Disclaimer: This whole story contains mature scenes that are not suitable for young readers. Reader discretion is advised.
Started: March 12, 2022
On hold: July 6, 2022
Continuation: July 31, 2024
End: December 3, 2024
note: alluring mask status is ongoing because i'm editing and revising the whole story (dw i'm going to delete this note after i'm done editing and revising it)
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
PROLOGUE
VALENTINA IMARA MEADOWS
Mahina akong napadaing nang diinan ni Oceanus ang sugat ko habang ginagamot niya 'yon. I immediately grabbed the telephone on the table beside me and threw it at him, pero imbis na matamaan siya ay naiwasan niya agad 'yon kahit na hindi nakatingin sa akin.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtaas ng gilid ng kan'yang labi habang abala pa rin ngayon sa paggagamot sa sugat ko. He's trying not to laugh! And it made me even more annoyed at him. Halatang nang-aasar lang siya.
"That hurts! Are you crazy?"
Umalingawngaw ang halakhak niya sa living area; napakalalim ng kan'yang boses na akala mo ay kagigising lang.
"Ayusin mo naman, p'wede ba? I thought you were going to treat my wound. It's your fault I got this, and now you're making fun of me?"
Natatawa pa rin na tinaas niya ang dalawa niyang kamay na akala mo ay sumusuko na. Hawak-hawak niya pa rin ang cotton ball na may betadine sa kanan niyang kamay.
"Okay, okay. I'm sorry," he replied while laughing before resuming treating my wound.
Nakabusangot pa rin ang mukha ko dahil sa pagkairita habang pinagmamasdan siyang gamutin ang galos sa tuhod ko. I was seated on the sofa, habang siya naman ay nakaupo sa carpet.
Oceanus was holding my white, silky leg because I kept moving when it stung. And right now, I'm already wondering how many laser treatment sessions I'll need to get rid of this scar!
"I can feel like you're murdering me in your mind," he whispered.
"Mabuti at alam mo," I said, irritably.
Agad din siyang natapos. Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan bago siya naupo sa tabi ko. I can still see his playful smile tugging at the corner of his lips while staring at me. Inipit niya ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga at basta ko na lang tinapik ang kamay niya papalayo sa akin.
"You know what, Valentina? Maganda ka pa rin naman kahit may peklat ka."
I scoffed. "Tigilan mo ako sa pambobola mo, Oceanus," sagot ko at inirapan siya. Minsan ay hindi pa rin talaga ako sanay na marinig siyang nagtatagalog. Nakakagulat pa rin talaga siya.
Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. I've always wanted to change myself. Ngayong nakuha ko na ang gusto kong mangyari sa sarili, dapat ko na lang gawin ay i-maintain 'yon. I might be crazy, but I want my appearance to be flawless, dahil hindi ko naman naranasan 'yan noon.
Siguro... Kung naging maganda lang ako noon at hindi naging masama ang mundo sa akin, hindi ko maiisipan na baguhin ang panglabas kong anyo.
Pinagsawalang bahala ko na lang ang mga bagay-bagay na tumatakbo sa isipan ko at inirapan na lang ulit si Oceanus. He had already bandaged my wound when I looked down on it.
Isang simple denim high-waisted short ang suot ko habang black oversized shirt naman sa pang-itaas, at pinartneran ko lang 'yon ng white sneakers.
Tumayo na ako at dinampot ang hoodie na nakasampay sa sandalan ng sofa bago pinatong sa handle ng suitcase ko. Nang makitang ayos na ang lahat ay hinawakan ko na 'yon at hinila palabas ng bahay.
YOU ARE READING
Alluring Mask
Romance(COMPLETED) (UNDER REVISION) Valentina Imara Meadows is perfect in the eyes of the other people. Indeed, she seems perfect because she has everything. But little did they know where she came from or who she really is. Same goes for Amadeus Alejandr...
