Chapter 2:

6.9K 201 8
                                    

Jenny's POV

"Ma'am! Wait lang!" sigaw ng isang tao mula sa likod namin.

Dahil sa late siya, naging takaw atensyon ng lahat ang sumigaw na kung sino man yun.

Pero pagkalingon na pagkalingon ko pa lang…

Isang batang lalaki na sobrang puti, matangos ang ilong, kulot ang buhok na may katamtamang gupit at payat ang nagpatigil sa mundo ko.

Dahan-dahan siyang tumakbo na may pagpilantik pa sa kamay at kumekendeng na pwet na pumunta siya sa teacher namin para ihabol ang pangalan niya sa listahan ng mga sasali sa cheering.

Hindi ko namalayan na nakapag-ready naa ang lahat at na-stun ako masyado sa batang yun kaya kinalabit ako ng katabi ko at sinabihan.

"Ate? Ayos ka lang po ba?" tumango lang  ako sa kanya at saka nagsimula na sa pagpapractice.

Buong araw, sa kanya lang nakatingin ang mata ko. Juice colored! Nakita ko na ata ang destiny ko!

Natapos na lang ang practice na sa kanya lang ako nakatingin. At dahil sa pagka-tuliro ko sa kanya, pinapagalitan ako ng choreographer namin dahil bakit daw ang shunga-shunga ko magkabisado ng steps. Ikaw kaya dito! Makita mo ang love of your life, mawawala talaga ang atensyon mo sa ginagawa mo.

Nakaupo kami ngayon sa hagdanan papuntang stage ng Multi Purpose hall ng subdivision namin ng lapitan ako ng bestfriend ko, na kagrupo ko din si Marielle.

Sakto naman na pagupo niya sa tabi ko, ay dumaan sa harap namin ang love of my life ko.

"Huy, Jenny! Ayos ka lang ba? Hindi ka naman ganyan dati sa practice natin, anyare?" tanong niya sa akin.

Pero hindi ko siya sinagot at nagtanong lang ng…

"Sino ba yung batang yun?" napakamot naa lang siya sa ulo at saka binatukan ako.

"May sakit ka ba?" saka siya umalis na lang at bumili ng makakain niya.

Ilangaraw din angnakalipas

Halos araw-araw kong nakakasama ang love of my life ko, pero hanggang ngayon di ko pa rin alam pangalan niya.

At ang step namin ngayong araw ay yung nasa likod ko siya.

Shocks! Mamatay na ako sa kilig! Kinakausap niya ako, at sinasabihan ng mali kong ginagawa. Waaaah! Heaven!

Breaktime na namin, at nakakapagod. Pero agad kong hinanap ang love of my life ko. Aalis na sila para ata umuwi at kumain sa bahay nila. Habang kami naman ng bestfriend ko kasama ni Aira at ng crush ko, ay di na pala, loyal ako kay my loves ko na si Mike ay kumain sa may pinakamalapit na karinderya.

"Huy, Jenny! Ano na? Ayaw mo kumain?" nakatitig pa din ako dun sa my loves ko.

Tumango na lang ako at sumunod sa kanila.

"Yung totoo Jenny? Anong nangyayari sa'yo? May problema ka ba? Isang linggo ka ng tuliro at laging nakangiti tuwing practice natin. Iba na yan ah. Hindi mo na rin binubuntutan 'tong si Mike." kahit na halatang nadiri si Mike sa sinabi ni Marielle eh agad siyang sumang-ayon pati na din si Aira.

"Mga bes, ano bang pangalan nung nasa likod ko? Yungpogingbakla?" sabi ko sa kanila.

Hindi naman ako nagets ni Aira at Mike dahil hindi naman sila nagpupunta sa practice namin dahil may practice din sila.

"At bakitmonamannatano-- OMG Jenny. Really?!" biglang   sigaw ni Marielle.

Nagtaka naman sina Mike at Aira sa reaction ni Marielle. Bestfriend ko nga 'to.

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon