Jenny's POV
"Sino po sila?" pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko kay Ezekiel.
H-hindi niya ba ako maalala?
Hindi ko kaagad nasagot yung tanong ni Ezekiel at di ko kaagad siya natanong dahil dumating na ang doktor.
"Dok, a-ano pong nangyarisakanya? Bakithindiniyaakokilala?" pakiramdam ko ay maiiyak na ako. Hindi ko naman inaasahan na ganun ang mangyayari, at bakit sa taong mahal mo pa?
"Ayon nga sa nangyari sa kanya, matindi ang naging tama niya sa ulo at siguro ay isa na ito sa mga naging kinalabasan ng nangyari sa kanya." napatingin ulit ako kay Ezekiel na nakakunot na ang noo at si Jezriel naman na titig na titig kay Ezekiel.
Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Pero hindi man lang siya gumalaw o hindi man lang niya ako niyakap pabalik.
Bumitaw ako sa yakap namin at tiningnan ko siya kung anong reaksyon niya.
Pagtataka lang ang naka rehistro sa mukha niya.
"I'm sorry girl ah. Pero, i really dunnow you. Mag-ano ba tayo dati?" nagulat ako sa pagbebeki voice niya.
Bakla na siya ulit?
Oo alam kong bakla siya dati pa pero...
Lumapit naman si Jezriel sa kanya, nginitian lang din siya ni Ezekiel at halatang hindi siya kilala.
Arggh! Nakakaininis. Kasalanan ko naman yan, ano bang nirereklamo ko?
—-
Waaah! Sorry ngayon lang nakapag update. :( Namiss ko ditooo.<3 Ang iksi pa.
BINABASA MO ANG
Chasing The Gay
RomanceSa sobrang kaka-basa ni Jenny ng mga gayxgirl na stories sa wattpad, naging batayan na ito ng kanyang pagpili sa magiging karelasyon kaya naman hanggang ngayon single pa din siya. Hanggang sa isang araw, ang unang pinaka-poging bakla na nagtransfer...
