Chapter 22:

3.1K 97 3
                                        

Third person's POV

Naikwento na ni Jezriel sa mga magulang ni Ezekiel ang nangyari. Nahiyang ikwento ni Jenny ang nangyari sa anak nila, dahila alam nitong siya ang may kasalanan.

"Hindi mo kasalanan iha. Kung ano man yang pagtatalo ninyo, itinakda yan ng Diyos na maging pagsubok sa inyo." napaiyak na naman ako. Napakabait ng mga magulang ni Ezekiel para ganunin siya.

Ilang minuto lang at lumabas ang doktor.

"Doc, ano na pong lagay ng anak ko?" nagaalalang tanong ng mama ni Ezekiel.
"Ma'am, your son is in a comatose stage. Masyadong malakas ang pagkakabunggo niya at tumama sa semento ang kanyang ulo. Hindi ko po masasabi kung kelan siya magigising. I'm sorry." napaiyak na lang sila sa narinig.

Pero parang nabingi si Jenny sa narinig.

'Comatose stage?' hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon kaya tumakbo ito at lumabas ng hospital.

May nakita itong simabahan sa tabi, at hindi niya namalayan na nasa loob na siya.

'Sobrang sama ko po ba? Ang arte ko pa. Hindi mangyayari yun sa kanya kung hindi dahil sa akin. At alam kong maawin kayo, kaya sana po, ibalik niyo na siya sa amin. Pangako, sa oras na gumising siya, hindi ko na siya pahihirapan pa...' at naiyak na naman itong muli.

---

Ilang araw ang nakakalipas, nag hiatus muna si Jenny sa pagiging Kpop star, at binantayan ang binata. Lubos siyang nagsisi at halos sa hospital na matulog. Hindi naman pinababalik ng magulang ni Ezekiel si Erica dahil alam nitong magwawala lamang ang dalaga kapag nakita si Jenny.

"Jenny, kumain ka muna." pagaaya ni Jezriel sa kanya.
"Paano kung pumayag akong maki celebrate na lang siya? Paano kung pinatawad ko na lang siya at tinanggap, magiging ayos ba ang lahat hindi ba siya magiging ganito?" tulad ng mga nakaraang araw, ito na naman ang sinabi ni Jenny kay Jezriel.

Halos sa hospital na tumira si Jenny at hindi na ito umuwi pa. Dinadalhan na lamang siya ng pagkain at damit ni Jezriel ngunit hindi pa din ito kumakain. At sa ospital na ito natutulog at naliligo. Niyakap na lamang ni Jezriel si Jenny.

Hawak lamang palagi ni Jenny ang kamay ni Ezekiel.

Tumungo ang dalaga upang ipahinga sandali ang ulo, pero naramdaman niyang gumalaw ang kanyang daliri.

"Jezriel, gumalaw ang daliri niya, tawagin mo ang doktor." maski si Jezriel ay naaligaga sa sinabi ni Jenny kaya naman agad siyang tumayo at lumabas para tawagin ang doktor.

Initigan niya ng mabuti ang binata kung magigising na ba ito. At unti unting nagmulat ng mata si Ezekiel. Sa sobrang tuwa ni Jenny ay hindi pa man nakakaupo ang binata ay niyakap na nito siya.

"Jusko, Ezekiel, nagising ka din." tuwang tuwang bati ni Jenny sa kanya.
"Sino po sila?" napataas ang kilay ni Jenny sa narinig.

Hindi na maalala ni Ezekiel si Jenny?

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon