Chapter 11:

4.1K 128 1
                                    

Jenny's POV

Pagkahabol ko sa mga bestfriends ko sa loob ng school, hindi ko napigilan yung sarili kong umiyak. Ang sakit lang. Ano ba kasing inaasahan ko? May boyfriend yung tao Jenny!

Napaka swerte ko pa rin pala kahit papaano dahil eto, may mga kaibigan akong handa akong tulungan at damayan sa problema ko. Nang mapansin nilang umiiyak na ako habang nakasunod sa kanila huminto pa talaga sila para lang patahanin ako.

Hay! Nakakainis!

Nakaupo kami ngayon sa isa sa mga bench na malapit sa kung saan kukuhanin nila yung form 137. Inaasahan kong susundan niya ako at pipiliin ako, pero akala ko lang pala yun.

Natapos na silang kumuha, at ako napagtanto kong hindi ko dapat iniiyakan una sa lahat ang taong alam kong di naman ako mamahalin pabalik at nadadamay pa ang mga kaibigan ko.

Paglabas na paglabas pa lang namin ng gate…

"Jenny…" nagulat ako dahil nandito pa siya. Pero move on Jenny. Wag mo siyang pansinin.

Dire-diretso kaming naglakad, at hindi nililingon si Ezekiel.

"Jenny please. Talk to me." nahawakan niya ang kamay ko kaya naman napaharap na din ako sa kanya.

Binigyan ko lang siya ng cold stare at nagpoker face sa harap niya. Gusto ko ipakita kung gaano ko siyang ayaw makausap. Kasi ako lang ang masasaktan sa lahat ng 'to.

"Ano bang  kailangan natin pag-usapan? Wala naman akong business sa'yo eh. Tsaka sino ka ba?" sabay inirapan ko siya.

Halos mawasak ang puso ko sa mismong sinabi ko.

"A-ano bang ginawa ko sa'yo?" what? So all this time, manhid ka pa lang talaga? Argggh.

Inayos ko ang sarili ko. Tinalikuran ko siya at hindi ko sinagot ang tanong niya. Bahala siyang umalam.

"Tara na. Magga-gabi na oh. Baka pagalitan kayo. Wag tayong nakikipag-usap sa stranger, mamaya may gawin pang masama sa atin yan." hindi ko maintindihan pero parang lahat silang mga bestfriends ko malungkot ang pagmumukha.

Third Person's POV

Hinatid ni Angelica, Jane, at Marielle si Jenny sa bahay nito, dahil malapit lang naman at alam nilang kailangan sila ni Jenny ngayon.

Nang makapag paalam ang tatlo, nagpunta muna sila sa bahay ni Jane at doon nagusap tungkol kay Jenny.

"Hay, kawawa yung dalawa noh? Ayaw pa kasi umamin ni Ezekiel." pauna ni Marielle.

"Paano aamin may gusto ba? Tsaka kita mo, may boyfriend nga." sabat ni Jane.

"Halata kaya siya. Tsaka diba lagi niyang tinatanong si Jenny sa atin?" sabi naman ni Angelica.

"Eh syempre kaibigan." sabi ulit ni Jane.

"Tutol much, Jane?" apela ni Marielle at Angelica.

"Eh kasi naman, Wag na lang natin ipilit si Ezekiel kay Jenny nasasaktan lang si Jenny." ani Jane.

"Jane, normal na lang yun pag nagmamahal. Tsaka paano nila malalaman na mahal nila ang isa't isa kung hindi sila nasasaktan sa mga bagay na nakikita nila na alam nilang hindi sila belong sa buhay ng bawat isa. Kagaya nung kay Ezekiel kila Hannah, right?" litanya naman ni Marielle.

"Fine, fine. So anong plano?" napangisi ang lahat sa tinuran ni Angelica.

Ezekiel's POV

Nandito ako nga sa bahay namin. Nakaupo, maya-maya tatalungko and everything.

Hay! Naiinis ako sa sarili ko! Hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang makapag sorry sa nagawa ko kay ate Jenny. Tinanong ko pa talaga kung anong naging kasalanan ko ah!

Argggh!

Kung humingi kaya ako ng tulong kila ate Marielle?

Tama! Ang talino mo talaga, Ezekiel.

"Uhhm, Marielle?" tinawagan ko siya ngayon. Alam niyo na.
"Oh, Ezekiel. Napatawag ka?" ani ni ate Marielle.
"Ah, pwede bang favor? Please?"
"Ano naman yun?" tanong ni ate Marielle.

After a minute.

"Salamat ate Marielle." nagpaalam na ako at naghanda na para sa plano para makipagbati kay ate Jenny.

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon