Nandito ako ngayon sa kwarto ko, kasama si ate Jenny. Dito na namin siya dinala, kasi wala kaming perang pang-ospital tapos ang laalayo pa ng mga clinics dito. Pinabili ko na lang si Andrei ng mga gamot para kay ate Jenny.
Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako kasi una sa lahat first time kong maghahandle ng may sakit, tsaka kasalanan ko 'to eh.
Dapat pinahinto ko na siya eh. Atching siya ng atching. Tapos nangangalumata na siya. Arggh!
Pinunasan ko yung mukha niya ng maligamgam na tubig. Tsaka yung iba pang katawan niya na naeexpose.
Habang pinupunasan ko si ate Jenny, kinakabahan ako. Normal naman na nakokonsesensya ka, pero nakakaramdam ako ng saya? Ewan ko, kapag kasama ko si ate Jenny lagi na lang akong masaya. Masaya kasi talaga siyang kasama, napapatawa niya ako ng hindi niya pinipilit yung pagpapatawa niya.
"Para kang baliw diyan Ezekiel. Anong nginingiti-ngiti mo?" hindi ko namalayan na nandiyan na pala si Andrei sa likod ko.
"Nakakagulat ka naman. Wala, may naalala lang ako." buti na lang at hindi usisero 'tong boyfriend ko.
Ilang oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin kami makapag-isip ni Andrei kung anong sasabihin sa magulang ni ate Jenny. Kung sasabihin naman namin na may sakit siya baka mapagbintangan pa kaming may ginawa kay ate Jenny. Una sa lahat ayokong madamay si Andrei sa kalokohan ko. At natatakot akong masisi.
"Hay, bahala na. Iwan na lang natin siya dito sa bahay ko. Tutal wala naman nagka-kwarto dun sa kabilang room namin, ako na lang dun. Bahala na bukas. Umuwi ka na huh?" hinawakan ko ang kamay niya.
"o sige. Mag-iingat kayo dito huh? Kayo lang dalawa ang nandito. Gusto mo samahan na lang kita dito para may katulong ka sa pagbabantay kay ate Jenny?" ang bait talaga ng boyfriend ko. Ang swerte ko.
"Hindi na. Ayos lang ako. Pagagalitan ka pa, gabi na. Tsaka ako naman may kasalanan nito eh." hinawakan naman niya yung isa ko pang kamay.
"Hindi mo kasalanan. Kasalanan ko naman yun eh. Kung hindi naman ako nag-inarte, hindi mangyayari lahat ng 'to." sinabi ko na bang ang bait ng boyfriend ko? Hihihi.
"Oh, sige na. Nangyari na eh. Basta tandaan mo mahal na mahal kita." ngumiti siya sa akin at dinampian ako ng halik sa labi.
*click*
Narinig kong parang bumukas ang pinto sa kwarto ko kung nasaan si ate Jenny kaya naman agad akong humiwalay sa halik ni Andrei bago pa lumalim ito at nagpaalam na ako sa kanya.
Agad akong pumasok sa kwarto ko kung nasaan si ate Jenny at nakita kong nakaupo siya at nakayuko.
"oh, bakit ka tumayo ate Jenny! May sakit ka pa ah." agad ko siyang nilapitan at kinapa kung ayos na ba siya. Pasaway naman! Hindi pa eh.
Napatingin siya sa akin, at nung iaalis ko na yung kamay ko sa leeg niya bigla naman niya yun hinatak at...
Jenny's POV
Pagkatapos kong makita yun, bigla akong pinanghinaan ng loob. Yung sa kabit thingy, seryoso ako dun. Pero para akong sira na tinutulungan siya sa boyfriend niya. Ayoko lang kasing nalulungkot siya.
Pero last na 'to. Hay, kailangan ko na atang nag-move on?
Hinalikan ko lang naman siya. First and last. I will miss you Ezekiel. For sure.
Hindi naman torrid ang ginawa ko, sobrang tagal na dampi lang. At ititigil ko na sana ng hatakin niya pa ang batok ko kagaya ng ginagawa ko ngayon at gumalaw na siya.
Eh fvck, paano ako nito makaka-move on, kung ang iniwan niyang memory eh napaka-sarap. Argggh! Dapat itigil na 'to!
Pinipilit kong umalis sa halik namin pero hindi niya ako binibitawan. Hanggang sa nadala na lang din ako sa sensasyon ng halik niya.
He was now exploring my mouth. Teka, ano 'to? Kelan siya natuto nito? Kabata-bata pa, marunong nang... syempre, kay Andrei. Jenny, wake up!
Itinulak ko siya ng malakas kaya napahiwalay na siya. Tiningnan ko siya at nakatingin pa rin siya sa akin. Tatalikod na sana ako ng hatakin niya ako at halikan ulit. At dito, nadala na ako ng tuluyan.
He explores my mouth with his, like there is no tommorow. He bites my lips so I can give his tounge with more entrance with mine and kiss me with full of desire.
Ezekiel's POV
Nagising ako dahil sa sobrang init. Hindi pala nakabukas ang electric fan kasi... O_O
"Ate Jenny!" napasigaw na lang ako. Wala na siya sa tabi ko! Magkatabi kaming natulog kagabi eh.
Oh, wag green minded, syempre may sakit siya kagabi eh.
Hay, oo na. Hindi naman ako natulog kagabi dito dahil dun. Pagkatapos nung --err kiss namin. Waaaah! Ang unfaithful ko kay Andrei! T_T nagtiwala pa naman siya sa akin, tapos... Waaah! Kaya naman ako natulog sa tabi niya, kasi request niya. At hindi ko alam kung bakit ko yun sinunod. Siguro dahil sa may sakit siya. Oo, yun lang yun! Wala ng iba!
May nakita naman akong isang papel sa ibabaw ng kama ko.
Hi Ezekiel.
Salamat last night. Napakasaya ko kagabi, kasi inalagaan ako ng boyfriend ko. May kiss pa. Hehehe, ingat ka palagi ah. I will miss you. Goodbye. :D
From your girlfriend, Jenny ganda.
Ang kapal ng mukha oh! Maganda daw siya. Hahaha. Nawala ang pag-aalala ko sa nabasa ko. Pero yung 'i will miss you' tsaka yung 'goodbye', kinkabahan ako sa totoo lang.
BINABASA MO ANG
Chasing The Gay
RomanceSa sobrang kaka-basa ni Jenny ng mga gayxgirl na stories sa wattpad, naging batayan na ito ng kanyang pagpili sa magiging karelasyon kaya naman hanggang ngayon single pa din siya. Hanggang sa isang araw, ang unang pinaka-poging bakla na nagtransfer...