Chapter 5:

4.8K 145 3
                                    

Jenny's POV

Natapos na ng tuluyan ang intramurals namin, pero di pa rin napuputol ang communication namin. Hanggang communication lang kami ngayon kasi magkakaiba kami ng oras ng pasok.

At, nagbati na rin pala si Ezekiel at Jezriel. Para daw sa friendship, ang unang bumitaw sa kanila sa pagkakaroon ng crush kay Andrei ay si Jezriel. Narealize daw niyang panget naman nun.

Oo, tama ka Jezriel. Panget yun Ezekiel! Ako babae, ikaw lalaki. Kaya mas bagay tayo! Wahaha, hindi naman masamang mangarap diba?

Fast Forward

Naka-graduate na kami at lahat lahat, pero hanggang pa-joke pa rin ang alam ni Ezekiel na pag-ibig ko sa kanya.

Mas nalungkot ako na ngayong college eh magkahiwalay na kami at minsan na lang kami magkita.

At masakit pa sa feelings nun, bago pa magsimula yung college life ko, nagkaroon na naman ng bagong pag-ibig ang mahal ko.

"Hoy, sino yung nasa status mo sa FB?" nandito kami ngayon ni Ezekiel at Jezriel sa 2nd floor ulit. Ito na ang nagiging tambayan naming tatlo.

Nagkatinginan naman sila ni Jezriel saka parang baliw na tawa ng tawa.

"Hala sige. Yan tayo. Ayaw sabihin sa akin, sila-sila lang nag-kakaalamanan." nagtampu-tampuhan epek pa ako.

Pero di naman sila tinablan ng tampo epek ko at sinabihan pa ako ng...

"Hahaha, sige tampo-tampo ka diyan. Mabubuhay kami ng di sinasabi sa'yo no." kaya nung narinig kong inasar ako ni Ezekiel ng ganun, anong akala nila, mas matapang ata 'to.

Dahan-dahan akong lumapit kay Ezekiel, pero sa mata niya lang ako nakatuon. Si Jezriel naman busy sa cellphone kaya di kami napapansin.

Napansin ko namang paatras ng paatras si Ezekiel. Hanggang sa nabangga na siya ng pader. Edi wala na siyang aatrasan pa.

Unti-unti kong nilapit ang katawan at mukha ko sa kanya. At ngayon nakapikit na siya. Hahahaha.

"Sino ba kasi yun?" pa-seductive kong tanong sa kanya, sabay hinalikan ko siya sa pisngi.

Namula ang kanyang maputi at makinis na mukha na parang kamatis. At pagkabukas na pagkabukas ng mata niya...

"S-si Jayd-den. Waaaaaaaaaah!" agad niya akong tinulak tapos napatingin naman sa amin si Jezriel.

Naupo kami sa hagdanan ng 2nd floor. Tawa lang ako ng tawa dahil sa mukha ngayon ni Ezekiel na sobrang pula at si Jezriel naman ay kinuwento na kung anong history ni Ezekiel at Jayden.

"Para kang baliw Jenny. Ano ba kasing tinatawanan mo?" agad ko namang tinuro yung mukha ni Ezekiel. Pero poker face lang si gaga.

At ngayon pauwi na ako galing sa school namin. At dahil maaga pa, bumisita muna ako sa school ko dati kung saan ngayon nag-aaral pa din ang mahal ko.

Dahil may klase pa si Jezriel, kami muna kakain ng mahal ko ng cake na dala ko. Black forest to no. Syempre para sa kanya kahit ano, ibibigay ko. Char!

"Ang boring naman tayong dalawa lang." asik niya,

Natawa naman ako sa tinuran niya. Oo nga, pero nagka-bright idea na naman ako. Hihihi.

"Date natin to. Kaya ayan, kumain ka na. Baka matunaw yung chocolate ng cake." nandiri naman bigla yung mukha niya pero kumain na siya.

Dahil medyo may kalakihan ang cake hindi namin yun naubos.

"Uy, sayang yung cake, kanino natin 'to ibibigay?" tanong niya sa akin.

"Pakain mo sa aso niyo." sagot ko naman.

"Haha, funny. -_-" siya.

"Luh, nagjojoke ba ako?" saka ko naman siya tinaasan ng kilay.

Inirapan niya lang ako pero nagtawanan kami after nun.

Nasa kalagitnaan na kami ng daan namin pauwi ng may naisip na naman akong bright idea para magkasama kami ng matagal.

"Punta tayo kila Marielle, dun natin ubusin yan." pambasag ko sa katahimikan namin habang naglalakad.

"O sige." at nagtuloy na nga kami dun.

---

Nakaupo kami ngayon ni Marielle, Ezekiel, si Angelica (kapatid ni Marielle) at ako habang nanonood ng twilight: breaking dawn part 2.

Nang eksena na ng kiss.

"Hala! Tutok na tutok." pangaasar namin kay Ezekiel.

Nahiya naman siya kaya nag-iba siya ng tingin at inirapan lang kami.

"Jenny kiss mo na daw si Ezekiel." sabay hiyaw nung magkapatid na parang sinisilihan sa pwet. Ako, palihim lang. Eeeeh.

"Naku ah. Tigil-tigilan niyo ako ah. Kababae kong tao! Tsaka eeew." sabat naman ni Ezekiel.

"Maka-eeew naman 'to. Diring-diri? Lalaki ka pa din no! Tsaka aabot din tayo diyan intay ka lang. Hahaha." pang-aasar ko pa lalo.

Badtrip tuloy na umuwi si Ezekiel kasabay ko sa bahay nila Marielle dahil sa pang-aasar namin.

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon