Ezekiel's POV
Grr! Kanina pa nangangati yung pwet ko dito sa kinauupuan ko. Gusto ko ng malaman kung sino yun. Kung siya ba talaga yun.
Sana makita ni Jezriel.
Ok class. Dismissed.
Pagka announce na pagka announce ni Sir Jonathan nun ay inunahan ko na siya sa paglabas. Tinawag pa ako para pagalitan dahil ayaw niyang may mauunang estudyanteng lalabas sa kanya pero wala na akong pakialam.
Narinig ko din tinatawag ako ni Erica.
Shit, si Erica. Pero gustong gusto ko ng makonpirma kung siya nga yun.
"Jezriel, nakita mo ba? Ano?" pagpipilit ko sa kanya. Napansin kong wala na ang kumpulan kaya wala na siguro sila.
Napayuko naman si Jezriel.
"Sorry, hindi eh. Sobrang dami kasing tao, ang hirap sumiksik. Pero rinig ko sa mga teacher babalik yun sa Intramurals sa laban na ng Ms. Intrams at false gay at magpeperform. Pati na rin ata sa cheerdance." napayuko na lang din ako.
Magiintay ako. 2 years ang inintay ko. Wala ang 1 linggo kumpara dun. At kapag nalaman kong siya nga yun, hinding hindi ko na siya papakawalan.
Tumakbo ako sa labas, baka nandun pa sila. Pero wala na talaga.
Naarinig kong nag announce yung principal namin.
"Babalik sila next week at magpeperform sa friday. Pati na rin sa cheerdance competition." parehong friday gaganapin ang big event na yun ng intramurals namin. Magiintay ako.
Jenny's POV
Nagbalik na ako.
Oo bumalik na ako, after all, bayang sinilangan ko pa rin 'to.
Pero bilang isang K-POP performer na.
Alam kong dun pa rin siya nag-aaral.
Pero balita ko may girlfriend na siya.
Yung totoo? Hindi pa ako nakakamove on sa kanya.
Ang hirap. At walang isang manliligaw ako sa Korea na sinagot ko.
Ayokong maging panakip butas lang sila.
"Hey, Hyo. We still have our shooting. Get up." tawag sa akin ni So. Hyo ang screen name ko sa Korea eh.
"Nae, arraseo." at agad akong tumayo.Natapos ang shooting at rehearsal namin. Nakakapagod as usual. Pero sanay na. Ikaw ba naman, 1 taon na i train ka tapos yun lang ang gagawin mo sa buong isang taon na buhay mo. Masasanay ka talaga.
Short shorts, hanging blouse, tsaka heels. Porma na.
Pumunta ako sa bahay ni Jane. Dito kami magkikita ng mga kaibigan ko ngayon. Pinayagan ako ng manger namin. Pero naka shades ako at payong. Mainit eh. Ayoko naman mag kotse, ang lapit lang ng bahay namin sa bahay nila eh. Doon pa rin ako sa dati kong bahay nagsstay bago pa ako pumuntang Korea. Pero sila naka hotel. Hayaan niyo na.
*tok tok*
Natanaw ko mula sa malayo ang mga kaibigan ko. Si Angelica, Marielle, Jane, ang mama ni Jane, si Mike at Aira.
"Wooh. The K-POP star is here." sigaw ni Marielle.
Nagyakapan at nagbeso beso kaming lahat. At nung si Mike na ang yayakap sa akin eh nag bro fist kami.
"What's with the bro fist?" sabay tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Lalaki na yan beh. May asawa na nga eh." napanganga ako sa nalaman ko. Wala kasi akong balita sa kanila sa isang taon na inilagi ko sa Korea.
"Oh my gosh. Heartbroken." natawa naman sila sa tinuran ko. Haha, ganyan ko asarin si Mike dati, bago ko pa makilala siya.
"Che! Kadurdur. Hahaha." umaktong bakla si Mike pero yung tawa niya lalaking lalaki na.
"Nakakaloka, lalaki ka na nga. Hahaha. So asan ang inaanak ko?" namula naman si Mike habang sila eh tawa lang ng tawa.
"Wala pa Jenny. Pero gusto mo makilala asawa niya? Nandito." sabat ni Jane.
"Spokeperson ko? Ikaw asawa?" pabaklang sagot na naman ulit ni Mike kay Jane.Natawa na lang kami sa ginagawa ni Mike.
Nakilala namin ang asawa niya, si Richa. Pronounce as Rica. Arrange marriage lang pala sila, pero dahil pusong bakla to si Mike at maganda at mabait naman to si Richa eh nainlove na.
Normal naman na daw na nagbabakla baklaan minsan si Mike sa harap ng asawa niya. Pero nagawa na nga niyang lalaki si Mike sa sobrang ka sweetan nilang dalawa.
Buti pa si Mike. Hayy.
BINABASA MO ANG
Chasing The Gay
RomanceSa sobrang kaka-basa ni Jenny ng mga gayxgirl na stories sa wattpad, naging batayan na ito ng kanyang pagpili sa magiging karelasyon kaya naman hanggang ngayon single pa din siya. Hanggang sa isang araw, ang unang pinaka-poging bakla na nagtransfer...