Ezekiel's POV
Lumabas ako sa dreesing room nila atsaka ko hinintay ang sususnod nilang performance.
Paglabas nila, naalala ko nung pumunta sila dito, na hindi ko sila nakita pero may isang babaeng nahagip ng mata ko. Si ate Jenny pala yun.
Ang sexy ng damit nila, short short na naka sando, tapos heels.
'Touch my bodyyy~
bodyyy~'Sobrang sexy nung sayaw nila.
Naiinis ako sa mga lalaking ang lagkit na ng tingin. Arggh, bakit yang sayaw pa na yan ang sinayaw nila, hindi ba sila aware sa mga nanunuod sa kanila?!
Patuloy pa din ako sa pagtingin ng mga manyak na to kay ate Jenny ng maramdaman kong may kumapit sa balikat ko.
Si Erica.
At naalala ko na naman yung nangyari sa dressing room kanina. Napatingin ako sa kanya habang sumasayaw sila at nakatingin din siya sa akin, pero agad niyang binawi. Bakit?
Natapos ang program. Dapat masaya ako kasi nanalo kami, pero ni hindi ko nagawang ngumiti. Hindi ko man lang siya nalapitang pagkatapos ng performance nila.
---
Ilang araw mula nung huling pagkikita namin ni ate Jenny. Haaay, -_- ano ba naman to! Lagi ako nanghihinayang sa kung ano ang dapat na ginawa ko nung nakita ko si ate Jenny.
Ang tanga mo lang Ezekiel, nandun ka na eh. Kakausapin mo, pwede mo naman sabihin na wala naman talaga kami ni Erica, yung ganun. Pero hindi ko pa nagawa.
Ayan, edi nawala na naman siya.
Nandito kami ngayon sa school, sabado. Film showing. Required daw na lahat sasama, kung baga eh kailangan mo pa rin bumili ng ticket kahit di ka sumama. Sayang pera edi sasama na lang.
Tsaka kinukulit ako ni Erica.
Pero kita mo, wala pa siya hanggang ngayon. Nasaan na ba yun?
Ilang oras na lang, paalis na yung jeep at wala pa din si Erica. Buti na lang nandito si Jezriel, kahit papaano eh may makakausap naman ako.
"Hoy, bakla, sino bang tinatanaw tanaw mo diyan?" pagkausap niya sa akin.
"Si Erica, wala pa eh. Tsaka bakit ka nga ba kasama dito?" napairap na lang si Jezriel.
"Eh sa gusto ko eh. Masama? Tsaka hinahanap mo? Aba nung isang araw lang si ate Jenny ang nasa utak mo tapos ngayong-- oh my gosh." biglang napatigil si Jezriel sa pagrarant. Ano naman kaya yun?Paglingon ko, si ate Jenny.
Kasama siya?
Parang biglang tumalon ang puso na pagkataas taas at feeling ko gusto niyang lumabas sa dibdib ko.
Lumapit ako sa kanya, pero parang wala siyang nakikita. Buti na lang lumapit yung isang photograper sa amin, at natuwa ako sa suggestion niya.
Dahil nga tourism ang kinuha ni ate Jenny, ito-tour niya kasi kami sa pupuntahan namin. At kita mo nga naman, kung sinuswerte ka.
"Pose kayo na magkayakap." nakita kong parang nabigla siya pero agad niya akong niyakap at saka ngumiti ng pilit.
"Ayan! Salamat!" kaya may photograper dito, para souveneir lang ng school ganun.
Nqgpumilit siyang umalis sa pagkakayakap ko pero hinigpitan ko lalo.
"Kahit sandali lang. Please." pero akala ko magtatagal, hindi din pala. Tinawag na kaagad kami ng teacher namin. Kainis. Nakita kong parang humahagikgik si Jezriel. Grrr. Ako ba tinatawanan nito? Nakkatingin pa sa akin eh.
Ngayon naman nasa loob naman kami ng parang mini bus. At nagsasalita si ate Jenny tungkol sa dinadaanan namin.
Maraming siyang alam sa mga nadadaanan namin pero hindi ako dun nakatingin. Kundi sa mga lalaking nandito din sa bus na ang bastos makatingin sa kanya. Maganda kasi si ate Jenny, kung alam niyo lang.
Nang matapos siyang magsalita sa harap sandali siyang naupo sa tabi ng driver, at kung sinuswerte ka nga naman, si Jezriel na katabi ko ay kailangan daw ng maiinterview, dalawang tao. Para sa project nila, at syempre kinuntsaba ko na kami na lang ni ate Jenny. Hehehe.
Tulad nung niyakap ko siya, gulat na naman ang rumehistro sa mukha niya. Pero binawi niya agad yun at parang sinamaan ng tingin si Jezriel.
Todo lapit pa ako sa kanya, at nung natapos na yung interview nakaakatuwa at kinausap niya ako.
"Nasaan yung girlfriend mo?" nagulat ako sa tanong niya. Hinahanap niya si Erica. At speaking of Erica, hindi na siya sumipot. Anyare kaya dun?
Nung sinabi kong wala, tumayo na agad siya at namalikmata lang ba ako o nag smirk siya?
Ano naman ibig sabihin nun?
BINABASA MO ANG
Chasing The Gay
RomanceSa sobrang kaka-basa ni Jenny ng mga gayxgirl na stories sa wattpad, naging batayan na ito ng kanyang pagpili sa magiging karelasyon kaya naman hanggang ngayon single pa din siya. Hanggang sa isang araw, ang unang pinaka-poging bakla na nagtransfer...