CHAPTER 5
SARAH DAYANGHIRANG
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Pakiramdam ko panaginip lang lahat ng 'to... tama, panaginip lang 'to, Sarah. Magigising ka rin mamaya.
Pero bakit gano'n? Kahit na anong gawin kong puwedeng makakapagpagising sa akin, parang unti-unti nang pumapasok sa isipan ko na baka hindi 'to panaginip... na hindi 'to bangungot.
Na totoo lahat ng nakita at naririnig ko. Parang kahapon lang kausap ko pa siya at nagawa pang halikan ang isa't isa... tapos ito ang kasunod?
Para akong lalagnatin sa mga nalalaman ko ngayon. Masyado akong nabigla sa nangyayari.
Wala na siya... wala na si Rafael. Hindi ko tanggap... ang hirap tanggapin na wala na siya. Atsaka, impossible naman na mangyari 'yon... na maaksidente sila kung siya ang nagmamaneho. Alam kong maingat siyang mag-drive ng kotse.
Sobrang hirap... nahihirapan ako na tanggapin na wala na siya. Siya lang ang nagiisa kong kaibigan... tapos kukunin lang siya sa akin ng gano'n lang? Alam na alam niya na mahihirapan ako kapag wala siya.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang lugmok. Sa tuwing iniisip ko pa rin ang tungkol doon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang paninikip ng dibdib ko. Ang bigat... sobrang bigat sa pakiramdam.
"Dinala ka namin dito ng mawalan ka ng malay."
Mabilis akong napalingon nang makarinig ng isang boses. Siya yung babae na tumulong sa akin kanina. Nakaupo siya sa isang monoblock chair habang nakatitig sa akin. Ang lambot at inosente ng tingin niya. Maayos na maayos din ang postura habang prenteng nakapatong ang palad sa ibabaw ng kan'yang hita.
"T-thank you..." sagot ko. Hindi ko naitago ang panginginig ng aking boses dahil ang mga luha ko ay nagbabadya ng tumulo.
Dahan-dahan akong bumangon at naupo habang nakatingin pa rin sa kan'ya.
"Totoo ba? Totoo bang wala na si Rafael o baka naman nagbibiro lang kayo?" paninigurado ko at tuluyan nang tumulo ang aking luha.
Malungkot lang siyang ngumiti sa akin at tumango. "Rafael was declared dead on arrival when he and his parents were rushed to the hospital."
Paulit-ulit akong umiling sa harapan niya at bumalot na sa apat na sulok nitong clinic ang mga hikbi ko. Habol ko ang aking hininga. Sa bawat hikbing lumalabas sa aking labi kapalit no'n ang pag sikip at kirot ng dibdib ko.
Lumapit siya sa akin. May pinakita siyang picture... picture ng maaksidente sila Raf. Naiisip ko na agad na baka itong mga picture ang ipapakita mamaya sa balita, lalo na at kilala ang mga Zevallos sa baryo namin.
Ang harapan ng kotse ay sobrang wasak at halos yupi na, lalo na sa bandang driver seat. Basag lahat ng salamin at hindi ko na magawang titigan 'yon nang matagal. Pakiramdam ko para ko na ring sinasaktan ang sarili ko kung sobrang tagal kong nakatingin doon.
"I think you should go home later this evening, Sarah. Baka mamaya ay nasa labas pa rin ang mga reporters na naghihintay sa 'yo."
Wala na akong nagawa kundi tumango na lang sa kan'yang sinabi. Masyado akong nalulunod sa sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyayari ngayon. Agad na bumalot ang katahimikan sa buong clinic room bago ko siya marinig na magsalita ulit.
"Or if you want, I can have my driver take you home. Susunduin niya rin ako—"
"Oh, gising kana pala. Bakit hindi ka pa lumabas?"
Biglang pumasok ang isang nurse kaya hindi natapos ng kasama ko ang sinabi niya. Sa tono pa lang ng kan'yang pananalita, halatang hindi niya gusto na nandito ako. Ang atensyon tuloy naming dalawa ay napunta sa kan'ya.
YOU ARE READING
Alluring Mask
Romans(COMPLETED) (UNDER REVISION) Valentina Imara Meadows is perfect in the eyes of the other people. Indeed, she seems perfect because she has everything. But little did they know where she came from or who she really is. Same goes for Amadeus Alejandr...
