Jenny's POV
Nandito na kami ngayon ni Ezekiel sa building ng company namin. At dahil hiatus ako, ilang buwan din akong hindi nakabalik dito. Lahat ng rookies, trainees, pati na rin ng mga unnies at oppas ko ay binati ako. Hanggang sa hindi ko na matanaw si Ezekiel.
"Som, did you see Ezekiel?" bigla niyang tinuro ang kanan niya. Which is ang office ng CEO.
Agad akong lumayo panandalian sa kanila at papakinggan ko sa pinto kung anong nangyayari na sa loob.
At ang narinig ko lang naman ay...
'Do you know the consequences you and me might encounter when you still continue this?'
'Don't you think of us too? We have our own lives. It can be the cause of our...'Hindi ko na pinatapos ang usapan nila ay pumasok na ako.
Akala ko tanggap ng CEO namin si Ezekiel. Eh ano yung mga narinig ko? Si Ezekiel ang papagalitan nila? Wala naman siyang kasalanan dito. Ako, ako naman yun eh.
"Oh, ate Jenny! Nandiyan ka pala?" pero nagulat ako ng makita ko si Ezekiel na nakaupo sa harap ng lamesa ni CEO at may kausap siya sa telepono.
*facepalm*
"Ate, nakakatakot naman yang boss niyo magalit. Kinakabahan tuloy ako." kinakabahan daw siya pero naka cellphone siya ngayon at naglalaro. -_-
"Hindi yan. Gustong-gusto ka na ngang makita niyan eh. Sakto lang siguro na may nangyari." epic fail ko talaga. Buti at di ako nakagawa ng eksena. Hihi.
Natapos na makipag-usap si CEO. At agad siyang lumingon sa amin. Hindi man maganda ang aura niya ay nginitian niya kami ni Ezekiel. Bineso ako ng CEO at nakipagkamay naman siya kay Ezekiel.
"Nice meeting you, finally Mr. Zalamea." napangiti ako kay CEO. Napaka-supportive niya pagdating sa amin. Kaya lahat ng mga empleyado niya ay nananatili sa kanya at kung may umalis man ay loyal pa din ito sa kanya.
Mahabang paguusap ang nangyari dito sa loob ng office niya. At kung akala niyo eh seryoso, jusko. Tawa sila ng tawa na dalawa, at ang pinaguusapan... ako lang naman. Azar diba? Parang wala ako sa tabi nila.
Mga ilang minuto din ang lumipas, pumasok ang iba pang ka members ko at inaya na kaming lumabas para sa small gathering namin. Na ayon sa kanila ay pa-welcome sa pagbabalik ko. Kaloka, lahat talaga sila?
Masaya silang nakipaghalubilo kay Ezekiel. At sure na namiss ko sila kaya bonding-bonding at ipinakilala na din nila ako sa mga bagong rookies na kinuha nila nung huling audition.
---
Nandito na kami ngayon sa dorm namin. Dito ko na din papatulugin si Ezekiel dahil mahirap na kung maghohotel pa siya. Matitinik ang media at paparazzi kaya dapat mag-ingat.
At dahil nga nasa dorm namin si Ezekiel, at ang dorm namin ay parang dressing room na din at make-up studio... umandar na naman ang kabaklaan nitong mahal ko.
Si Som, Bora at Syo ay mine-make up-an si bakla.
"Hey, girls. Enough with that! You just letting him do what he want." nakakainis nga 'tong tatlong 'to. Alam naman nila ang dapat na gawin eh... syempre ang ibalik ang ala-ala ni Ezekiel. At syempre, para maalala ako diba? Eto naman, pinoprovoke ulit atang maging juding ang mahal ko.
Bigla naman akong hinila ni Syo at kinausap sa hindi maririning ni Ezekiel.
"You know what, Hyo? If you really want him to remember all, you must start from where did he really started. Okay, let say he's a gay. Maybe if we start to push him at the first and then do what you did when he falls in love with you then do it. Let's just try." may point nga naman si Syo.
Malay natin, maalala niya ako kapag ginawa ko ulit ang pagpupursigi noong mapansin niya ako at iexpress ang pagmamahal ko sa kanya.
"Thanks, Syo." at nagyakapan kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/21633107-288-k157114.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing The Gay
RomanceSa sobrang kaka-basa ni Jenny ng mga gayxgirl na stories sa wattpad, naging batayan na ito ng kanyang pagpili sa magiging karelasyon kaya naman hanggang ngayon single pa din siya. Hanggang sa isang araw, ang unang pinaka-poging bakla na nagtransfer...