas ng office niya? Inaasahan niya na tatakas ako dahil alam niya na hindi ako sasang-ayon sa inaalok niya.
"You can't escape, Sarah," aniya at dahan-dahang naglakad papunta sa akin.
Malakas akong napasinghap at napahawak sa gilid nang umikot ang paningin ko. May sinasabi pa si Atlas pero hindi ko na 'yon marinig pa ng maayos. Pakiramdam ko para akong nabibingi na hindi maintindihan. Para akong mawawalan ng ulirat.
"You're trapped here... you're trapped in this organization."
Hindi ko na kaya. Sinubukan kong tumayo ng maayos pero tuluyan nang bumigay ang tuhod ko sa panghihina. Bumagsak na ako sa malamig na marmol na tiles at tuluyan nang nawalan ng malay.
݁
₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ
Hindi ko na nagawa pang magmuni-muni nang magising ako mula sa pagkakawalan ng malay kanina. Napabalikwas ako ng bangon sa isang malambot na kama habang nililibot ang paningin kung nasaan man ako ngayon.
YOU ARE READING
Alluring Mask
Romance(COMPLETED) (UNDER REVISION) Valentina Imara Meadows is perfect in the eyes of the other people. Indeed, she seems perfect because she has everything. But little did they know where she came from or who she really is. Same goes for Amadeus Alejandr...
