Jenny's POV
Nagising ako na puro bulaklak ang paligid ko. Para akong nasa tabi ng bangin at nakikita ko ang ilalim ng bangin ay isang malawak at napakagandang dagat. Teka nasaan ba ako? Ang pagkakatanda ko nasa hospital ako, pero nakakasiguro akong nasa Jeju pa din ako dahil ganito ang mga lugar sa Jeju.
Kahit na parang ang sarap matulog dito eh kailangan kong tumayo kasi nasa hospital pa si Ezekiel.
Lumingat-lingat pa ako at parang sa sobrang laki ng lugar eh hindi ko na makita kung saan dapat ako lalabas.
Tumakbo ako dahil pakiramdam ko napakalayo ko sa dapat kong puntahan. At parang walang katapusan ang pagtakbo ko. Nakakapagod. Pero para kay Ezekiel, kakayanin ko.
"Ezekieeeeeeeeeel!" sigaw ko. Pero parang wala namang nakakarinig sa akin at nage-echo lang ang boses ko sa lugar.
Eto na naman ako, naiiyak. Eto na naman yung feeling ko na wala na naman akong magawa. Paano kung nagising siya? Maalala niya pa kaya ulit ako? O baka kapag nakita niya ako bumalik na yung ala-ala niya.
Pero natigilan ako... ipinangako ko na ayos nang magising siya kahit na ang kapalit eh hindi na niya ako maalala. Hindi ko na siya kukulitin sa nakaraan namin.
Napaluhod at napaiyak na lang ulit ako. Hanggang sa may narinig akong ingay. Ingay ng tawanan. Sobrang pamilyar sa akin nung tawa at nung mga boses na naririnig ko.
Parang nagflashback sa lugar kung saan ako nakatayo ngayon ang unang pagiging magkaibigan namin ni Ezekiel. Intramurals.
Pagkalingon ko, nakikita ko yung unang beses kong hinalikan si Ezekiel. Nakakatuwa. Yung araw na yun sobrang kakaiba ng feeling.
Lahat ng ala-ala kong iyon ay nakikita ko sa paligid ko. Hanggang sa nakita ko si Ezekiel sa harap ko. Nakangiti siya at naka-formal. At nagulat na lang ako ng biglang nakapangkasal na ako. At may pari na sa harap namin pati nandito na rin lahat ng malalapit naming kaibigan.
Unti-unti akong lumapit sa kanya at hinalikan niya ako. Punong-puno ng pagmamahal at sana hindi na matapos 'to. Alam kong panaginip ito, pero sana wag na akong magising. Dahil baka pag nagising pa ako... baka hindi ko na maranasan ulit ang lahat ng 'to kahit kailan.
Pero bigla na lang nagblack-out ang lahat. Wag, please. Sana doon na lang ako. At naiyak na naman ako.
Ezekiel's POV
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo at pwetan ko. Ang huli kong natatandaan eh nag aaway kami ni ate Jenny. At ayun na...
Teka si ate Jen-ny...
Napabangon ako at nakita ko siyang natutulog habang hawak ang kamay ko. Umiiyak din siya.
Bigla siyang nagsalita.
"Ezekiel..." at lalong dumami ang tubig na nanggagaling sa mata niya.
Nalulungkot ako. Na hanggang ngayon, hanggang sa panaginip ako pa din ang iniisip ni ate Jenny. Nakalimutan ko na siya't lahat lahat pero yung pag-ibig niya, yung care niya na nagawa niyang iwan ang career niya para sa akin. At ngayong bumalik na yung ala-ala ko. Lahat ng iyon ibabalik ko ng doble. Mamahalin at iibigin ko siya, habang buhay. Kung pahirapan niya ako, sige ayos lang. Kung magsawa siya sa akin, hindi ako titigil hangga't hindi siya nagiging masaya ulit sa akin.
Lahat lahat. Para sa kanya.
Dahan-dahan akong yumuko at hinalikan siya sa labi. Itong labi na 'to. Mahal na mahal kita, ate Jenny.
Jenny's POV
Nagising ako sa isang masaya pero malungkot na pangyayari. Masaya at sa panaginip na yun naramdaman ko yung gusto ko nang maramdaman, matagal na. Pero malungkot dahil bumalik na naman ako sa reyalidad. Sa masakit na reyalidad na baka wala na akong mabalikang masayang pangyayari pa na kasama siya. Si Ezekiel.
Pero hindi ko pa man namumulat ng maigi ang mata ko ay naramdaman ko ang paglapat ng isang labi sa labi ko. Parehong pareho sa panaginip ko.
Naimulat ko ang mata ko at nakita ko siya... si Ezekiel. Nakapikit at nakalapat ang labi niya sa labi ko pero nararamdaman kong nakangiti siya. Nasa panaginip pa din ba ako? Kung ganun, susulitin ko na.
Agad kong hinawakan ang mukha ni Ezekiel at gumati sa halik niya.
"T-teka, ate Jen-- hmfff" hindi ko na siya pinagsalita pa at sinunggaban agad siya. hihi, syempre nandito ka sa panaginip kung saan malaya kang gawin ang gusto mo.
Itinulak ko siya sa kamang kinauupuan niya at saka dahan-dahang lumapit sa kanya.
"Ho-hoy! Teka lang, ate Jenny! Hindi pa tayo kasal ah. Tsaka ano, bakit dito sa hospital?" nag-grin ako sa kanya.
"Kasal na tayo noh! Di mo ba maalala? Tsaka ayaw mo nun, dito gawa sa hospital ang first baby natin?" agad kos siyang hinalikan. At hindi na nga nagpapigil pa.
"Oh my gosh! Hyo, what are you doing?!" nagulat ako ng bigla na lang pumasok si Som.

BINABASA MO ANG
Chasing The Gay
RomanceSa sobrang kaka-basa ni Jenny ng mga gayxgirl na stories sa wattpad, naging batayan na ito ng kanyang pagpili sa magiging karelasyon kaya naman hanggang ngayon single pa din siya. Hanggang sa isang araw, ang unang pinaka-poging bakla na nagtransfer...