Jenny's POV
Ilang araw na naman ulit kaming hindi nagkita ni Ezekiel dahil sa busy ang schedule ko. Pero one time habang nasa bus ako pauwi, magkatext kami ni Ezekiel my labs ko.
"Huy, nakauwi na kayo?" tanong ko. Pero alam ko naman ng nakauwi na siya eh.
"Eeeh. Oo, kanina pa." sabay may heart pa sa dulo ng text.
"Anong meron? In love ka? Sabi na nga ba, maiinlove ka din sa akin eh." pabirong asar ko na naman sa kanya.
"Che! Hindi sa'yo. Gosh, diba magkatext na kami ni Andrei since pasukan, alam mo kami naaaa!" halatang kahit text lang ito ay masaya siya.
Masakit?
Natural. Mahal ko yun eh. Hindi ko naman siya mapipilit sa akin. At alam kong natuwa ako sa pagkakaibigan namin at hindi ko na naasikaso ang pag-ibig ko para sa kanya.
"Aray. Ang sakit naman. Hahaha, pwede bang maging kabit?" pa joke ulit na tanong ko.
"Gaga ka." reply naman niya.
"Oh, bakit? Mas bagay kaya tayo, lalaki ka at babae ako. Ang pogi mo kaya." pang-aasar ko na naman sa kanya.
"Hahaha, alam ko no! May hotdog ako kahit papano." hindi ko alam kung matutuwa na ba ako sa sinabi niya at inamin niyang may hotdog siya.
"Ayaw mo ba ng footlong? Hahaha XD ang cute lang nung hotdog." reply ko naman sa kanya.
"Mas gusto ko ng cute." naloloka na ako sa usapan namin.
Agad kong ni-change topic at bumalik ulit sa umpisa.
"So wala ka naman sagot sa pagiging kabit ko, tayo na ah." desperada ba? Oo na. Alam ko naman. Pero mahal ko talaga siya eh.
"Hahaha, ok lang." nabasa niyo? Nabasa niyo? Waaaaah! Payag daw siya.
"Yes! I love you. Labs, tayo na walang bawian. Hahaha." reply ko sa kanya.
"Hahaha, baliw ka na." huling reply niya bago ako bumaba ng bus.
---
Araw-araw kaming magka-text ng boyfriend ko, pero ako lang ang nakakarecognize. Hahaha. Sinasabi ko na boyfriend ko siya sa GM pero maski siya 'no response'. Si Marielle nga lang ang suportado ako eh. Atleast sinabi niyang ok lang. Pero pag nag-GM siya si Andrei ang lagi niyang mention. Hahaha. Ouch. :'(
One time nag-away si Andrei at Ezekiel. Nasa school pa ako, gabing-gabi na dahil may activity kami at pagod na pagod na ako. Bigla pang umulan at sira ang payong ko.
Nasa bus ako ng itext ako kuno ng boyfriend ko.
"Beh. Itext mo nga si Andrei, pakisabi sorry." with matching iyak emoticon pa. Ngayon lang siya nagsabi ng beh sa akin. Pag may kailangan lang talaga eh noh?
"Aba ako pa inutusan. Nakakaselos ah." angal ko naman.
"Dali na please?" dahil mahal ko siya at di ko siya matanggihan, kahit na para sa karibal ko gagawin ko mapasaya lang siya.
Tinext ko si Andrei na magpunta ng 9 ng gabi sa school nila na dati kong school. Naghanda kami ni Ezekiel ng surprise para magkabati sila.
"Oh, Jenny! Bakit basang-basa ka?" tanong niya.
"*achoo* Di ba halatang umulan? Sira ang payong ko kaya nabasa ako." sagot ko naman sa kanya.
Nagbato siya sa akin ng panyo niya.
"Naawa naman ako sa'yo. Oh, ayan magpunas ka." saka namin itnuloy ang pag-aayos. Eeeh, itatago ko nga to.
Ready na ang lahat at paparating na din si Andrei.
"*achoo* *achoo*" tuloy-tuloy ang pagbahing ko.
"Uy Jenny. Pag nandito na si Andrei, pigilan mo yang pag-bahing mo ah." sermon pa sa akin.
"Ay opo sir. Nakakahiya naman sa inyo." pero tumawa lang kami sabay bahing ko.
Dumating na si Andrei. At kung anu-anong kalandian ang ginawa nila. Kahit masakit at mabigat na ang mata ko eh pinanood ko pa din sila. Hanggang sa naramdaman kong umiiyak na pala ako.
At natapos na lang yung sweet-sweetan nila, hindi pa rin tumitigil ang atching ko. Kaya naman medyo napapatingin yung dalawa sa akin.
Narinig ko namang nagtanong si Andrei kay Ezekiel.
"Bakit nandito si ate Jenny?" Andrei.
"Siya ang may pasimuno nito. Nung una nga ang korni pero sweet pala." sabay ngumiti ng pagkatamis-tamis. Sana sa akin din.
Nang makita ko na silang masayang dalawa, paramg unti-unti talagang bumibigat ang pakiramdam ko hanggang sa nagblack out na lang lahat.
BINABASA MO ANG
Chasing The Gay
RomanceSa sobrang kaka-basa ni Jenny ng mga gayxgirl na stories sa wattpad, naging batayan na ito ng kanyang pagpili sa magiging karelasyon kaya naman hanggang ngayon single pa din siya. Hanggang sa isang araw, ang unang pinaka-poging bakla na nagtransfer...
