Ezekiel's POV
Buong linggo kaming busy sa school at nadadala na din namin ito sa bahay. Nakakainis!
At totally, nakalimutan ko ng panandalian ang Star. Yung dapat na isesearch ko sila, hindi ko na nagawa.
At ngayon biyernes, ngayon ko lang din naalala, pero nasa school na ako. At magsisimula na ang cheerdance competition.
"Ehem, ladies and gentlemen, welcome to our 24th Intramurals week. And as we start the cheerdance competition, let us welcome, the top star K-POP group of this generation, the STAR." eto na. Eto na!
Lumabas na sila at nag start na aang tugtog.
Teka, wala naman siya dito ah. Hindi kaya akala ko lang yun? Pero narinig din ni Jezriel yun.
"Bakit kulang sila? Nasaan yung isa?" narinig kong sabi nung bata sa harap ko.
Kulang sila?
"Bata, kulang sila?" kinausap ko yung batang nasa harap ko.
"Opo kuya. Nung pinanood kasi namin sila nung una silang nagpunta ng school 4 sila eh. Tatlo lang sila ngayon." kung ganoon maaring nandiyan nga siya. Sana siya na yun.Tinapos ko na ang cheerdance competition at balak ko na sanang umuwi ng…
"Ezekiel, tulungan mo naman kami." at sari saring tulong na ang pinagawa sa akin. Hay, hindi ko na naman sila na search ano ba yan. Wala naman kasing internet dito sa school namin, bawal naman makigamit.
At nag simula na lang ang pageant, hindi ko na naman sila na search.
"And welcome again, to our 24th Intramurals week. Kanina, nagperform ang STAR nung cheerdance ano partner? Pero kulang sila kanina. At ngayon dahil, wala nga siya kanina, mag sosolo muna siya. Let us all welcome, ang alumni ng school na 'to. The leader of STAR, Hyo, also known as Jenny." parang nabingi at nabulag ako sa nangyayari.
Nabingi dahil totoo nga ang hinala ko. Namin ni Jezriel. At nabulag dahil paglabas pa lang ng babaeng matagal ko ng iniintay sa stage, isang dyosa na naka gown, with a silver and white beads and danglings that shines on her gown. Para siyang si Elsa ng frozen.
'Let it go~
let it go
Can't hold it back anymore~'Parang isang anghel ang nakikita ko ngayon. Ang matagal ko ng hinihintay ang pinakamamahal ko. Si ate Jenny.
Jenny's POV
Solo ko ngayon. Lead singer at leader ako ng group namin. At ako ang kumanta ng korean version ng let it go. Pero english ang kinanta ko ngayon. Malamang, baka maintindihan nila kung korean diba?
Pero, at last. Nakita ko din siya. Nasa harapan ko na siya ngayon. As soon as I look at him, I have just met the most beautiful eyes i wanted to see.
'Snow glows white
On the mountain tonight
Not a footprint to be seen~'Unti-unti akong lumapit sa kanya.
Naluluha ako. Feeling ko kami lang ang tao sa mundo ngayon dahil sa pagtititigan namin.
Third person's POV
Hindi namalayan ni Jenny at Ezekiel na nagtitigan na sila habang kumakanta si Jenny kaya lahat ng tao napatingin sa kanila. Lalo na si Erica na kanina pa masama ang tingin nito sa dalawa at si Jezriel naman na katabi lang din ni Ezekiel at kilig na kilig.
Hindi matago ni Hyo ay este ni Jenny ang kanyang tunay na nararamdaman. Kitang kita sa mamasa masa ng mata nito ang galak at saya sa pagkikita nila ng kanyang minamahal. Hindi rin mapigilan ang ngaiti ng dalaga dahil sa wakas nakita niya na ito.
Manghang mangha siya ngayon sa Ezekiel na nakikita niya, dahil wala na ang baklang minahal niya kundi isang matipunong binata na na tulad niya ay may sabik sa mata nito. Ngunit ng mapansin ni Jenny ang katabi nito. Si Erica, parang bumalik lahat ng sakit na nadarama niya.
Patuloy pa rin kumakanta si Jenny pero unti unti siyang umatras. Alam niyang wala pa rin siyang karapatan sa lalaking yun ngayon pa na may girlfriend na ito.
Isang malaking pagtataka naman ang rumehistro sa mukha ng binata ng unti unti na naman nawala ang kanina ay tuwang nakikita niya sa mata ng kanyang minamahal.
At naramdaman niya ang paglingkis sa kanya ng kanyang girlfriend, si Eriica.
Siya ba ang dahilan? Agad na naisip ng binata.
Natapos ang kanta ni Jenny na hindi pa rin niya nasasabi sa binata ang tunay nitong nararamdaman. Hindi nga ata talaga sila para sa isat isa.
Usal ng utak ni Jenny.
BINABASA MO ANG
Chasing The Gay
RomanceSa sobrang kaka-basa ni Jenny ng mga gayxgirl na stories sa wattpad, naging batayan na ito ng kanyang pagpili sa magiging karelasyon kaya naman hanggang ngayon single pa din siya. Hanggang sa isang araw, ang unang pinaka-poging bakla na nagtransfer...