Chapter 28:

3.2K 98 0
                                    

Ezekiel's POV

Hindi ko naman sinasadyang sabihin yun. Ewan. Argggh! Ano ba 'tong ginagawa ko?

Nang tumakbo siya papunta sa upuan namin at nakita ko siyang umiiyak, naiinis ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ilang beses ko na siyang pinaiyak. Sinubukan kong lumapit pero may lalaking lumapit sa kanya at inabutan siya ng panyo.

Hinatak ng lalaki si ate Jenny at sinundan ko sila hanggang sa bar counter. Binigyan ng lalaki ng maiinom si ate Jenny.

At nakakainis lang kasi, chinachansingan niya si ate Jenny. Humahawak pa sa balikat. Okay, I know medyo O.A na ako. Pero hindi niya kilala yun eh.

Nakita kong hinawakan ng lalaki ang mukha ni ate Jenny kaya napalapit ako at pinigilan kung ano man ang gagawin niya kay ate Jenny.

"Sorry man. I'm her accompany. Thanks for accompanying her while I'm away." aalis na sana kami ng pigilan niya kami.

"Are you the man that she's talking to? The one who leaves her despite that she protected him from danger? If you were, you're a gay, man!" napahinto ako sa sinabi ng lalaking kasama niya.
"Why do you care? Just leave us alone!" singhal ko sa lalaki.
"If you don't care for her feelings, well atleast try to put her shoes on yours, dude. She's a one hell beautiful woman. She don't deserve to feel like that."

Naiinis ako sa sarili ko. Ano bang ginagawa ko?

Pagkatapos ng lahat ng ginawa ni ate Jenny para sa akin?

Para lang maibalik ang ala-ala ko?

Binitawan niya pansamantala ang maganda niyang buhay para lang bumalik ang ala-ala ko.

Pero anong ginagawa ko?

Bumalik kami ni ate Jenny sa lugar na walang masyadong ingay at tao. Lasing na siya, halata naman dahil hindi na siya makatingin ng diretso.

"Ano naman ngayon ang prob-hik-lema mo? Nangengealam ka? Ano ba kita? Kaibigan lang naman kita ah!" nasasaktan ako.

Dapat ko ba 'tong maramdaman?

Bading ako diba? Pero bakit... bakit pakiramdam ko mahal na mahal ko 'tong taong 'to?

Dahil lang ba sa kalasingan?
Pero kahit hindi ako lasing, n-nararamdaman ko 'to.

"Balak ka niyang halikan kanina!" sigaw ko sa kanya.
"Balak? Mukha-hik- bang may balak yun? Buti nga siya naiin-hik-tindihan ang nararamdaman ko. Ikaw ba naiintindi-hik-han mo ba? Ni minsan ba naramdaman mo kung ano ang -hik- nararamdaman ko? Ha!? Sabihin mo nga?!"

Oo, hindi ko nararamdaman. Hindi ko naiintindihan.

Pero susubukan kong intindihin.

Agad ko siyang hinalikan. Baka sakaling maintindihan ko siya.

Ang sarap. Para akong nasa langit. Ano ba 'to? Iniintindi ko lang naman siya. Sinusubukan kong intindihin siya, sa paraang 'to.

Pero parang mas higit pa sa pagiintindi ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi lang pagiintindi, kundi... pagmamahal.

Pamilyar ang lahat ng ito. Parang hindi ito ang unang beses na nangyari sa akin 'to. At sinisigurado kong ito... ito din yun. Lahat ng yun...

Naiiyak ako...

~Let it go...

Let it go...

Can't hold it back anymore~

Nang marinig ko ang kantang yan...

Lahat... lahat-lahat.

Bumalik.

Humiwalay kaming dalawa. Hinahabol ang mga hininga namin.

Hinawakan ni ate Jenny ang mukha ko.

"Mahal na mahal kita..." parang huminto ang lahat.

At biglang dumilim ang paningin ko...

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon