Chapter 29

3.2K 91 0
                                    

Jenny's POV

Parang nawala yung kalasingan ko ng biglang bumagsak si Ezekiel sa sahig. Agad ko siyang nilapitan.

"Bakla! Ezekiel, gumising ka." sobrang kinakabahan ako ngayon dahil sa nangyari sa kanya.

Alam kong hindi siya lasing para mahimatay at lalong hindi siya ganun kahina para mahiatay lang ng dahil sa nag-aaway kami ngayon. Naiiyak na ako. Hindi ko alam ang gagawin.

Narinig kong nangring ang cellphone ni Ezekiel kaya naman kahit nanginginig ang kamay ko at ang labo na ng paningin ko dahil sa pag-iyak ay pinilit kong masagot ang tawag.

"Hello, Ezekiel?! Where are you? Are you with Hyo?" nakilala ko agad yung boses niya. Si Som.
"Som, we're here at the back door beside the restroom. Please, help me. Plese..." napahagulgol na lang ako habang kausap si Som.

Maraming pumapasok sa isip ko. Paano kung may sakit pala si bakla? Paano kung mas lalo niya akong hindi na maalala pa, yung mga nakaraan namin? Napaka raming gumugulo sa isip ko at hindi ko na alam ang gagawin pa.

"Hey, Hyo! Please calm. What happened? Tell us!" mukhang nagpapanic na din si Som sa kabilang linya ng dahil sa akin.
"Please Som, come here! I can't do it here alone. Ezekiel lost his conciousness and I don't know what to do..." at naiyak na naman ako.

Hindi naman ako ganito eh. Malakas ako. Para sa kanya lalakasan ko. Pero anong nangyayari ngayon?! Jenny sabihin mo?! Malakas ka diba?

Pero dahil sa kalasingan at panic hindi ko magawang tumayo. Ang sakit lang na wala kang magawa sa sitwasyon niyo dahil mahina ka.

Ilang minuto lang ay nakarating si Bora at Som sa kinalulugaran namin at tulong-tulong naming binuhat si Ezekiel. Nakasunod naman si Syou sa amin at tinawag ang driver namin pati na ang manager at tahimik kaming umalis sa lugar.

Agad namang kaming nagpunta sa pinaka malapit na hospital sa bar at ipinasok si Ezekiel sa isang private room para na din hindi kami magawan ng issue.

Na-admit na siya at maayos na kami. Binigyan din kami ng hospital ng pampawala ng sakit ng ulo at kalasingan. Pero kahit na ganun, sobrang sakit pa din ng dibdib ko dahil sa nakikita kong kalagayan ni Ezekiel ngayon.

"You're crying again, Hyo." lumapit si Som sa akin at hinimas ang likod ko.
"I'm sorry Som. I just can control it. Maybe if we don't go there he won't be stressed and be like this. This is all my fault." patuloy pa din ako sa pag-iyak. Iyon kasi ang sinabi ng doktor. Na stressed daw ata siya ng sobra at dahil galing siya sa aksidente ay hindi pa kinaya ng katawan niya.
"Shhh, its not your fault. Don't blame yourself. We should take a rest for a while. Come on." pag-aya sa akin ni Som.
"Just go Som. I want to see Ezekiel when he woke up." narinig kong napa buntong hininga si Som.
"Okay, if that's what you want. Just don't stress yourself and be like Ezekiel. We don't want you to admit here too." she smiled at me at umalis na.

Tinitigan ko ang mukha niya. Ang mala-anghel niyang mukha. Hinawakan ko ito. Tulad ng dati napaka-lambot pa din ng balat niya.

"Gumising ka na diyan baks. Sige na, hahayaan na kita sa gusto mong gawin. Alam mo namang mahal na mahal kita kaya siguro oras na para hayaan na kita. Hindi ko na pipilitin na maalala mo ako. Siguro ako ang dahilan ng stress mo kaya sorry." naiiyak na naman ako.

Hinawakan ko ang kamay niya at yumuko sa ibabaw ng kama katabi niya. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon