Chapter 12:

4K 128 10
                                    

Ezekiel's POV

Papunta ako ngayon sa bar kung saan yung sinabi ni ate Marielle na pupuntahan nila. Eto kasi yung plano ko…

Para kausapin ako ni ate Jenny, alam mo na gagawin namin siyang tipsy. Pero hindi yung lasing na lasing kasi baka pag gising niya bukas eh hindi naman niya maalala yung pagbabati namin.

Kaya eto, pero hindi naman sa restricted bars. Yung pwede naman ako.

Nakita ko na sila ngayon, nakaupo sa parang counter ng bar. Yung sa harap nila may nagsesrve na bartender.

Naupo lang din ako sa isang sulok at hinintay ang signal ni ate Marielle. May kasama pa siyang dalawa. Si ate Angelica at si ate Jane.

Habang naghihintay ako, naramdaman kong na-vibrate ang phone ko. At nagregister ang pangalan ni Drei.

Hay, wrong timing naman. May away din pala kami nito kanina.

Pero para hindi lumala, sinagot ko na. Alam ko namang ako ang may pasimuno ng away namin eh.

"Hello…" ako ang unang nagsalita.

Mahabang katahimikan ang nangyari sa pagitan namin.

"Kung wala kang sasabihin Drei, pwedeng wag…" naputol lang ulit ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.
"'hik' Ezekiel, i love you. Please, mag-usap naman tayo." lasing siya.
"Please, kung lasing ka Drei wag muna ngayon. Alam mong ayokong nakikipag usap kapag hindi matino ang magiging kausap ko." pagdadahilan ko na lang. Pero half truth na din. Dahil, ayoko muna talagang makipag-usap.

Natahimik ulit kaming dalawa.

"M-mahal mo ba ako?" nagulat ako sa tanong niya. At yung totoo? Ewan.

Nakita kong sumenyas na si ate Marielle kaya naman hindi ko pa nasagot ang tanong ni Drei ay nagpaalam na ako.

Hay, ano ba naman 'to! Papasok sa gulo, di man lang pinapangatawanan. Nakakainis ka Ezekiel.

Papunta na silang dancefloor ng lumapit din ako sa kanya. Medyo tipsy na nga dahil medyo wild na sumayaw. Agad akong lumapit sa kanya ay naregister niya agad ang mukha ko kaya siguro napakunotang noo nito   at umiwas sa akin.

Umupo agad siya, kahit katatayo niya pa lang para sumayaw. Pero sinundan ko pa rin siya.

"Ano ba? Sino ka ba huh? Sunod ka ng sunod! Kapag sumunod ka pa ulit, isusumbong kita sa guard!" pasigaw niyang sabi sa akin.

As if naman marinig at pagtinginan kami ng tao dito, eh ang lakas nga ng tugtog.

Walang ano-ano ay hinila ko siya palabas ng bar, pero dahil makulit siya ay nag wawala siya sa pagkakahatak ko sa kanya.

"Ano bang gagawin mo sa akin? Huh! Sino ka ba? Arrggh!" nakita kami ng guard at ang sama ng tingin sa akin.

"Naku sir. Hindi po ako masamang tao ah. Etong ate ko kasi lasing na di pa umuuwi. Pinagalitan na ako ng mama namin. Iuwi ko na daw. Hehehehe." mukha namang naniwala yung guard kaya lumabas na kami ng walang kahirap hirap. Teka, mahirap palang kaladkarin palabas 'to.

___

"Ano bang problema mo huh?! Doon ka na lang sa boyfriend mooo!" tinalikuran niya ako bigla ng hindi pa nakakapagsalita, pero sobrang gusto ko lang patawarin niya ako.

Hinila ko agad siya, at ewan ko ba. Hinalikan ko na lang siya bigla.

Maski siya ay nagulat, pero agad din siyang tumugon sa halik ko.

Shocks! Ano ba naman 'to! Nakakadurdur pero di ko mapigilan. Waaah!

Una siyang humiwalay sa kiss naming dalawa. Napansin ko na lang na ang kamay ko ay nasa bewang niya at ang kamay niya ay nasa batok ko. At hinihingal ako. Gosh! Meme! Need help~

Pero matapos ang nakakahingal na *eeew* lapchukan namin, na tumugon siya, eh humiwalay siya agad, binigyan ako ng super cold stare at saka ako sinampal at sumigaw ng…

"BASTOS."

Nakakaloka! Bastos daw pero hinalikan din naman ako pabalik.

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon