Chapter 24:

3.1K 95 1
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik sa dati ang ala-ala ni Ezekiel. Pero bumalik siya sa pagiging bading niya.

Ginagawa naman naming ni Jezriel ang part naming, lalo na ako. Dahil alam kong ako ang may kasalanan sa nangyari sa kanya.

Kaya kahit na busy ako sa k-pop world ko, na nag-hiatus muna ako ay mas naka-focus ako ngayon kay Ezekiel na pilit pinapaalala ang mga bagay na dapat niyang maalala at maibalik sa normal.

Nandito kami ngayon ni Jezriel sa dati naming school. Hinahatid sundo ko si Ezekiel kahit halatang ayaw niya at naiilang siya. Gusto kong maalala niya ulit ako at mapalapit ulit sa kanya. Si Jezriel ay minsan lang sumama sa akin dahil may sarili din naman siyang buhay. Pero tulad ko madalas din niyang kulitin si Ezekiel para maalala siya nito.

Labasan na nila. Nakaabang na kaagad ako sa gate. Sakto namang ang unang lumabas ay si Erica.

Oo, buhay pa siya. Joke lang. Noong una ay ginugulo niya ako sa tuwing nakikita niya ako dito pero bigla na lang lumabas ang isang article na inaapi nga ako ng isang di kilalang babae at iba't-ibang rumors ang lumalabas. Nahiya siya sa ginawa niya kaya itinigil na niya at itinanggi ko na lang yon sa media, dahil ayoko din issue. Tuwing nakikita niya ako ay iniismiran na lang niya ako.

Hindi naman nagpatalo si Jezriel dahil pag-amin niya ay matagal na siyang asar na asar kay Erica, kaya irap at ismid ang ginawa nito kay Erica.

Parang nasanay na din si Ezekiel na binubungaran namin siya tuwing pag-uwi kaya agad siyang nauupo sa lugar kung saan kami madalas umupo ni Jezriel para hintayin siya.

"Oh, nandito na naman kayo. Ayaw niyo talagang iwan ang school na 'to eh noh?" kahit na pabakla ang paikitungo niya sa amin, hindi na nawala sa paningin ko ang pagiging mala-lalaki nito.

"Oo naman, tsaka sinusundo ka naming dito diba? Miss na miss ko na 'tong school na 'to." Sagot ni Jezriel. Marami na ding lumabas na estudyante at kinawayan kami. Yung iba nagpa-autograph sa akin, pero hindi ko hinahayaang magpicture sila sa akin.

Bigla na lang nag komento si Ezekiel.

"Mahal na mahal niyo talaga itong school na 'to noh?" tumatawa tawa pa siya pagkatanong niya.

"Pero mas mahal kita..."  pabulong na sagot ko sa kanya.

Narinig naman ito ni Jezriel na ikinagulat niya, pero wagas kung makangiti. Habang si Ezekiel...

"May sinabi ka ba ate Jenny?" pero umiling na lang ako at inaya na siya pauwi.

===

Ilang linggo pa ay wala pa ding pagbabago kay Ezekiel. Pero ngayon mayroon silang dance competition. Dance evolution for high school at modern dance naman para sa mga elementary levels.

At dahil isa akong k-pop star ay inanyayahan agad ako ng grupo nila Ezekiel na maging choreographer dahil sa magaling naman daw akong sumayaw. Mga kagrupo din naming noong Intramurals ang mga kagrupo niya kaya para na din kaming nagreunion. At ang pinaka-pakay ko sa pagpili sa grupo nilang tuturuan ko ay para mapalapit pa ako kay Ezekiel lalo.

Araw ng kompetisyon

Lahat sila, maski ako ay kinakabahan. Pero alam kong kaya nila, magaling sila eh.

"And the winner for dance evolution in no other than the Earth nation!" napatalon ang lahat ng Earth nation pati na din kami ni Jezriel na todo suporta sa grupong kinabibilangan ni Ezekiel.

At dahil sa sobrang tuwa ko, hindi ko namalayan na napayakap na ako kay Ezekiel. Masayang-masayang nakikipagharutan si Jezriel sa iba naming ka-grupo.

Napatigil sa pagtalon si Ezekiel sa ginawa ko. Napatigil din ako ng napatigil siya.

"Hehe, sorry." Kahit gusto ko ng maiyak dahil dati ay ayos lang sa kanya na niyayakap ko siya ngayon ay may awkwardness na. Oo nga pala, may amnesia siya.

Pero wala pa mang ilang segundo na niyakap ko siya ay naramdaman kong niyakap niya ulit ako.

"Salamat sa lahat ate Jenny. Alam kong gusto mong maka-alala na ako. Wag kang mag-alala, pinipilit ko. Naiilang ako sa'yo hindi dahil sa ayaw kita, pakiramdam ko kasi parang may something sa akin na hindi panatag ang loob mo sa akin. Kahit na nakikita ko naman na parang sobrang close tayo noon." Hindi ko na mapigilan yung iyak ko.

Maski kahit na nakalimot na siya, parang yung pakiramdam niya na hindi ko pa siya napapatawad eh nararamdaman pa din niya.

Mas lalo akong nakokonsensya.

"Kung ano man yang nararamdaman mo para sa akin. Iwaksi mo na yan. Matagal na kitang pinatawad." Nakita ko na lang na biglang umiyak si Ezekiel.

At naramdaman ko na lang din na nakayakap na sa amin si Jezriel.

A group hug indeed.

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon