Chapter 10:

4.4K 141 5
                                    

Ezekiel's POV

"Huy, Ezekiel. Anong ginagawa mo diyan? Para kang may pinagtataguan?" biglang lumitaw si Andrei sa tabi ko.

"Aishh, kainis ka naman Drei, nanggugulat ka." napasinghal ako sa kanya.

"Oh, sorry. Hindi ko sinasadya." malungkot na tono niya.

Napagtanto ko naman yung ginawa ko.

"I'm sorry Drei. I didn't mean to." hinawakan ko yung kamay niya. Pero bigla na lang niya akong hinalikan.

Fvck, nasa harap kami ng maraming tao. Agad akong humiwalay at sinamaan siya ng tingin.

Paano kung nakita kami ni ate Jenny?

Jenny's POV

Kanina ko pa nakikita si Ezekiel na nakatingin sa akin. Pero baka nagaassume lang ako at namamangha lang siya sa mga make up namin.

Pero bakit naman niya sinabi yun sa akin kanina? Girlfriend? Isang taon akong di nagpakita. Piniling mag-move on. Ano na naman ba yun? Hindi ba siya nakaramdam? Argggh! Tsaka may Andrei naman siya.

Dahil katabi ko 'tong kaibigan kong bakla na masyadong clingy sa ibang tao.

Pero nagulat na lang ako ng hinalikan ni Andrei si Ezekiel. Buti na lang at walang nakakita nun. Ako nga lang. Nasa likod sila ng malaking poste ng school namin.

Nakita ko naman na agad tinulak ni Ezekiel si Andrei. Tapos biglang tumingin sa akin.

"Santos, are you with us?" tanong naman sa akin ni ma'am Joanne.

At yun ang naging pagkakataon ko para makaiwas ng tingin sa kanya.

"Yes ma'am. Sorry po."

Natapos na ang usapan ng teachers at students between sa *** University at sa dati kong school.

"Bes, uwi ka na. Hahaha, ang daya ang lapit lang ng bahay." reklamo ni Hannah. Bestfriend ko sa college.

"Sorry bes, ganun talaga. Malapit ka na din naman. Valenzuela tapos Bulacan? Hahaha XD" pang-aasar ko pa.

"Sige, ganyan ka." nagtawanan pa kami ng bonggang bongga.

"Uy Jenny!" tawag sa akin ni Marielle, Angelica at Jane.

"Uy! Napadalaw kayo dito?" tumakbo ako papalapit sa kanila at niyakap sila isa-isa.

"Kukuha lang ng Form 137 ng kapatid ko. Taray! Ganda ng uniform ah!" puri sa akin ni Jane.

"Hihihi, oo, alam ko naman yun. Pati yung nagsusuot din." tumawa naman ang lahat ng nakarinig.

"Ay, Hannah! Darlene! Jerremy!" tawag ko sa mga bestfriends ko ngayong college.

"Bago pala kayo lumarga, papakilala ko sa inyo si Hannah, Darlene at Jerremy. Mga bes ko sa *** University." mga bestfriend ko sila lahat. Hahaha, edi ako na friendly diba?

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon